Chapter 7: Armin

14 1 0
                                    

Hanji's Point of View

Mga ilang araw rin ay nagsimula ng maging okay ang dalawa. Naguusap na sila at sabay kumain. Syempre kasama kami. Ito namang si Levi ay binilinan ko sa isang salita lang.

"Shut up Levi!"

Malay ko kung susundin niya yun. Matalino si Levi kaya alam kong gets niya ang sinabi ko. Hindi ko siya tulad na slow ang pagiisip at bobo minsan---WAIT A MINUTE NA KAPENG HINDI NA MAINIT! Bakit parang binubully ko na ang sarili ko? Well half true naman yun.

So nandito kami ngayon sa bahay ng mga Ackerman dahil sabado naman ngayon. Buti naman at hindi ko makikita ang Petra na yun! So ito nga nasa garden kami ngayon at tumutulong sa pagaayos ng mga halaman. Kasama namin ang Mama nila Mikasa at Levi ngayon. Expert kasi sila sa pagaayos ng mga halaman lalo't sakanila ito.

"Hoy Hanji!" the devils call me. "Wag munang subukang maghanap ng ahas diyan dahil wala na." sabi ni Levi. Paano niya..

"Hindi naman ako naghahanap ah! Nagaayos lang ako ng mga bulaklak rito!" sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at napatingin sa palad ko. "Then what is the meaning of that?" turo niya sa hawak kung kulungan. Agad ko naman yung tinago sa likod ko.

"Baka namamalik mata ka lang! W-Wala akong hawak na kulungan noh!"

"Just don't try to find snake. If you do, I'll kick you."

"Aba ayos ka rin! Maninipa ka ng babae ha?!"

"Hindi ka naman mukhang babae kaya ayos lang yun."

Ngumuso ako at binilatan siya. "Meannnieee!!!"

-----

Eren's Point of View

"Wala ng pagbabago sa dalawang yun." ani ni Mikasa. Tumango naman ako.

"Araw araw ng may world war." napatawa naman kami ni Mikasa. Sa totoo lang namiss ko ito. Yung mag-bonding kami ng ganito. Mga ilang araw rin kasi kaming hindi nagpansinan.

Hindi nalang namin pinansin ang dalawang yun at nagpatuloy sa paglilinis. Maya maya ay titigil rin naman sila.

"Mikasa, Eren," tawag saamin ng Mama ni Mikasa. "Nakausap niyo na ba si Armin?"

"Po? Hindi pa po eh." sagot ni Mikasa.

"Lagi po kasi siyang busy kaya madalang nalang namin siyang makausap. " sabi ko.

"Ganun ba? Tumawag kasi ang mama niya saakin kahapon."

"Ano pong sabi?"

"Secret. Malalaman niyo rin mamaya."

Nagtataka man ay inalis nalang namin yun sa isip namin. Malalaman naman raw namin mamaya eh.

"Hindi ba talaga halata na babae ako sayo? Hindi ba halata?"

"Sa tingin ko? Talagang hindi."

"Ikaw! Isusumbong kitang pandak ka sa mama mo! Hmp!"

"Too noisy."

Sabay kaming napabuntong hininga ni Mikasa. Yung totoo? Sino ba talaga yung mas matanda saamin? Sila o kami? Sa ilang taong nagkasama kami nagtataka parin talaga ako kung bakit ganyan sila.

Matapos naming maglinis ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Naghanda naman ng makakain ang Mama nila Mikasa at Levi. Nasa dining room kami ngayon at umiinom ng tubig. Nakakapagod kasi ang maglinis sa garden lalo't tirik ang araw. Kahit nakasumbrero kami ay mainit parin.

"Ang init.." ani ni Hanji. "Bakit ba kasi ang init ngayon?"

"Kasi hindi malamig." sabat ni Levi.

"Kinakausap ba kita?"

"Atleast sinagot ko ang tanong mo."

Hindi nalang sumagot si Hanji at inirapan si Levi. Napafacepalm nalang ako habang nakatingin sakanila. May war pa pala.

"Ang tanda tanda niyo na nagaaway pa kayo." sabi ko sakanila.

"Tanda? Hoy Eren hindi pa kami lola at lolo noh!" usal ni Hanji. Hindi niya gets.

