Eren's Point of View
"Tapusin na natin ang relasyon natin, Eren. Hindi na ako masaya sayo. Hindi na kita mahal." sabi ni Annie habang nakayuko.
"Why? Bakit? May nagawa ba ako sayo na ikinagalit mo?" tanong ko habang nakatingin sakaniya.
Umiling siya. "Then, Ano?!" hindi ko na maiwasang sumigaw.
Nasasaktan ako. Mahal ko si Annie at alam kung mahal niya ako. Pero bakit ngayon.. Hindi ko talaga siya maintindihan.
"Bakit ka makikipaghiwalay saakin? Sabihin mo!" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya upang makuha ko ang tingin niya, ngunit nagpumiglas siya.
"Bitiwan mo ako! Ano ba Eren! Ang sabi ko hindi na kita mahal! Hindi na ako masaya sayo! Let's stop this!" sigaw niya bago tumakbo papalayo saakin.
Naiwan akong nakatulala. Unti-unting nagsilaglagan ang mga luha ko habang pinapanood si Annie na papalayo saakin.
"Annie!!"
-----
"Eren, gising."
Napamulat ako ng mga mata ng maramdaman ko ang malambot na palad saaking noo.
"Annie.." sambit ko. Nagbabakasakaling siya.
Pero medyo nadismaya ako dahil hindi siya. Si Mikasa. Nakahiga ako sa kandungan niya habang hinahaplos niya ang noo ko. Bumangon ako at napahawak sa ulo ko.
"Masakit ba ang ulo mo?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi. Ayos lang ako."
Shit! Bakit natawag kung Annie si Mikasa?
Hindi lingid sa kaalaman niyo. Matagal ng may gusto saakin si Mikasa. Hindi ko iyon nalaman sakaniya kundi kay Hanji. Kilala niyo naman siya diba? Napakadaldal. Hindi niya maiwasang sabihin ang mga bagay na nalaman niya. At isa na doon ang pagtatago ng nararamdaman saakin ni Mikasa.
Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya saakin. Mahal ko si Mikasa bilang kaibigan lang. Iyon lang ang kaya kung ibigay sakaniya.
"Eren? Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya at hinawakan ang noo ko.
Tinanggal ko ang kamay niya at umiwas ako ng tingin. "Okay lang ako."
Hindi siya nagsalita at iniwas ang tingin saakin. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nakita ko ang lungkot sakaniyang mga mata. Pero hindi ko iyon pinahalata at iniwas nalang ang mga mata ko sakaniya.
Kung sana.... kung sana ikaw nalang Mikasa ang minahal ko... Hindi ako masasaktan ng ganito ngayon.
-------------
"Bakit umiiyak iyang si Hanji, Levi?" tanong ko habang papauwi kami.
"Iyang si Levi kasi! Pinakawalan iyong ahas na alaga ko!" saad ni Hanji habang pinupunasan ang luha niya.
Umirap si Levi. "Hindi alaga ang ahas. Hindi sila para sa syudad. Sa gubat lang sila." diin niya.
"Di bibilhan ko siya ng gubat!"
"May pambili ka ng gubat pero sa utang wala kang pambayad!?"
"Di sa gubat ako titira!"
"Bahala ka diyan!" tapos ay naunang maglakad na si Levi. Sumunod si Hanji at nagbangyaan na sila.
Bumuntong hininga kami ni Mikasa. Hindi ko alam pero parang sa tingin ko ay mas matanda pa kami sakanila. Lagi silang ganyan. Pero kahit isang beses ay hindi sila nagaway.
