Heneral Haileir
"Heneral! May secretong sulat mula sa Emperyo!" Ani ng aking kanang kamay na si Jin. Kinuha ko naman ito.
Mahal kong kapatid,
Pagkatapos mong protektahan ang border ay kailangan mong umuwi dito sa Palasyo. Nakahanap ako ng magiging kabiyak mo. Pasensya na, ngunit para ito sa kabutihan ng Emperyo.
Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong dadating sa puntong mangyayari ito sa akin.
"Ano bang sabi Heneral?"
Ibinigay ko sa kanya ang sulat ng Emperor. Natawa naman siya matapos itong mabasa. Pero hindi ko na siya pinansin.
" Dumating na rin ang panahon na pinakahihintay mo." Tumatawang saad nito. Alam niyang ito ang pinaka ayaw kong gawin. Ng hindi pa siya tumigil sa pagtawa, binato ko sa kanya ang dagger na nasa lamesa.
"Report!"
Napatingin naman kami sa mensahero.
"Magsalita ka." Utos ko.
"Dumating na po ang pinakamalaking hukbo ng mga Beinkir."
"Report! Heneral, sinasalakay na po ang kaliwang bahaging pader ng siyudad."
Tumango naman ako. Oras na para gumalaw. Gusto ko mang magtagal ang labanan upang hindi agad makauwi sa Emperyo, ayaw ko namang magdusa ang mga mamamayan dito dahil sa giyera.
Paglabas ko sa tarangkahan kasama ang mga kawal, agad na kaming sinalakay ng umuulang palaso. Mabilis ko namang iwinasiwas ang aking espada para isalag sa mga palaso.
"Charge!" Signal ni Jin sa mga kasama ko ng tanguhan ko ito. Konti lang ang hukbo ko kung ikukumpara sa kalaban na nasa harapan namin. Pero wala akong planong mag request ng reinforcement mula sa Emperyo. Hindi kami pinili ng Emperor bilang Royal Soldiers mula sa lahat ng batallion sa walang dahilan. Dahil hindi basta-basta ang hukbong meron ako.
Agad akong tumalon mula sa kabayo at pinutulan ng ulo ang kalabang sumubok na sugurin ako. Sinalag ko naman ang espada ng isa sa kalaban na tatama sana sa ulo ko gamit ang espada ko sa kaliwa. At sinaksak siya gamit ang nasa kanang espada saka sinipa at sinaksak ang kawal na may dalang sibat sa gilid ko.
Kung hindi ko pinupotulan ng ulo ay sinasaksak ko sa puso ang lahat ng mga kawal na lalapit o haharang sa akin papunta sa Heneral ng pinakamalaking hukbong ito.
Iginilid ko lang ang ulo ko ng makita ang panang tatama sana sa akin na mula sa kalabang heneral. Napangisi naman ako. Sayang lang at hindi niya makikita dahil sa lagi kung suot na veil. Agad akong tumalon at nakipagpalitan sa kanya ng atake gamit ang aming mga espada.
Nahahalata kong ang veil ang pinupuntirya niya kaya todo salag at iwas ako kapag ulo ko ang pinapatamaan niya. Mas lumaki ang ngisi ko ng mataman siya ng espada ko sa gilid ng tiyan. Mabilis na umagos ang masagana niyang dugo.
Pero pinatunayan niya talagang isa siyang mamamayan ng Beinkir. Mga matatapang na mandirigma.
Pinapatay ko kaagad ang mga sumusubok na sasali sa labanan sa pagitan naming dalawa. Napaatras naman ako ng masipa niya ako sa tiyan. Tsk.
Nakipagpalitan ulit ako ng atake sa kanya hanggang sa nakakuha ako ng pagkakataon. Agad akong pumunta sa likod niya ng maputol ko ang kamay niyang may hawak ng espada.
"Paalam." Bulong ko dito bago siya pinugutan ng ulo. Agad ko ding pinugutan ng ulo ang sumugod sa akin na kawal.
Kinuha ko ang flag ng Beinkir at tinanggal ang tela saka ginamit ang kahoy nito sa pagtuhog ng ulo ng heneral at ipinatayo ito. Ng mapansin ito ng lahat ay masiglang sumigaw ang mga kawal ko. Sigaw ng pagkapanalo. Mas tumaas ang morale nila kaya hindi nagtagal ay naubos na namin ang lahat ng mga kawal ng Beinkir.

BINABASA MO ANG
Coalesce of Two Generals [Completed]
Kısa HikayeTo kill one's power is essential for a true Ruler. Two great leaders who's force to let fate play it's game. A historical short story [It is based on Chinese historical stories.] Date started: Oct 16, 2020 Date ended: Nov 07, 2020