Kung lumayo man ako, ‘yon ay dahil sa wala nang dahilan para manatili pa ako malapit sa’yo.
Una sa lahat, wala nang tayo; matagal na mula ng mas pinili nating putulin ang relasyong merun tayo.
Pangalawa, masaya na ako sa buhay na merun ako; hindi ko na gugustuhing balikan ang mga alaala kasama mo— mas gusto kong maging payapa ang puso ko.
Pasensya na kung mas pinipili kong lumayo, huwag kang pansinin at ituring na parang hangin tuwing nakikita ko— alam ko kasi ang hangarin mo; gusto mo pang ibalik ang nawalang tayo. Hindi upang mahalin o dahil mahal mo pa ako, kundi dahil gusto mo na naman akong paniwalain sa mga pangako mong ‘di naman totoo.
//Sheng Margarette