Chapter 5

21 4 0
                                    

Heneral Haileir

Ilang araw na ng dumating kami dito sa manor ng pamilya ni Zeiron. Mainit naman akong tinanggap ng pamilya niya maliban sa pangalawang ina ni Zeiron at sa pinsan niyang babae.

"Wala ka bang planong pumunta sa court ngayon?" Tanong ni Zeiron habang tinutulungan ko siyang suotin ang roba para sa Imperial court.

"Wala. Magpapakita lang ako doon kapag pinagtulungan ka nila." Ngising sambit ko na siyang nagpailing sa kanya.

"Kailan ba nila ako nagawang pagtulungan?" Ngisi niya namang tugon.

Kakatapos ko lang mananghalian ng mapag-pasyahan kong mamasyal sa malawak nilang hardin. Hindi ko na pinasama ang mga aliping ibinigay sa akin ng pangalawang ina ni Zeiron dahil alam ko namang mga espiya niya lang ang mga iyon.

Nalaman kong patay na ang totong ina ni Zeiron. Kaya pumalit sa pwesto ng kanyang ina ang concubine ng ama nito. Ang kanyang pangalawang ina.

Kasalukuyan akong namimitas ng bulaklak dito ng mapansin ko ang papalapit sa akin na ina ni Zeiron at
kasama pa nito si Kaleya. Ang pinsan niya sa pangalawang ina nito.

"Madam Jaien, Kaleya." Yumukod ako bilang pag galang sa kanila bilang ina at pinsan. Taas noo naman nila akong tinignan.

"Alam mo bang bawal ang mamitas ng mga bulaklak dito? Ang unang asawa ng Master ang nangangalaga dito noon, kaya ipinagbabawal ng master na mapabayaan ito at pamitasan!" Ani ni Kaleya at aagawin sana ang hawak kong bulaklak pero iniilag ko ito at inamoy. Kay bangong bulaklak.

"Aba't!"

"Hindi ko alam ang bagay na iyan. Pero dahil nakuha ko na ito, hindi na ito pwedeng ibalik, tama ba?"

"Huwag kang umasta na parang may-ari ka ng buong manor, Haileir. Kahit ikaw pa ang asawa ni Zeiron, kailangan mo paring maparusahan!" Nakita ko naman ang pag-ngisi ni Kaleya.

"Mawalang galang na big madam, pero hindi mo ako pwedeng parusahan." Ani ko dito ng nakakunot ang noo.

"At bakit naman hindi? Sinuway mo ang isa sa patakaran dito. At dahil andito ka sa puder namin, kailangan mong maparusahan!" Ani ni madam Jaien.

"Sinabi ko na po, hindi ko alam ang ganyang patakaran dito." Tanggol ko.

"Wala akong pakielam! Kaleya sampalin mo siya ng tatlong beses!" Utos nito sa babae. Ngumise naman si Kaleya at lumapit sa akin para bigyan ako ng sampal pero umiwas ako dahilan ng muntik niyang pagkasubsub.

"Lapastangan! Kailangan mong tanggapin ang parusa ng paglabag mo sa patakaran!" Sigaw ni Madam Jaien.

Sasampalin sana ulit ako ni Kaleya ng unahan ko siya. Nagulat silang dalawa. Kaya sasampalin ko na sana ulit siya ng matigil sa ere ang kamay ko ng maramdaman ang presensya ni Zeiron na may kalayuan sa likod ko.

Bigla namang umiyak si Kaleya at agad na pinatahan ni Madam Jaien. Napailing ako. Ay saka itinuloy ang natigil na pagpasampal kay Kaleya.

"Tama na Haileir! Walang masamang ginawa si Kaleya sayo!" Sigaw ni Madam Jaien.

"Kayo ang lapastangan! Anong karapatan niyong sampalin ang isang kagaya ko?" Mahinahon kong tanong.

Napansin kong lumapit si Zeiron sa amin at mas lumakas naman ang iyak ni Kaleya na siyang ikinangisi ko. Napatingin ako kay Zeiron.

"Pi-pinsan!" Sigaw ni Kaleya at lalapit sana kay Zeiron ng signalan siya nitong wag lumapit. Muntik naman akong matawa. Tss.

"Anong kaguluhan ito." Mahinahon niyang tanong sa amin saka tumingin sa akin. Pero nagkibit balikat lang ako saka inamoy muli ang bulaklak. Anong pake ko kung ano ang sasabihin nila kay Zeiron. Tsk.

"Sinuway kasi siya ni Kaleya dahil namitas siya ng mga bulaklak dito." Panimula ni Madam Jaien sabay turo sa bulaklak na hawak ko.

"Pero sinampal niya si Kaleya ng ilang beses! Ni wala man lang siyang respeto sa akin dahil kahit nasa harapan niya ako, sinaktan niya parin ang pinsan mo! Hindi ko pinangarap ang magkaroon ng isang hipag na kagaya niya!" Sumbong nito.

Napailing naman ako. Ang galing naman nilang umakto. Tss.

"Tama ang asawa ko, anong karapatang meron kayo para saktan siya?" Napatanga naman ang dalawa ng ako ang kampihan ni Zeiron.

"Huwag na huwag ninyong subuking magsinungaling dahil alam ko ang lahat ng nangyayari dito, kayang-kaya ko kayong paalisin dito sa manor. Sa susunod na saktan niyo pa siya at pagbuhatan ng kamay, hindi lang ako ang makakalaban niyo, pati ang Emperor." Anito at iginaya ako paalis.

Pagdating namin sa silid ay tinulungan ko siyang hubarin ang suot na roba.

"Bakit pinagtanggol mo ako sa mga yun?"

"Alam kong hindi ka gagawa ng isang bagay ng walang basehan, saka kilala ko ang mga iyon. Kung hindi lang dahil kay ama ay matagal ko ng pinalayas ang mga iyon." Naiiling niyang sambit.

"Salamat." Kiming saad ko dito.

"Bakit?" Kunot noo niyang tanong.

"Ilan lang ang taong naglakas loob na ipagtanggol ako." Sagot ko dito. Tinanggal ko ang suot niyang damit pang-itaas at sinuri ang sugat. Napansin kong unti-unti ng naghihilom ang mga sugat niya.

"Huwag kang mag-alala, bukas ay aalis na tayo dito at sa sarili na nating manor na tayo maninirahan." Napangiti naman ako. Wala akong pakialam kung magiging usap-usapan ang pag-alis namin sa manor na ito, ang mahalaga ay makaalis kami rito.

Coalesce of Two Generals [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon