Mikasa's Point of View
Matapos ang klase ay tumunog na ang bell, hudyat na lunch time na. Naglalakad kami ngayon ni Eren dala ang mga bento namin. Pupunta kami sa garden ng school kasi mahangin at tahimik.
"Sa tingin mo nasaan na kaya sila Levi at Hanji?" tanong ni Eren saakin.
"Mga senior student na sila kaya sa tingin ko ay may klase pa sila." sabi ko.
Ngunit laking gulat namin ng makita ang dalawa na nakaupo sa damuhan ng harden. Nagkakape sila. Nagkukwento si Hanji samantalang tahimik naman si Kuya Levi.
"Hanji! Levi!" tawag ni Eren sakanila. Lumapit kami. "Hindi kayo busy?"
"Mabilis natapos ang klase namin dahil halos si Levi na ang gumawa ng lahat ng gawain namin kaya nagdismissal na agad." ani ni Hanji at pinakita saamin ang bote na may laman na maliit na ahas. "Ta-Da!"
"Ano naman ang gagawin namin diyan?" tanong ko.
"Wala. Gusto ko lang ipakilala ang kaibigan ko sa inyo. Diba Levi!" sabay lapit niya ng bote na may ahas kay Kuya Levi.
Sinamaan nito ng tingin si Hanji. "Ang dumi dumi niyan. Ilayo mo nga saakin iyan!" sagot ni Kuya Levi.
"Ito naman! Oh Eren ikaw nalang." akmang ilalapit na niya ito kay Eren ng pigilan ko siya.
"Hanji, nagagalak kaming makilala ang kaibigan mo pero pwede pang kumain mo na kami? Nagugutom na kasi ako."
"Okay!"Umupo kami sa damuhan at nagsimulang kumain. Kinuha ko ang isang bento at binigay iyon kay Eren.
"Ano ito?" sabi niya habang hawak ang bento na may laman ng cheese burger.
"Para sa iyo iyan. Kainin mo." sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Aww~ Nakakakilig na sana ang kaso hindi niyo pinapansin itong ahas ko. Mikasa, mayron ba para sakaniya?" tanong ni Hanji.
"Ayaw niya ng cheese burger." sabi ko.
"Weh? Talaga?"
Tiningnan ko si Kuya Levi at sinenyasan siyang tulungan ako dahil hahaba lang ang usapan kapag sumagot pa ako.
"Mamamatay iyan kapag pinakain mo ng cheese burger." wika ni Kuya Levi.
"Eh Onion burger?" tanong pa uli ni Hanji.
"Bawal rin sakaniya."
"Hotdog burger?"
"Bawal."
"Chocolate burger?"
"Nope."
"Pineapple burger?"
"Bawal din."
"Tomato burger?"
"Hindi rin."
"Carrot burger?"
"Hindi."
"Cheese burger?"
"Kasasabi ko lang eh. Bawal nga."
"Onion Hotdog Chocolate Pineapple Tomato Carrot Cheese Burger?"
"Bawal lahat! Hindi pwedeng kumain ng kahit anong burger ang ahas!"
Bumuntong hininga nalang ako. Ang weird ni Hanji pero natatagalan ni Kuya Levi. Sa totoo pa nga iyan eh si Hanji ang pinaka bestfriend niya. Lagi silang magkasama at sabay rin sa pag uwi.
Tumingin ako kay Eren na masayang kinakain ang ginawa kung cheese burger. Kahit sa ganitong paraan lang ay mapangiti at mapasaya ko siya sa kabila ng paghihirap niya ay masaya na ako.