Destination 13

1.9K 165 31
                                    

Third Person

"Any comment?" tanong ni Adrus Coal sa lahat ng naroroon sa silid.

Kasalukuyan silang nagkakaroon ng pagpupulong tungkol sa impormasyong isiniwalat ng mag-asawang Sphinx. Tungkol ito sa pag-ungkat ni Detective Seven sa nangyari noon kay Mira na matagal na nilang ibinaon sa limot.

Si Mira ang pang-anim na biktima ng Curse of Eight ni Katus Constantine dalawampo't limang taon na ang nakalipas. Kaya noong nahimatay siya ay nagkaroon ito ng anim na itim na tuldok sa noo.

"Detective Seven? She's a famous lawyer and detective, right?" tanong ni Callias nang makilala niya ito.

"Yeah. And I think the country needs someone like her. Someone who can uphold justice. I like how principled she is," komento naman ni Veronica.

"This country needs her...but we don't. Right now, we have no idea why she's interested with the case of Mira twenty-five years ago," singit ni Queen Cleo at tuluyang inilapag ang dokumento sa mesa.

"And who gave her the file anyway?" dugtong na tanong ni Haring Axel kaya napaisip ang iilan.

Wala silang mahagilap na sagot.

"Diba sabi mo rin, nadestino siya rito upang resolbahin ang krimen na gawa ng mga walang kuwentang bampirang outcast?"

"Yes. At dumagdag pa ang bagay na yan sa ating suliranin. I heard she's great in this field, and she fears no one. What if she'll discover the Mafia Cole, or worse...expose our race?"

"We can't let that happen. If she'll be a great threat to us, then better eliminate her as soon as now."

Lahat ay napatahimik dahil sa naging pahayag ni Queen Cleo.

"Queen Cleo, I think...the Pillars of Light will thoroughly discuss that matter first," wika ni Highmaster Tanixus na mukhang sinanggayunan ng lahat.

Si Highmaster Tanixus White ang kasalukuyang pinuno ng Pillars of Light.

"So, what shall we do? Hahayaan na lang ba natin ang babaeng iyan?" iritadong tanong ni Queen Cleo.

Sa hindi malamang dahilan, naiinis ito kay Detective Seven.

"We will still continue pursuing the outcast vampires out there. They're creating quite ruckus already. Sakit sila sa ulo. Pati tayo nadadamay," pag-iimporma ni Adrus.

"And the fact that she's interested with Mira's case? I remember, Mira was the sixth victim of Katus, right? That's why she had those dots." Napasinghap ang karamihan ng banggitin ni Queen Cleo ang pangalan ni Katus.

Ang pangalang minsan nang kinatakutan ng karamihan.

"Yes, I am," sagot ni Mira.

"What if this girl is the seventh victim?Diba hanggang ngayon ay hindi pa natin nakikila kung sino ang pangwalong isinumpa noon? What if it's her? That's why she's interested with this thing."

"That could be correct. So, she's seeking for answers, kung bakit ba nagkaroon din siya ng marka," sanggayon ni Veronica.

"Ngunit, sinabi niyang ang kanyang kaibigan ang nakaranas nito. At patay na ito ngayon," pag-iimporma naman ni Tristan.

"What if she's just lying?" nakangising tanong ni Veronica.

"Kung siya nga ang pangwalong biktima, bakit? Why did Katus choose a human being who has no connections with Tania? With us? And that was twenty-five years ago, right? Sa mga panahong iyon, bata pa lang siya."

Muli na namang nagkaroon ng katanungan ang kanilang isipan dahil sa pahayag ni Highmaster Tanixus.

"OMG! OH MY GOSH!" Lahat sa kanila ay napatingin kay Skelly na kasalukuyang nakatitig sa kanyang cellphone.

"Look at this!" Ipinakita nito ang balita tungkol kina Detective Seven at Axon.

Napasinghap silang lahat.

"Nasaan na ba si Axon? Diba nandito lang siya sa mundo ng mga mortal? Bakit hindi siya dumalo ngayon?" pagpuna ni Queen Cleo.

Napatango rin ang karamihan. Hindi na basta-bastang rogue vampire si Axon, isa na siya ngayong miyembro ng Pillars of Light. Kaya naman ay nararapat lang na dumalo siya sa mga pagpupulong na tulad nito.

Ngunit kahit anino niya ay hindi mahagilap.

"He won't come... because he knows something," seryosong pahayag ng kapatid nito na si Haring Axel.

* * *

Samantala, sa isang napakaliblib na kuweba...

Biglang nagliwanag ang malaking itim na kristal na ilang taon nang nakalutang sa ere.

Napasinghap ang naroroon at nag-abang sa susunod na magaganap. Sa loob ng ilang taon nilang pagbabantay sa kristal, ngayon lamang ito nagpakita ng kakaiba.

Hindi nagtagal ay nabitak ang kristal at makalipas ang ilang sandali, isang pamilyar na pigura ang lumabas mula rito.

Napanganga ang lahat sa pagkagulat, ngunit agad din silang napaluhod nang mapagsino ito.

"P-anginoong K-atus- -" Napatigil ang isang lalaki at biglang lumutang sa ere.

Sa isang kisapmata ay nagliyab ang katawan nito at tuluyang naglaho.

Napatawa naman ang lalaking tila ba ay bagong gising lamang mula sa mahabang pagkakatulog.

"It's good to be back, finally! How long has it been this time?" takang tanong ng lalaki habang sinusuotan niya ng damit ang kanyang sariling kahubdan.

"Dalawampo't limang taon, panginoon."

"Twenty-five years? That long?!" gulat nitong tanong ngunit agad din namang napangisi.

"It doesn't matter. Now that I'm back, everything will finally unfold to what we have planned many years ago," pahayag niya at inilabas ang isang Sagradong Bato na nakuha niya noong huli niyang laban.

"The key to his chain was destroyed," mapait niyang wika at ipinalutang ang bato. "But, with this sacred stone, I will forge another one." Bigla itong humalakhak kasabay ng pag-iba ng panahon sa paligid.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan at sunod-sunod na kidlat ang gumuhit sa kaninang payapang kalangitan.

"Katus was gone. He died twenty-five years ago. The one standing in front of you right now is your new lord. Call me...Iskanor Montaine."

"Yes, Lord Iskanor," sabay-sabay na sambit ng mga tagasunod niya.

"Akala nila natapos na ang lahat. Ngunit makikita nila...nagsisimula pa lang kami. They thought they had killed me already twenty-five years ago. But, here I am now, stronger, mightier, darker. They can't easily end my reign... because I'm the Emperor of Death."

Destined To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon