Chapter 1: First day

19 0 1
                                    

Mikasa's Point of View

Maaga akong nagising para sa bagong umaga. Ito ang first day namin ni Eren sa Highschool kaya dapat hindi kami malate.

Matapos maligo ay pumunta ako sa kusina para ipagluto siya ng kaniyang paboritong pagkain. Ang cheese burger. Kahit gusto kung makakain siya ng gulay at isda ay hindi ko na pinipilit pa. Ayoko siyang magalit saakin.

Bumuntong hininga ako habang inaayos ang red scarf na binigay saakin ni Eren noong mga bata pa kami. Ilang taon na rin ang nakakalipas mula ng isuot ko ito. At hanggang ngayon ay nasaakin parin ito. Inaalagaan ko ang mga bagay na galing kay Eren dahil pakiramdam ko ay inaalagaan ko rin siya sa bawat oras at minuto.

Matapos ang pagaayos ay nilock ko na ang pinto ng bahay namin at dumeretso sa bahay nila Eren upang sunduin siya. Sigurado kasi akong nasa kama pa siya at natutulog. Hindi rin siya magigising ng mama niya dahil marami itong ginagawa sa bahay nila.

Nang nasa tapat na ako ng pinto nila ay kumatok na ako. Pagkabukas ay tumambad saakin ang nakangiting mama ni Eren.

"Ikaw pala, Mikasa!" nakangiti niyang bati saakin. "Magandang umaga sayo."

Tumango ako. "Magandang umaga rin po. Si Eren po?" tanong ko.

Ngumuso ito at tumingin sa hagdanan nila. "Ayon natutulog parin siya."

"Ako na po ang bahala." sabi ko at pumasok sa loob ng bahay nila.

Ngumiti ng matamis ang mama niya at pinagdikit ang mga palad niya. "Salamat Mikasa!"

Pumunta ako sa kwarto ni Eren at hindi nga ako nagkakamali ng akala. Natutulog parin siya at naglalaway. Lumapit ako sakaniya at sumampa sa bewang niya at tinitigan siya.

"Eren. Eren." mahina kung sambit. Ngunit walang naging reksyon ang mukha niya. "Eren. Eren. Eren!" sigaw ko at pinisil ng mahigpit ang pisngi niya.

"Ayy palakang cheese burger!" sabay mulat ng mga mata niya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang naging posisyon namin.

Umalis ako kaagad sa bewang niya at umupo sa kama niya. "Magbihis ka na."

"Ha? Bakit?" ani niya habang kinukusot ang mga mata niya.

Tinuro ko ang orasan na nasa desk niya. "Anong oras na ba sa tingin mo? Malelate na tayo."

"Late!? Ayy patay ako!!" dali dali siyang pumasok sa bathroom niya dala ang uniform niya at agad naligo.

Bumuntong hininga ako dahil sa kilos niya. Bawat araw na first day namin sa school ay laging ganito. Magigising ako ng maaga at ako ang gigising sakaniya. Laging ganyan ang routine namin.

Nang matapos sa pagaayos si Eren ay agad na kaming bumaba. Nadatnan namin ang mama niya na nagaayos ng bento niya. Panigurado na ang laman niyon ay ang paboritong pagkain ni Eren.

"Magiingat kayo!" paalam ng mama niya.

Kumaway lang kami at agad na tumakbo papunta sa school. Mga ilang milya lang ang layo non sa bahay nila Eren kaya binilisan naming tumakbo. Ngunit sa pagtakbo namin ay may nakabangga si Eren.

"Sorry miss!" paumanhin ni Eren sa babaeng nabangga niya.

Ang babae ay may blone at mahabang buhok. May blue siyang mga mata at mukha rin siyang mahinhin.

"Naku okay lang ako." sagot niya at ngumiti. Napatingin kami sa lapag at nakita namin ang sandwich niyang madumi na. "Pero.."

Napansin kung may kinuha si Eren sa bulsa niya at ibinigay iyon sa babae. "Ito. Bumili ka nalang ng bago." matapos ay tumakbo uli si Eren. Sumunod ako.

Consequences of Being InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon