Levi's Point of View
Pagmamahal. Ang salitang nagpapasakit sa ulo ng lahat. Hindi ko ito iniintindi kasi hindi pa naman ako nagmahal. At kahit kailan hindi ko ito mararamdaman. Isang babae lang ang higit kong minamahal, iyon ang mama ko.
"Hoy Levi!" tawag ni Hanji saakin.
Huminga ako ng malalim bago siya harapin. Pati naman kasi sa break time eh ang ingay ingay niya.
"Bakit?"
"Pautang naman oh. Wala na kasi akong pera." sabi nito at umupo sa tabi ko. Nagpuppy eyes pa ang loko.
"Ano naman ang ginawa mo para maubos ang pera mo? Samantalang isang linggong baon na ata ang binibigay sayo ng mama mo sa isang araw. At tsaka bakit naman kita papautangin eh hindi ka pa nagbabayad ng utang saakin."
"Eh diba dalawang araw pa bago ako magbayad sayo?"
"Kaya dalawang araw na hindi ka pwedeng humiram ng pera saakin."
"Ano? Eh wala naman iyan sa usapan ah!"
"Punishment."
Ngumuso ito at sumandal sa upuan. "Ang daya daya mo!" hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pagbabasa. "Well isa iyon sa ipinunta ko rito. Meron akong sasabihin sayo na napakahalaga."
Naglipat ako ng isang page sa libro bago siya tingnan ule. "Ano naman iyon?"
"Lagot ka."
"At bakit naman?"
"Ang lungkot ni Mikasa at Eren. Ewan ko ba kong anong ginawa mo sakanila at ang tahimik nila."
"Lagi naman silang tahimik."
"Mas lalo ngayon. Alam mo iyong pakiramdam na may nakikita kang black aura sakanilang dalawa? Iyon ang itsura nila."
Sinara ko ang libro ko bago tumayo. "Sinabi ko ng maaga sakanila na babalik na si Annie para maging ayos na sila pagdating niya."
"Oh saan ka naman pupunta ngayon?"
"Tea."
----
Hanji's Point of View
Pagkaalis ni Levi ay umalis na rin. Balak ko sanang silipin ule ang dalawa para sana matingnan kong okay na ba sila or hindi pero napatigil ako ng makita ko si Petra na may kasama nanamang lalaki.
Ewan ko ba pero napairap nalang ako bago siya lagpasan. Narinig ko pa ang loka na tumawa. Mukhang masaya sa buhay malandi ang peg ni Ate.
Pagkarating sa classroom ni Eren at Mikasa ay ganun parin sila. Tahimik at hindi nagpapansinan. Sa tingin ko kaya hindi sila nagpapansin ay dahil naghihintay sila na isa sakanila ang bumasag ng katahimikan. Hindi ko rin naman sila masisi na ganyan sila ngayon. Ang pagdating ni Annie ang naging pader nila para hindi sila magusap ngayon.
Sana maging okay na sila. Kung pwede lang na manabunot para maging okay sila ay si Petra na ang sasabunutan ko.
---
Alam niyo ba ang pinakamagandang oras saakin? Well kong hindi ay sasabihin ko na. Iyon ay ang bye bye time, meaning is uwian time.
Nasa harapan kami naglalakad ni Levi samantalang nasa likod naman sina Eren at Mikasa. As always ang tahimik nila. Wait, tama ba ang pagkakapronounce ko? As always? Never mind.
Lumapit ako ng kaunti kay Levi para makabulong. "Oyy baka gusto mong gumawa ng paraan para mapagingay mo sila?"
"Alam mo ba nagre-green minded ako sa sinasabi mo."