"Idiot. Ang ibig niyang sabihin ay mas matanda tayo sakanila." sabi ni Levi.

"Pero hindi pa tayo lola at lolo. Ikaw nga mukhang middle school pa eh."

"Dahil lang sa height ko? Atleast ako matalino."

"Atleast ako matangkad."

"Atleast ako may utak."

"Edi sana all! O di ikaw na. Matalino ka, pogi ka, nasa iyo na ang lahat. Kinulang nga kang sa height."

"Plus walang girlfriend." dagdag ni Mikasa na kararating lang. Napatawa naman kami ni Hanji sa sinabi niya.

"Kayong dalawa. Wag kayong hihingi ng tulong saakin sa mga homework niyo." tapos ay uminom siya ng tea. Ang init na nga tea parin?

"Oyy joke lang! Huhuhu joke lang po yun!" bigla namang sabi ni Hanji. Mabilis siyang sumuko kapag usapang school work na. Wala naman kaming problema ni Mikasa kasi medyo kaya pa namin ang mga gawain sa school. Sa ngayon.

"O siya tama na yan. Kumain na kayo." suway sakanila ng Mama ni Levi at inayos ang lamesa. Day off pala ngayon ng mga maid nila kaya sila ang naghahanda ng makakain namin.

"Ito Eren oh. Request saakin ni Mikasa yan kasi paborito mo raw yan." ani ng Mama ni Mikasa at inilapag ang cheese burger sa harap ko. Nagliwanag naman ang mga mata ko. Cheese burger!

"Salamat po!" sabi ko sakaniya.

"Wala yun. Parang pagkakapamila na tayo eh."

Nagsimula na kaming kumaing lahat. Gaya ng pagkakaluto ni Mama sa cheese burger ay ganun rin ang pagkakaluto ng Mama ni Mikasa. Sobrang sarap! Teka si Mikasa ang nagrequest nito sa Mama niya kasi paborito ko raw ito diba? Pero bakit? Tiningnan ko ang tabi ko, si Mikasa. Kinalabit ko siya.

"Bakit?" sabay tingin niya saakin.

"Salamat." sabay ngiti ko sakaniya.

"Para saan?"

"Para rito sa cheese burger."

Ngumiti naman siya saakin. "Wala yun."

Sana talaga... Sana talaga si Mikasa nalang ang minahal ko. Sana kaya kong suklian ang pagmamahal niya. Sana siya nalang.

Nang matapos kumain ay tumulong kami sa pagliligpid ng pinagkainan. Nagprisinta na rin kaming maghugas ng pinggan para makapagpahinga na rin ang Mama nila Mikasa at Levi. Dumiretso kami sa living room para doon tumambay since wala naman na kaming gagawin.

"Tara video games tayo!" aya ni Hanji. Tumango kami ni Mikasa. "Hoy Levi!"

"Busy ako."

"Eh? Sige na! Minsan ka nga lang maglaro ng video games eh. Please.."

"Ayoko."

"Bibilhan kita ng tea. Yung bagong labas?"

"Tinutukoy mo ba yung Primarian Yin Tea? Yung galing sa Italy?"

"Oo?"

"Tuparin mo yan. Pinalagpas ko yung utang mo saakin kaya dapat bumawi ka." tapos ay nilapag ni Levi ang libro niya sa sofa at umupo sa sahig gaya namin. Napangisi naman si Hanji.

Nagsimula na kaming maglaro ng video games. Team blue kami ni Mikasa samantalang Team red naman sila Hanji at Levi. At dahil nandoon sa team ni Hanji si Levi ay lagi silang nananalo. Minsan kami pero mas maraming panalo ang Team red.

"Ano ba yan!" sigaw ni Hanji ng matalo namin sila.

"Ang kupad mo kasing bumaril." sabi ni Levi sakaniya. Here we go again, the another world war.

"Masaya ako at okay naman kayo." napatigil kami sa paglalaro ng marinig ang pamilyar na boses na yun. Matagal na rin pero pamilyar parin saamin ang boses niya. Lumingon kaming apat at nakita namin siya. Matagal na rin mula ng makita namin siya pero wala paring nagbago sakaniya. "Kamusta?"

"A-ARMIN!?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Consequences of Being InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon