Destination 27

2.2K 134 15
                                    

Third Person

Marahang bumangon si Axon mula pagkakahiga. Sinigurado niyang hindi makalikha ng ingay dahil natutulog nang mahimbing si Seven sa kanyang tabi.

Tumayo siya sa gilid ng kama at mariing tinitigan ang babaeng iniibig niya. Kahit tulog ito ay halata pa rin ang kalungkutan sa kanyang mukha. Kalungkutan na maging siya ay nararamdaman din.

Nais lang naman nilang magsama ng matagal habang ipinapadama ang pagmamahal sa isa't isa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Minabuti nitong paghiwalayin sila noon, at nang muli na naman silang magkatagpo, masyado nang huli ang lahat.

Napabuntong-hininga si Axon bago tumalikod nang tuluyan. Napatingin siya sa kanyang palad. Unti-unti nang nawawala maging ang markang hourglass. Matagal na niyang alam ang tungkol dito. Matagal na niyang pinaghandaan ito. Matagal na niyang tinanggap ang kanyang kapalaran.

Ngunit sa pagkakataong ito, nais niyang mabago ito. Nais niya itong takbuhan.

Nais niyang bumalik sa tabi ni Seven at ikulong ito sa kanyang mga bisig na walang pangamba na baka hindi na dadating ang bukas para sa kanya.

Ngunit mahirap labanan ang agos ng tadhana. Kahit takbuhan mo man ito, patuloy ka nitong uusigin.

Napatingala siya sa buwan at kusang may naglandas na luha sa kanyang pisngi.

"I'm sorry.." Bulong nito at lumundag mula sa bintana.

Nang makatapak na siya sa lupa ay agad siyang tumakbo nang napakibilis patungo sa kanyang pakay. Patungo sa timog na bahagi ng Gabiarmun kung saan naroroon ang kuta ng kalaban.

Lagpas isang oras din bago siya nakarating sa malawak na kapatagan ng timog. Mula rito ay tanaw niya ang may kataasang kastilyo na bagong tayo lamang. Kahit medyo may kalayuan pa ito sa kanya ay nararamdaman na niya ang malakas na enerhiya na nakapalibot dito.

Pumikit siya at pinaglakbay ang saklaw ng kanyang isipan hanggang sa abot nito. Naramdaman niya ang presensiya ng mga bantay sa paligid. Malalakas ito at hindi pambihira.

"Die," bulong nito at sa isang iglap ay naglupasay ang mga kawal dahil sa sakit ng kanilang ulo. Dahil sa pagsabog ng kanilang utak.

Bigla namang naalerto ang kaharian. Agad nilang hinanap ang pasimuno ng kaganapan.

"I-parating ninyo ito sa mga Heneral!" sigaw ng isang kawal bago tuluyang maglaho.

Sa gitna ng tahimik na gabi, naging abala ang buong kaharian ng Death Force.

Ilang sandali rin lang ay nakaramdam si Axon ng isang malakas na alon ng kapangyarihan. Dumaloy ang takot sa kanyang sestima. Ngayon pa lang ito nakaramdam ng ganoong kapangyarihan.

"Ito na ba ang panginoon nila?" bulong niya sa kanyang sarili.

Walang pag-aalinlangan ay ito agad ang pinunterya niya. Ngunit bago niya tuluyang mapasabog ang utak nito ay napaluhod siya at napasuka ng dugo.

Hindi niya kinaya ang lakas nito.

Bigla siyang nanghina at amoy na niya ang kamatayan. Napatingin siya sa kanyang palad. Tuluyan nang nabura ang marka. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya.

Iiyak ba siya? Maghihinagpis? O hahayaan na lang na unti-unti siyang maglaho?

Sa gitna ng kanyang pagkausap sa alapaap ay isang nilalang ang sumulpot sa harapan nito. Isang bampira na nakasuot ng pamilyar na maskara.

"N-ox," bulong ni Axon na nagpaestatwa sa bagong dating.

"How did you know? When did you find out?" tanong nito na inilingan lang ni Axon.

Destined To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon