Prologue

28 3 0
                                    

Ang hirap magmahal sa taong hindi ka mahal.

Ang hirap magmahal muli dahil alam mong sa huli ay ikaw rin ang masasaktan.

Ang hirap magtake ng risk para sa sumaya lang.

Ang sakit, ang sakit masaktan.

Ano pa ang purpose ng pusong nagmamahal kung sa huli ay masasaktan rin?

Ano ba ang tama at mali sa pag-ibig?

Mali ba? Mali bang magmahal?

Tama ba na nasasaktan tayo?

Kasi kung ganyan lang, nakakapagod ng magmahal. Binigay mo ang puso mo sa isang tao pero sa huli ay winasak niya ito. Ano pang maiiwan sayo kung binigay mo lahat ang pagmamahal mo? Sinong bubuo ng nawasak mong puso?

Ang hirap kasi kapag nagmahal ka ay binibigay mo lahat ng pagmamahal mo. Pagmamahal na wala ng matitira pa sayo. Dapat kahit kaunti lang ay may iniiwan ka para sa sarili mo. Hindi iyong ibibigay mo lahat.

Masakit magmahal, ngunit masaya rin ang magmahal.

Paano ka matututo kung hindi ka masasaktan? Paano ka sasaya kung walang pagmamahal? Lahat ng bagay ay may nakatagong paliwanag. Malalaman lang sa tamang panahon.

Tamang panahon na walang sakit. Purong saya lang.

Consequences of Being InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon