Heneral Haileir
Kakaalis lang ni Zeiron patungo sa Imperial court. Habang ako naman ay nagsuot ng damit ng isang prinsesa dahil ngayon ko planong dumalo sa unang pagkakataon sa court meeting.
Nalaman kong ilan sa mga opisyal ay pinipilit si Zeiron na isauli sa Emperor ang hawak na military tally.
Nagsisimula na silang gumalaw ayon sa kanilang mga plano.
Ang army tally ay ang siyang ginagamit o ibinibigay sa heneral na may pinaka maraming hawak na sundalo upang mag command ng buong sundalo ng Emperor. Kung walang hawak na tally ang isang heneral ay hindi niya mapapasunod ang bawat hukbo ng mga kawal.
Yun namang mga heneral na may mga maliliit lang na hukbo ay may hawak na Royal Token mula sa Emperor para siyang gagamitin sa pag command ng kanya-kanyang hukbo.
Sa kaso ko naman, Emperor's Badge ang meron ako, ang kaibahan nito sa Tally na hawak ni Zeiron ay buong nasasakupan ng Emperyo ang kaya kong i-command. Ganyan ka laki ang tiwalang meron ang kapatid ko sa akin.
Ang Emperor's Badge ay natatangi lamang, at dapat lang na ang Emperor ang humawak dito. Pero ibinigay niya ito sa akin, sa kadahilanang ako dapat ang uupo sa trono niya ngayon dahil sa akin ito ibinilin ng aming ama.
Pero dahil nakikita kong mabuti at makatarungang mamumuno siya, ibinigay ko ito sa kanya. Inuuna niya ang kapakanan ng mamamayan kahit pa kalayaan ng pamilya niya minsan ang nasasakripisyo.
Ang hawak niya nalang ngayon ay ang kalahati ng tally na hawak ni Zeiron at ang Emperor's Seal. Pero walang ibang nakakaalam tungkol sa totoong Throne Heir at sa kung sino talaga ang may hawak ng Emperor's Badge. Kaya ang ginagamit ko ngayon ay ang Royal Token.
Walang humarang sa akin ng magtungo ako sa labas ng throne hall. Dito ginaganap ang lahat ng morning meetings.
Hindi ako dumaan sa harap ng hall, kundi lumibot ako at nagtungo sa back door nito. Nang makita ako ng mga nagbabantay dito ay agad sila yumukod. Tumango lang ako at nagtuloy tuloy.
" -should give back the military tally, general Zeiron. " Huling narinig ko sa pangulong ministro dito. Nagsi-sangayon naman ang ilan sa mga opisyal.
"Your Majesty, mas magandang ipagpahinga mo muna ang Heneral Zeiron lalo na at narinig kong may mga pinsala pang natamo ang Heneral mula sa naganap na labanan." Dagdag pa ng isang marquis na siyang nangunguna sa administrasyon ng palatuntunan (rites).
"Your majesty, habang magpapahinga naman ang Heneral Zeiron, pwede mong italaga si Prince Sekem of cavalry para mamuno pansamantala sa hukbo." Ani naman ng isa sa mga taga administrasyon ng palatuntunan.
"Your Majesty, kung ibibigay mo sa akin ang tally, hindi kaya insulto yun sa Heneral, at baka magagagalit ang mamamayan na tatanggalan mo ng militaryong kapangyarihan ang kanilang tagapagtanggol?"
Tss.. playing a safe card with a hidden motives huh.
Magsasalita na sana ang Emperor ng lumabas na ako sa pasilyo na nasa gilid lang malapit sa trono na inuupuan ng Emperor.
"Hindi sapat na rason ang pagpapahinga, para pilitin niyo na isauli ang military tally. Magagampanan kaya ng Prince of cavalry ang malaking responsibilidad na ito?" Kinindatan ko naman ang asawa ko na nagulat saka napailing nalang. Napatayo naman ang Emperor. Hindi ko nga pala siya nasabihan ukol dito.
"Insolent woman! How dare you to come inside and interrupt us in the middle of our discussion!?" Tinitigan ko naman ang opisyal na nagsalita. Saka binaling ang tingin sa Emperor.
"Someone! Get this woman out of here and send her into the dungeon!" Tawag ng prime minister ng mga kawal sa labas. Pumasok naman ang dalawang kawal.
"Stop! Insolent subjects!" Napaluhod naman ang lahat maliban sa akin.
"How dare you to slander the mighty general of Royal Soldiers?!" Gulat silang napatingin sa gawi ko.
"Greetings your Majesty. I see you got some vicious high officers inside the court." Tumango-tango naman ang Emperor.
"You may rise everyone." Kaya nagsitayuan naman ang lahat.
"Let me introduce to you the Lady of Prince of Yonxing. General Haileir."
"Your Majesty, there is something weighing in my heart long before." Ani ng prime minister.
"Speak."
"Walang record ang Imperial History tungkol sa babae na kasali sa mga pagpupulong sa court. Isn't it an insult to us in this reign?" Nakita ko namang nagsi-sangayonan ang karamihan.
"Bakit punong ministro, naiinsulto ka ba dahil mas malaki ang kapangyarihang hawak ng isang hamak na babae kesa sa iyo?" Ngising sambit ko dito.
"You!"
"Saka isa pa, bat niyo ba iniiba ang usapan?" Ani ko ulit saka humarap sa Emperor.
"With respect your Majesty, hindi ako sumasang-ayon sa kanilang kagustuhan. Isa pa, walang karanasan ang prince of cavalry sa pamumuno ng malaking hukbo. At oo, insulto ito sa Heneral ng 1st batallion dahil parang pagkatapos siyang gamitin ng Emperor ay e-iitsapwera na ito. Pano kung may sasalakay na naman mula sa ibang kaharian? Hindi niyo kaya siya ipapatawag mula sa kanyang pagpapahinga dahil kinakailangan niyo ang tulong niya sa pagprotekta na naman ng border? Ang Heneral ng 1st batallion ang may mas malaking naitulong sa pagmementena ng mga nasasakupan ng Emperyo at hindi maagaw. Hindi ba kayo nahihiyang mga pumipilit sa kanya?" Natahimik ang lahat.
"Tama ang heneral ng Royal Soldiers." Sang-ayon ng isang marquis.
"Princess of Yonxing, hindi kaya sinasabi mo lang yan dahil asawa mo ang Heneral ng 1st battalion?" Ani na naman ng punong ministro.
"Hindi. Sinasabi ko ito bilang Heneral at may dugong bughaw. Layunin kong mapanatili ang kaayusan ng Emperyo at ang nasasakupan nito. Bakit? Pinagsusupetsyahan mo ba ako?" Ani ko.
Magsasalita pa sana ang punong ministro ng maunang magsalita ang Emperor.
"Tapos na ang pulong na ito. Ang tally ay mananatili sa kamay ng heneral Zeiron." Pinal na saad ng Emperor.
"Your Majesty-"
"Court Adjourned!" Anunsyo ng Eunuch na taga anunsyo sa loob ng court. Kaya hindi na naituloy ng punong ministro ang pag-apela.
Nagsiyukuan kaming lahat at nagsimula ng magsilabasan. Linapitan naman ako ni Zeiron.
"Kay swerte ko naman na nagkaroon ng asawang kakalabanin ang mga matataas na opisyal para ipaglaban ako." Umiling naman ako at ngumiti. Hindi lang yun ang dahilan ko.
Kailangang mapanatili sa tamang kamay ang tally.

BINABASA MO ANG
Coalesce of Two Generals [Completed]
Short StoryTo kill one's power is essential for a true Ruler. Two great leaders who's force to let fate play it's game. A historical short story [It is based on Chinese historical stories.] Date started: Oct 16, 2020 Date ended: Nov 07, 2020