Kilala si Levi bilang seryoso at clean freak. Ayaw niyang nakakakita siya ng dumi o kahit kaunting butil ng dumi kapag naglilinis siya. Hindi nga namin alam kung minsan nagjo-joke iyan eh. Kahit na ilang taon na kaming magkasama, hindi kami nagaway. Dati ng unang makilala ko si Levi, naiinis ako kasi seryoso at mapanlait siya minsan. Pero ng makilala ko na siya ng lubusan. Doon ko narealize na hindi lait ang sinasabi niya saakin. Para iyong salita na nangangaral lang. Seryoso siya sa mga sinasabi niya, at kahit na ganyan siya, napakabait niyan.Si Hanji naman ay childish, talk active, at medyo baliw. Pero kapag naging seryoso siya ay nakakatakot. Scary as hell. Mas seryoso pa nga ata siya kay Levi eh. Si Hanji iyong tipong lagi kang papasayahin kapag malungkot ka. Na kahit sa kaunting tawa niya lang ay mapapatawa ka na rin. Mahahawa ka sa kabaliwan niya. Hindi ako nahirapang maging kaibigan siya dahil subrang bait niya. Siya rin ang naging tulay ko para maging kaibigan si Levi noon.
Noong mga bata pa kami. Lagi kaming magkakasama kapag magkakaroon ng sleep over sa bahay ng mga Ackerman. Maglalabas kami ng tent sa garden nila at doon matutulog. At bilang proteksyon raw, lagi kaming nasa magkabilang gilid ni Mikasa. Paggigitnaan kami ng dalawa. Natatawa nga ako noong time na ginawang sampalan ni Hanji si Levi noon. Wala man lang reksyon ang mukha niya kahit na nadadaganan na siya.
Sa totoo lang masarap ang maging bata. Nakakamiss rin kahit papaano ang kids momment namin noon.
Nang makarating sa bahay namin ay nagpaalam na ako sakanila. Pumasok ako sa bahay at nadatnan ko si mama na nagluluto ng hapunan namin. Ngumiti ako at binati siya.
"Nakauwi na po ako."
Napatingin si mama saakin at ngumiti. "Oh ikaw pala, Eren. Kamusta ang klase?"
"Ayos lang naman po. Walang nangyaring masama." sabi ko at umupo sa sofa.
"Mabuti naman. Oh siya at magbihis ka na para makakain na."
"Sige po."
Pagkataas na pagkataas sa kwarto ko ay agad na akong nagshower. Matapos ay nagstay lang muna ako sa bathtub ng 5 minutes bago lumabas at magbihis ng white shirt at black short. Bumaba ako at tinulungan si mama na maghanda ng hapag. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.
Habang kumakain nagkwentuhan kami ni mama about sa school na pinapasukan ko. Maayos naman ako doon dahil kasama ko naman ang mga kaibigan ko roon.
Matapos kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan namin at tsaka maghugas. Nang matapos ako ay pumunta ako sala para manood ng TV. Habang nanonood ako, hindi ko maiwasang isipin si Annie. Matagal na mula ng maghiwalay kami at hanggang ngayon mahal ko parin siya.
Minsan hindi ko maintindihan ang sarili ko. Mahal ko si Annie pero ayaw ko siyang makita. Ang laking sugat ang iniwan niya sa puso ko. Hindi ko siya maintindihan. Ayos naman kami pero nakipaghiwalay siya saakin. Nalilito ako.
"Bakit ba ikaw pa ang minahal ko? Bakit dumating ka pa sa buhay ko? Bakit ikaw pa? Bakit pinaibig mo pa ako kung iiwan mo rin lang ako, kung sasaktan mo lang ako."
Pinatay ko ang TV at pumunta nalang sa balcony ng bahay. Kailangan ko ng hangin para makapagisip.
"Eren, nandito si Levi." rinig kung sabi ni mama.
Nadatnan ko si Levi na nasa sala at umiinom ng kape. Lagi naman eh. Kape rito, kape doon. Ganyan siya.
"Bakit ka nandito? May problema ba?" tanong ko at umupo sa tabi niya.
Binaba niya ang tasa at tsaka tumingin saakin. "Kailangan mong maghanda." sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? May pupuntahan ba?"
"Babalik siya after four months. At gusto ko handa ka kapag nagkita kayo."
"Ha? Sino?"
"Annie."