Destination 20

1.8K 174 30
                                    

Seven

I gulped silently. All eyes are now on me. I'm sitting on the edge of this freaking long table, and their stares are indeed piercing me like arrows.

Nang malaman ng grupo ni Callias ang tungkol sa akin ay agad nila itong ipinaalam kay Uncle Adrus. At gamit ang natatanging kapangyarihan ng pamilyang Coal, dinala nila halos lahat ng mahahalagang pigura ng buong Gabiarmun sa kasalukuyan.

Some faces are familiar to me, especially those coming from Vampyria. But, there are few I just saw for the first time. Nandito rin ang iilang kasapi ng tinagurian nilang Pillars of Light.

This is a hot seat to the highest level.

"Ikaw ba talaga si C-assiopeia?" Si Stacey ang bumasag ng katahimikan.

Axon told me that when she became the Queen, she changed her name to Cleo. Kung ako may change of identity, siya naman pala ay may pa change name. Pabida talaga ang babaeng ito.

"Sa lahat ng naririto...ikaw ang nakakaalam na hindi pa ako patay. You were there when Avera told me about my future. I will die...but I will be reborn. And I was reborn."

Napasinghap sila dahil sa sinabi ko. Lahat sila ay hindi makapaniwala. Walang ideya kung paano ito naging possible. Wala ring mahagilap na sasabihin.

Tulad na lang ni Gresha na kanina pa nakatitig sa akin. Napairap pa ako nang makitang kanina pa rin naglalandas ang mga luha niya.

"Paano kami makakasiguro?" singit ni Veronica.

Oh! here comes the strict old maiden. I rolled my eyes at her.

"Veronica, you haven't changed at all! You're still irritating as ever...and creepy," I commented.

She just nodded at me. "A hundred percent sure, she's Cassiopeia. Walang duda. Maliban kay Cleo, siya lang ang kilala kong ganyan kapasmado ang dila."

"EXCUSE ME!?"

"EXCUSE ME!?"

Sabay pa talaga kaming napasinghal ni Stacey o Cleo. Napairap pa ako sa kanya. Wala siyang originality.

"I rest my case," simpleng wika ni Veronica at napapikit na.

"How did you find out about your identity? Matagal mo na ba itong alam?" tanong ng isang lalaking nakasuot ng puting balabal.

"Excuse me, but who are you exactly?" taka kong tanong nang hindi masyadong pamilyar ang mukha niya.

"Apology. I'm Tanixus White from the White Coven. Leader of the Pillars of Light," magalang niyang sagot kaya napatango ako.

"So, where's your daughter? Wala rin pala rito si Caleb. I heard sila ang naging susi sa pagkatalo noon kay Katus Constantine."

They gasped. Nagkatinginan sila na puno ng pagtataka. Maging si Tanixus ay naging seryoso ang mukha.

"H-ow did you know such thing?" naguguluhang tanong ni Cleo.

"I was the seventh victim of his Curse of Eight. So, I have the right to know it, to know him." Napakamot na sila sa kanilang noo. Halatang hindi nila maproseso ang mga rebelasyong natatanggap.

"That's it!" biglang sambit ni Axel. "Axon told you already. He knows about you already, that's why he's nowhere to be found. That pain in the head brother of mine!" Pagpapatuloy niya pa kaya nasa kanya na ngayon ang atensiyon ng lahat.

But, well, he's quite right.

Sino pa bang mas makakakilala sa kapatid niya maliban sa kanya? And besides, Axel is intelligent to start with.

Destined To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon