Mikasa's Point of View
Alam ko na mula sa una na hindi talaga ako magugustuhan ni Eren. Tanggap ko iyon. Pero kahit na anong iwas ko para maiwasang mahalin siya ay hindi ko mapigilan. Hindi ko kayang pigilan pa dahil mahal ko na siya. Dati pa.
Wala na akong magagawa pa kung si Annie talaga ang tinitibok ng puso niya. Wala akong magagawa dahil siya ang mahal nito. Tanggap kong kaibigan lang talaga kami.
Mapait akong napangiti habang nagbabalik tanaw sa nakaraan. Iyong nakaraang wala pa si Annie sa buhay namin. Sa tuwing naiisip ko siya at si Eren, hindi ko maiwasang mapaisip na bakit pa niya kailangang makilala si Annie?
Bakit pa? Bakit siya pa?
If ever man na magrestart ang nararamdaman ko kay Eren, mas pipiliin kong hindi siya ang mahalin ko.
"Mikasa, okay ka lang ba?" tanong ni Hanji sabay tapik sa likod ko.
Tumango naman ako. "Ayos lang ako."
"Wala pa si Annie kaya wag kang magalala. Dapat nga ay nasa tabi ka ni Eren kung sakaling magpakita na si Annie saatin."
"Bakit naman? Hindi ako ang kailangan niya." aniya ko.
Bigla naman niya akong pinitik sa noo. Simbolo na nagkakamali kami.
"Sa tingin mo sasabihin niyang kailangan ka niya? Dapat automatic na nasa tabi ka na niya. Bilang kaibigan niya dapat lagi tayong nandiyan para sakaniya." tinapat niya ang labi niya sa tenga ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "At bilang taong nagmamahal sakaniya, kailangang maging matatag ka para sakaniya." bulong nito.
"Sa tingin mo ba may magagawa pa ang pagmamahal na iyan kung ang taong mahal ni Eren ay hindi siya?" biglang sumulpot si Kuya Levi sa likod namin ni Hanji kaya nagulat kami.
"Levi! Bakit ka naman nanggugulat!?" sigaw ni Hanji sakaniya.
"Eh di pasensya."
"Kuya Levi, anong ibig sabihin ng sinabi mo kanina?" aniya ko.
Tumingin siya saakin. "Hindi ikaw ang mahal ni Eren kaya dapat kalimutan mo na siya. Mikasa, sa tingin mo ba ay may magagawa pa ang pagmamahal mo na iyan sakaniya kung si Annie naman ang mahal niya? Sa oras na magkita sila, makakalimutan ka ni Eren at siya ang pagtutuunan niya ng pansin."
"You meanie!" sabay suntok sana ni Hanji kay Levi pero napigilan niya ito.
"Hindi ko ito sinasabi sayo para magalit ka saakin. Sinasabi ko ito sayo dahil ayaw kong magsaktan ka balang araw." sabi pa niya.
Kapag dumating si Annie... kakalimutan ako ni Eren.... Masasaktan ako....
------
Hanji's Point of View
"Kailangan ba talagang sabihin mo iyan sakaniya?" seryoso kong sabi. Seryoso talaga ako ah.
"Hanji sa tingin mo? Bakit ko sinabi ang mga iyon? Ang gusto ko lang naman ay kalimutan niya ang pagmamahal niya kay Eren kundi masasaktan siya sa huli."
"Hindi kasi yun madali eh. Kapag nagmahal ka sa isang tao, malabong mawala yun ng mabilis." sabi ko. Bumuntong hininga naman siya.
"Wag na natin itong pagusapan. Sumasakit ang ulo ko rito." tapos ay tinalikuran na niya ako. Napanguso ako. Levi is always Levi talaga.
Napatingin naman ako kay Mikasa na tahimik lang. By the way nasa garden kami ng school. Mahangin kasi rito kaya nandito kami. Umupo ako sa tabi ni Mikasa habang siya naman ay nakayuko lang. Iniisip niya siguro ang tungkol sa sinabi ni Levi.
Super duper damn you Levi! Wag ka sanang magka-girlfriend!
"Mikasa?"
"Sa tingin ko tama si Kuya Levi. Siguro dapat tigilan ko na itong nararamdaman ko para sakaniya." sabi niya at binaon ang mukha niya sa palad niya.
"Kaya mo ba?" tanong ko. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "Hindi mo mapapasunod ang puso sa gusto mo Mikasa. Sa isip isip mo gusto mo ng tumigil sa pagmamahal kay Eren kasi nasasaktan ka na. Pero ang puso? Hindi ito sumusuko. Bakit Mikasa? gusto mo na bang i-let go si Eren?"
Ilang minutong katahimikan bago siya sumagot. Inangat niya ang tingin saakin. Nalungkot naman ako ng makitang lumuluha siya. Sa tingin ko sobra siyang nasaktan. Kahit noong dati pa na sila Eren at Annie pa.
"H-Hindi ko na alam Hanji! Hindi ko na alam kung ano ang susundin ko! Kung puso ba o utak ko! Nalilito na ako." napayakap siya saakin habang umiiyak. Tinapik-tapik ko naman ang likod niya para gumaan ang pakiramdam niya. "Mahal na mahal ko si Eren. Na yung tipong pati buhay ko ay i-aalay ko sakaniya. Lahat ng pagmamahal ko ay sakaniya lang. At kung susundin ko man ang sinabi ni Kuya Levi na kalimutan siya, nawawasak ang puso ko!"
"Tingnan mo? Hindi mo rin kaya. May mga bagay kasi na talagang hindi mo basta basta mai-aalis sayo. Tulad ng pagmamahal mo sakaniya."
"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. May tanong sa isip ko na hindi masagot sagot." pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko habang pinupunasan ang luha niya.
"Anong tanong?" ani ko habang hinahaplos ang buhok niya. I'm curiously eh! Este curious pala.
"Bakit si Eren ang minahal ko. May mga ibang lalake naman diyan na pwede kong magustuhan pero si Eren Yeager parin ang nagustuhan ko." sabi niya.
"Kailangan ba ng rason para magustuhan mo ang isang tao? Kailangan ba yun?"
"Malay ko. Ano ba sa tingin mo?"
"Para saakin, hindi. Bakit? Kasi hindi naman ikaw ang magpapasya kung sino ang mamahalin mo eh. Ang puso ang nagpapasya. Hindi naman porke na nagmahal ka lahat may rason noh. Minsan mas magandang nagmahal ka ng walang rason."
"Bakit naman?"
"Kasi ganun ang true love. With reason or without reason man, kung talagang mahal mo siya matatawag na yung true love."
"Bakit kapag nagmahal ka ba agad na yung true love? True love parin ba ang matatawag mo sa nararamdaman ko para kay Eren? Eh hindi niya nga ako mahal."
"Mikasa, maiintindihan mo rin ang mga sinabi ko balang araw. Bata ka pa naman kaya may mga bagay ka pang hindi maintindihan sa mundo."
Tulad ng kung bakit bitter si Levi sa love. Kumakain ba siya ng ampalaya kaya ganun siya? AT KUNG BAKIT WALA PA SIYANG GIRLFRIEND!
Matapos ng usapan namin ay napasya na kaming bumalik sa classroom dahil malapit ng mag class hour. Habang naglalakad kami ay nagsalita si Mikasa.
"Nga pala Hanji,"
"Hmm? Bakit?"
"Bakit parang madami kang alam sa 'Love'? Nagmahal ka na ba?"
Oo nga noh? Bakit marami akong alam sa love eh hindi ko pa naman naranasan yun?
"Ewan ko rin eh." sabi ko at napakamot sa ulo.
Siguro sadyang madaldal lang ako kaya kung ano ano na ang mga sinasabi ko.