"Send my decree, I shall unite this two powerful and loyal official in order to conquer the world. One who defies shall be given death. I will personally hold this grand wedding inside my palace, to celebrate this wonderful event."
"Yes your Majesty." Sagot ng Eunuch habang naka yuko.
Agad na isinawalat ng Eunuch ang balita sa lahat ng mga mensahero at ipadala sa lahat ng may mga matataas na ranggo sa kaharian.
"Kamahalan, nais kung malaman kung sino ang dalawang opisyal na iyong nabanggit." Ani ng Empress ng minsang dumalaw ito sa Librarius Hall ng Emperor.
Bumuntung hininga lang ang Emperor at nahulog sa malalim na pag-iisip.
"Base sa iyong reaksyon. Ang mahal mong kapatid ang ipapakasal mo. Tama ba?" Huminga na naman ng malalim ang Emperor.
"Sabihin mo, sinong heneral ang maswerteng napili mo?"
"Ang Heneral ng 1st rank batallion, Lord Zeiron." Napatango tango naman ang Empress.
Kilala si Lord Zeiron bilang pinakamagiting at pinakamahusay na Heneral sa buong kaharian.
"Sinong mag-aakala na ang dalawang ni minsan ay hindi pa nagkitang mga opisyal ay magkikita sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng kasal?" Natatawang sambit ng Empress.
"Hindi ko gagawin ang bagay na ito kung hindi ko nakikitang lumalakas ang kapangyarihan ni Zeiron sa mga mamamayan. Kailangan ko siyang kontrolin."
"Papayag kaya ang kapatid mo nito? Sa pagkakaalam ko, nasa border siya ngayon ng Sairh City dahil sa mga sumasalakay na mga Beinkir."
"Kilala ko siya, kahit ayaw niya, susundin niya ang utos ko kapag para ito sa kabutihan ng Emperyo."
"Kung ganoon, ako mismo ang mangunguna sa paghahanda sa selebrasyong magaganap."

BINABASA MO ANG
Coalesce of Two Generals [Completed]
Kısa HikayeTo kill one's power is essential for a true Ruler. Two great leaders who's force to let fate play it's game. A historical short story [It is based on Chinese historical stories.] Date started: Oct 16, 2020 Date ended: Nov 07, 2020