Destination 14

1.9K 185 42
                                    

Seven

Tahimik akong kumakain sa isang tanyag na restaurant dito sa Centrus. Ngunit kahit gaano man katahimik ang lugar, patuloy pa rin akong binabagabag ng iba't ibang katanungan.

Bakit simula nang makarating ako rito ay biglang natigil ang pagpatay?

Bakit walang makuhang impormasyon ang mga inutusan kong magsaliksik tungkol sa pamilyang Cole?

Bakit ang tahimik? Yung tipong katahimikan na alam mong hindi na tama.

Like the calm before a storm.

Naging alerto ako nang biglang tumunog ang aking satellite tablet. Agad ko itong inilabas mula sa loob ng aking bag at mabilis na kinalikut.

Holy cow!

Ang folder na naglalaman ng impormasyong tungkol kay Mira Sphinx ay malaya ko lang iniwan sa ibabaw ng aking desk. At tulad ng inaaasahan ko ay may nagtangka ngang kunin ito.

At sa katotohanan nga ay nakuha na nila.

I smirked. Kumagat sila sa patibong ko

Assuming that the Sphinx couple really knew about the mark, I already anticipated that they'll get that folder from me. I was right.

And they made a big mistake. Kinabitan ko lang naman ng GPS locator at bugging device ang folder. Hindi ito agad makikita dahil maliit lang ito at inayos ko ang pagkakakalagay sa parteng hindi agad mapapansin.

Without wasting any time, I got up and fastly went to my car. Agad kong sinundan ang location na nakadisplay sa screen ng tablet.

Habang nagmamaneho ay ikinabit ko na rin ang aking earpiece at in-on ang bugging device.

"Clyde? Nasaan ka ba?"

Boses ng babae ang bumungad sa akin.

"I'm inside the car. Driving,"  sagot naman ng isang lalaking boses.

Mukhang nag-uusap sila sa telepono.

According to their convo, his name is Clyde. And he's the one who stole my folder. Napaisip naman ako kung sino siya, but his name doesn't ring a bell.

"Huwag mo akong mapilopilosopo, Clyde! Malilintikan ka sa akin! Ang batang ito talaga oh!" singhal ng babae.

"Fine. I'm going to Tri-C Megamall, happy?"

"Siguro binisita mo na naman si Sapphire ano? Ilang araw pa lang simula nang makilala mo siya pero nababaliw ka na sa kanya! Binata na talaga ang anak ko. Parang kahapon lang nagpapakarga ka pa sa akin."

"Mom!!! Stop it!" reklamo ng Clyde at nasundan pa ng halinghing na ikinatawa naman ng babaeng kausap niya. Ang kanyang ina.

"Anyways, huwag kang magtagal dito. Masyadong dilikado. Pinapauwi ka na ng ama mo sa Gabiarmun. Bagot na yun doon. At nag-aalala yun."

Gabiarmun? Where is that place? Bakit mukhang ngayon ko pa lang ito narinig?

"Mom, I turned 27 already. Hindi na ako bata."

"Clyde! Sinusuway mo na ba ako ngayon?!"

"No. It's not like that --"

"Then what it is like?"

Narinig kong napabuntong hininga ang lalaki.

"Fine. Mom. May binigay lang sa akin si Uncle Callias na folder. Ipinabibigay ito kay Tito Adrus. That's why I'm going there."

"Aba! Pinagpapagod ka nila? To think na madali lang naman yan gawin kung sila ang gagawa gamit ang kanilang kakayahan. Hayaan mo baby, malilintikan sa akin ang Tito Adrus mo!"

Nag-usap pa sila ngunit hindi ko na ito masyadong pinagtuonan ng pansin.

Tri-C Megamall. Folder. Callias. Adrus.

I knew all of those. Kahit hindi ko pa sila personal na nakakaharap, the details in my head are slowly connecting.

Ngunit ano naman ang kinalaman ng Cole Family sa bagay na ito? Ano ang koneksiyon nila sa pamilyang Sphinx? Ano ang alam nila sa marka?

"I'll end the call already. See you there." Narinig kong pahayag ng babae.

"What do you mean by 'see you there'?"

"Oh! Hindi ko pa ba nasabi? Papunta rin kami ng Tita Cathy mo sa Tri-C Megamall. In fact, malapit na kami."

"Great," sarkastikong sagot ng Clyde at tuluyan nang natapos ang pag-uusap nila sa telepono.

Nang mapatingin ako sa tablet ay bahagya siyang napatigil nang marating ang Tri-C Megamall.

Agad ko namang binilisan ang pagmamaneho. Mabuti naman ay walang traffic kaya matulin ang aking pagbiyahe. Ilang minuto na lang ay mararating ko na rin ang Tri-C.

I want to surprise them when they're talking privately. I want to see their shocked faces the moment I drop bombs in front of them.

And I want them to give me the answers I've been searching for. Hindi talaga ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman ang tungkol sa markang iyon.

Nang marating ko ang parking lot ng Tri-C ay mabilis ko nang tinanggal ang seatbelt at akmang lalabas na sana nang...

...nang may makita akong isang pamilyar na mukha ng babae. They walked passed by my car.

May kasama itong babae na hindi ko kilala.

Ngunit ang babaeng hindi malumbayan ng aking tingin...kilala ko siya...kilalang-kilala ko siya.

How will I forget that face?



The face of...Gresha Iris.

I gasped. Chills travel down my spine. Then, an unexpected wave of memories flooded my brain.

WHAT THE FUCK IS HAPPENING WITH ME!? WHAT IS THIS MADNESS!!?

Nanghihinang napabitaw ako sa pinto ng kotse. Napatulala ako habang hinahayaan ang walang humpay na pagraragasa ng mga alala sa aking utak.

Mga alaalang...nakalimutan ko.

Nakalimutan ko nga ba?

Napatulala ako sa kawalan. Hindi makagalaw. Hindi makapaniwala.

It's as if... I just realized everything after having an amnesia. Tears slowly fall to my cheeks, then it became a sob.

I don't know why, but I cried nonstop.

I closed my eyes. Gustong kong makatulog o mahimatay na lang. Gusto kong kalimutan na nangyari ito sa akin.

But no.

Tila ba ginigising ang aking isipan ng pangyayaring ito. Pilit binubuhay. Pilit pinapaalala.

WHY?

Walang tigil ang pagtanong ko ng bakit.

And amidst my endless why's, a voice from the past reverberate in my mind like it's the one that could answer them all.

The voice of the Oracle of Dendius. The prophecy of Avera about me many, many years ago.

"Ano ang nais mong ipahula?" she asked me.

"Gusto kong malaman kung papaano at kailan ako mamamatay."

She looked at me with no emotions written on her face.

"Ilang beses ko nang napapanaginipan ang aking pagkamatay ngunit hindi ko nakukuha ang buong detalye pagkagising ko," I continued.

"Is that so? Then be it."

She held my hands and her eyes started to glow, ngunit napabitaw din matapos ang ilang sandali.

With her orbs glowing still, she spoke my prophecy, loud and crystal clear.

"You will live a long life. Then you will die, but you will be reborn. You are the symbol of rebirth. You are to a Phoenix, from your ashes, you will find life..."

And this is the new life I have found.

Destined To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon