Destination 21

2K 134 18
                                    

Third Person

Sa loob lamang ng ilaw araw ay biglang nagliyab sa lupain ng Gabiarmun ang balita tungkol sa muling pagkabuhay ni Katus Constantine.

Lahat ay naalarma at nabalot ng takot ang paligid. Sa loob ng ilang taong paglasap ng kapayapaan, muli na namang nagbadya ang pag-usbong ng kaguluhan, kasakiman, at kadiliman.

Kadiliman na ramdam na ngayon ng bawat nilalang. Lalo pa't sa hindi inaasahang pangyayari, naging kulay itim ang kalahati ng bilog na buwan.

"We can no longer stop it. Darkness has come already, and all we can do is to persist," bulong ni Haring Axel habang nakatanaw sa buwan.

Hinawakan ni Veronica ang kanyang palad at napangiti.

"And in that persistence, sacrifice and loses are inevitable. Are you ready for it? Can you handle what you are going to lose, King Axel?" seryosong tanong nito.

"I can, as long as it's not you, Veronica."

***

"We didn't just live the past 25 years relaxing! Everyday, we tried to surpass our limits. We trained to be strong, stronger. We didn't just build castles, but we built fortress and strongholds. Ngayon pa ba tayo masisindak ng kadiliman? Ngayon pa ba tayo aatras? We have had enough already! This time, we will show them the power of light!" buong-pusong pahayag ni Highmaster Tanixus sa lahat ng miyembro ng Pillars of Light.

Naghiyawan naman ang mga Pillars tanda ng kanilang pagiging handa.

"Humayo kayo at magsilbing liwanag sa nangangailangan nito. Maging lakas kayo para sa mga mahihina. Maging haligi kayo na patuloy na nakatayo kahit sa gitna ng malakas na unos!" muling pagpukaw ni Highmaster Tanixus sa kanila.

Sa isang iglap, nagsilisanan na ang lahat. Handa na silang tumungo sa kanilang mga distrito upang protektahan ito.

"How terrifying is it this time?" wika ni Andalia nang silang dalawa na lang ang natira sa silid.

Napatanaw si Highmaster Tanixus sa kakaibang buwan.

"A kind of terror that one will bring even in the afterlife," kinakabahan nitong usal.

Dahil kahit gaano man niya ipakitang matatag siya at hindi natitinag, umuusbong sa kanyang kaibuturan ang klase ng pangamba na ngayon niya lang nadama.

***

"Caleb? How? Nakita ko...nakita nating lahat. Katus perished in front of us," gulantang na sambit ni Tania kay Caleb.

"Huwag kang magpadala sa emosyon. Makasasama ito sa ating bata. We can't afford to lose our child...again."

Napatango na lang si Tania at tahimik na napaiyak. Isinandal siya ni Caleb sa dibdib nito. Masyadong mahirap para sa kanila ang mga nagdaang taon.

At kung kailan nagkaroon na sila ng panibagong pag-asa ay nagimbal naman ito sa balitang nalaman nila.

Napatingin si Tania sa buwan.

"If they will seek my help...I don't know what to do anymore. Hindi ko na alam kung ano ang aking uunahin," wika nito na mababakasan ng pagiging Metier.

"Do what you deem necessary...and let me handle you. Ikaw ang aking uunahin," sagot naman ni Caleb.

***

"Mga hukbo ng Guardians, makinig kayo! Ang buwang iyan ang simbolo ng nalalapit na pagkawasak! Ito ang panahon na wala tayong kasiguraduhan sa magiging kahihinatnan natin. Ngunit ito rin ang panahon na mas kailangan tayo ng mga bampirang ating sinumpaang paglingkuran. Kaya huwag natin silang biguin!" sigaw ni Gregor Shieldstien, ang pinuno ng mga Guardians.

Destined To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon