Chapter 4: Mikasa and Eren

16 1 0
                                    

Hanji's Point of View

Alam niyo, sa totoo lang talaga ang hirap maintindihan ang mga taong nagmamahal. Ewan ko ba. Bakit ka ba nahihirapan at nasasaktan kung nagmamahal ka lang naman?

"Walang wala ako sakaniya.." bulong ni Mikasa.

Just you know kanina pa niya iyan binubulong. Simula kasi ng ibalita ni Levi saamin na babalik na si Annie ay nagkaganyan na siya.

"Walang wala ako sakaniya.."

Machismis din si Levi ano? Bakit di ako inform?

"Mikasa, easy lang. Babalik lang siya." sabi ko.

Gaya ng dating routine ko. Nandito ako sa mansion ng mga Ackerman. Pagdating ko nga ay papaalis si Levi eh.

"Walang wala ako sakaniya.."

"Wala ka talaga sakaniya kasi nandito ka sa mansion niyo."

Totoo naman diba?

Anong gagawin ko sakaniya? Kanina pa siya ganyan. Nakatulala tapos kung ano ano ang binubulong. MYGOD! What on earth is happening to her!

"Nasaan ba si Levi?" tanong ko sakaniya.

"Wala rito.." sabi niya.

"Eh nasaan nga siya?"

"Ewan ko.."

"Bakit siya umalis?"

"Kasi may pupuntahan malamang.."

"Nasaan naman siya pupunta?"

"Malay ko.."

"Bakit di mo alam?"

"Kasi di ko alam..."

Magtatanong pa sana ako ang kaso naubusan na ako ng itatanong kaya tinikom ko nalang ang bibig ko. Maybe later magiipon ako ng tanong.

Mga ilang oras rin akong nagstay sa mansion nila Mikasa. Di ko rin kasi siya maiwan kasi malungkot ang mukha niya. Nalulungkot siya.. NALULUNGKOT!

"Sana ako nalang..." bulong nanaman niya.

Okay. Hindi ko na siya maintindihan ngayon? Anong big deal at nagkakaganyan siya? Porke babalik iyong first love ni Eren? Or baka magkaroon sila ng second chance?

Wait a minute!

Gets ko na! Gets ko na kung bakit ganyan siya. Ang super slow ko naman minsan.

Now to the serious mood tayo. Slight lang.

"Nagaalala ka ba na baka maging sila uli?" tanong ko.

Dahan dahan siyang tumango. "Masasaktan uli si Eren kapag nagkataon."

"At mas masasaktan ka." dagdag ko.

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa table.

Bumuntong hininga ako. Lumapit ako sakaniya at inakbayan siya.

"Alam mo ramdam kita. Kasi magmamahal na nga lang tayo sa maling tao pa. Iyong taong may mahal ng iba." sabi ko. Tahimik lang siya kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Pero kahit ganoon hindi tayo nagsisi kasi nagmahal lang tayo. Kapag usapan kasing pagmamahal kailangan marunong kang magtake ng risk. At kapag marunong kang sumugal kailangan handa ka sa mga maaring mangyari. Dapat handa kang masaktan."

"Bakit kailangan pang masaktan...?" wika niya at hinigpit ang hawak sa unan. Nasa living room kasi kami guys.

"Bakit? para matuto." This time ay niyakap ko na siya kasi alam ko na anumang oras ay iiyak siya. Ganyan siya eh, matapang sa una pero iiyak iyan kapag nasasaktan na. "Hindi lang kasi puro saya ang pagmamahal. Kaya tayo nasasaktan ay para matuto. Ganun ang pagmamahal."

At gaya ng inaasahan ko. May luhang tumulo sa mga mata niya. Pumikit siya at binaon ang mukha sa unan at doon umiyak.

"First love never dies... Nakakainis Hanji kasi sa salitang iyan, doon ko napapatunayan na hindi ko kayang kalimutan si Eren. Na hindi ko siya kayang tingnan bilang kaibigan ko lang. Doon ko rin napapatunayan na hindi niya kayang kalimutan si Annie. Kahit baliktarin mo ang mundo.. SIYA ang mahal ni Eren."

"Na kahit sinaktan siya nito, siya parin ang laman ng puso niya. Walang wala ako sakaniya.... Malabong mahalin ako ni Eren kung si Annie parin ang mahal niya. Ang tanging magagawa ko lang ay umiyak at mahalin siya sa malayo. Ang lapit lapit niya saakin pero ang hirap niyang abutin" matapos niyang sabihin iyon ay humangol-ngul na siya.

Minsan nakakapagod ang magmahal sa taong hindi ka kayang mahalin pabalik.

"Pero bakit ganun? Kahit na alam kung mahal niya si Annie, bakit mahal ko parin siya? Hindi ako umaasa na mamahalin niya ako pabalik pero ang sakit na eh. Ang sakit sakit na.."

Hinagod ko ang likod niya para mapatahan ko siya. "Mikasa, gaya ng sinabi ko dapat hindi lang saya ang pagmamahal, dapat may lungkot at pighati rin. Kasi kung puro saya lang, hindi iyon matatawag na pagmamahal. Hindi ka matuto." wika ko.

"Pero si Eren.."

"Na kay Eren na kung natuto na siya o hindi."

-----

"Hoyy Levi!" tawag ko ng makita ko siya.

Tiningnan niya ako. "Ano?"

"Saan ka pumunta? Di mo ko kinausap ng papaalis ka kanina eh."

"Kay Eren lang. May sinabi lang ako sakaniya."

"Tungkol ba kay Annie?"

"Nabalitaan mo na pala."

"Ayy hindi. Malamang kaya nga sinabi ko diba?"

"Mamilosopo ka at iiwan kita rito." banta niya.

Nagpeace sign ako. "Oyy joke lang!"

Umirap nanaman siya. Bakit palairap siya? "Four months pa bago siya bumalik."

"Four months? Eh bakit advance kang magbalita?"

"Para tapos na."

Lumapit siya saakin at umupo sa tabi ko. Tulog na si Mikasa pero nandito parin ako sa mansion nila. Gusto ko kasing malaman mula kay Levi ito eh. At tsaka hello? 10:00pm na po ng gabi.

"Bakit nandito ka pa?" tanong niya tapos ay uminom ng tea.

Teka teka. Paanong may tea na agad siyang hawak? Adik talaga ang isang ito sa kape at tea noh?

"Kasi wala ako doon--este sinamahan ko si Mikasa rito." naalala ko kasi ang banta ng adik na ito eh.

"Bakit?"

"Umiiyak kanina."

"Bakit siya umiiyak?"

"Aba malay ko. I think dahil sa balita mo."

"I see. So kamusta na siya?"

"Nakatulog sa kakaiyak."

Bumuntong hininga siya at binaba ang tea niya sa table. Alangan naman itaas sa table diba? Hekhekhek

"Si Eren ganyan rin pero hindi umiyak." simula niya. "Nang malaman niyang darating si Annie, tahimik lang siya. Pero kilala ko siya, iiyak siya kapag walang taong nakakakita sakaniya."

"Mikasa and Eren are similar. Pero ang nakakalungkot ay hindi sila pareho ng nararamdaman."

"You know Eren. He is the type of guy na hindi agad narerealize ang nararamdaman niya. Nalilito pa siya dahil ang alam niya ay si Annie parin ang mahal niya. He loved Annie but in the past. Sooner or later, He'll realize how he feels towards Mikasa."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean? Mahal ba ni Eren si Mikasa?"

"What do you think?" sabay tingin niya saakin.

"I dont get it, Levi. Nalilito ako."

He smirk. "You'll find out later."

Consequences of Being InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon