Chapter 2

26 4 0
                                    

Heneral Zeiron

"Heneral, dumating na ang mga kawal mula sa Emperyo na siyang may dala ng decree ng Emperor." Ani ng isa sa kanang kamay ko, si Shinoda.

Tango lang ang naging sagot ko. Nalaman kong ipapakasal ako sa nag-iisang babaeng Heneral ng Emperyo. Ang nag-iisang kapatid ng Emperor.

Alam kong nagiging banta sa Emperor ang paglaki ng impluwensya ko sa Emperyo. Kaya gusto niyang manipulahin ako.

"Pano na yan, sa pagkakaalam ko, hindi maganda ang itsura ng heneral ng Royal Soldiers kaya niya itinatago ang kanyang itsura sa lahat." Iling na sambit ni Zino, ang kanang kamay ko.

Totoong hindi pa nakikita ang itsura ng babaeng heneral, maliban sa Emperor at Empress. Pero hindi yun ang iniisip ko.

Wala akong balak na magpatali sa kahit sino. Pero di ko lubos maisip na ang babaeng nakakuha ng atensyon ko, ay mapupunta sa akin.

Hindi ko man nakilala sa personal ang babaeng heneral ay alam ko kung gaano ito ka galing sa pakikipaglaban at sa mga stratehiya para sa digmaan. Hindi ko lubos maisip na ang magiging asawa ko ay isang katulad niya.

"Pero kung ipapabalik ka sa Emperyo, pano ang mga injury mo Heneral? Tatlong araw pa mula ng makuha mo ang mga sugat na yan sa pakikipaglaban, pano kung bubukas yan?" Sasagot na sana ako pero dumating ang isang kawal.

"Report!" Pinapasok naman ni Zino ang kawal na nagbabantay sa kuta.

"Heneral, andito na ang Eunuch na nagdadala ng kautusan ng mahal na Emperor." Tumango naman ako.

" Prepare to receive the Imperial Edict!"

Agad akong lumabas sa tent at nabungaran ang Eunuch na may dalang golden scroll. Agad akong lumuhod at yumuko.

"By the grace of his Imperial Majesty, His Majesty decrees that the loyal subject, Lord Zeiron of South city, is to be called back to the palace to report to his Majesty. He have assigned his best guards to escort the lord back to Imperial city.

This chivalrous, and benevolence of this loyal subject of mine, and his meritorious victory against all those invaders, I will reward him fifty thousand golds, and is given the title of Prince of Yonxing for his merit.

That's all."

"I thank his Majesty for his grace." Ani ko.

"May isa pang decree ang Kamahalan, Yonxing Prince." Ani ng Eunuch.

"His majesty sees Lord Zeiron's elite skills as a warrior and is suitable to marry the Majesty's sole sister, the young highness princess Haileir, and the general of the Emperor's appointed Royale Soldiers. Who is caring, virtuous ang a magnificent general.

Both is perfect for each other and is blessed by the Emperor himself. His Majesty will set the day for the two generals to be wedded after the Young Highness is back from successfully protecting the border of Sairh City.

That all."

"I accept his Majesty's imperial Edict and I give my thanks to his Majesty's kindness and grace." Tugon ko. Saka tinanggap ang dalawang scroll ng edict. Wala ng atrasan to.

*

Habang naglalakbay pabalik sa Emperyo ay may nakasalubong kaming madugong labanan sa daan. Nakuha ng atensyon ko ang babaeng nakikipaglaban kasama ang ilang mga kawal at walang awang pinatay ang mga bandido.

Hindi na namin sila natulungan sa kadahilanang, tatlo nalang ang natira ng dumating kami.

Napatigil naman ako ng makilala ko ang suot ng ilan sa mga kawal. Ang kulay at disenyo ng kanilang mga uniporme, kung hindi ako nagkakamali, ito ang mga Royale Soldiers.

Ibig sabihin, ang babaeng nakasuot ng  makapal na balabal ay walang iba kundi ang heneral ng Royal Soldiers.

"Greetings your royal highness." Ani ng Eunuch saka lumuhod at yumuko. Agad naman kaming nagsibabaan ng mga kasama ko sa aming mga kabayo at sinunod ang ginawa ng Eunuch.

"Greetings your royal highness."

Isa nga palang royal blood ang kaharap ko. Kailangan naming magbigay galang.

"Magsitayo kayo. Wala tayo sa loob ng palasyo kaya tama na yan."

"Yes your highness." Ani namin at nagsitayuan. Napatingin naman siya sa gawi ko.

"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang heneral ng unang hukbo."

"Ako nga. Ikinagagalak kong makilala ang heneral ng Royal Soldiers." Yumukod naman kami sa isa't isa. Simbolo na nererespeto ng bawat Heneral ang bawat isa.

"Ikaw pala ang napili ng emperor na magiging asawa ko, tama ba?" Tumango naman ako.

Mas sumeryoso ako ng mapansing tatanggalin niya ang veil na suot. Ng matanggal niya ito ay narinig ko ang pag-singhap ng mga kasama ko. Alam kong hindi totoo ang sinasabi ng karamihan na hindi maganda ang itsura ng kapatid ng Emperor dahil kahit ang Emperor ay may biyayang itsura.

"Zino, saan mo nakuha yung balitang pangit ang prinsesa?" Bulong ni Shinoda sa katabi nito.

"Ewan ko." Pabulong naman na sagot ni Zino na nasa likod ko.

"Ikinagagalak ko ding makilala ang heneral ng 1st rank batallion." Tumatangong saad nito. Saka tumingin sa mga kasama ko.

"Maiwan niyo muna kami." Nasiyukuan ang lahat saka umalis. Ng makaalis ang lahat ay sumakay ito sa kabayong dala niya.

Coalesce of Two Generals [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon