Heneral Haileir
Kaka-baba ko palang sa carriage namin ng makarinig ako ng mga salitang hindi kaaya-aya mula sa mga kababaihang dumadaan sa harap ng manor namin.
"Grabe talaga ang naging hipag ni Madam Jaien, ano? Akalain mo ba namang pagbuhatan sila ng kamay kahit kebago-bago pa sa pamilya-"
Nawala ang pokus ko sa kanila ng mapansin kong humigpit ang hawak ni Zeiron sa kamay ko. Inalalayan niya kasi akong bumaba sa karwahe.
Nagsibigay naman ng paggalang ang mga tauhan sa manor habang dumadaan kami papasok.
Hindi nalang ako umimik ng dinala ako ni Zeiron sa hardin sa likurang bahagi ng manor. May ipinahanda pala siya doon para sa aming pananghalian.
"Nag-abala ka pa." Tanging sambit ko. Ngumiti lang siya at iginaya ako sa silya. Pagkatapos maihain ng mga alipin ang makakain ay umalis na ang mga ito.
Habang kumakain ay biglang nagsalita si Zeiron tungkol sa kaganapan kanina.
"Hindi ko aakalaing magpapakita ka sa court kanina." Tumango naman ako.
Kailangan kong pumunta doon.
"Halata namang ang Emperor ang kinakalaban nila. Pero ikaw ang ginawa nilang pain. At hindi ko hahayaang mawalan ng balanse ang court." Tumango naman siya.
"Anong plano mo pagkatapos ng apat na buwang pagpapahinga na ibinigay ng Emperor?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Babalik na sa kampo ng hukbo. Marami pang mga gawain ang naiwanan ko doon. Pano ka?" Napailing naman ako bilang sagot.
"Kailangan ko pang makausap ang Emperor ukol diyan. Hindi ko pa alam kong saan niya ako itatalaga. Total tapos na ang papel ng Royal Soldiers na tulungan ang hukbo ng 7th battalion sa pagprotekta ng border ng Sairh City." Kibit-balikat kong sagot. Tumango naman siya. Kailangan ko pang makausap ang Emperor hindi lang tungkol sa bagay na iyon.
"Baka sa susunod na mga araw ay pupunta muna ako ng palasyo." Ani ko dito. Tumingin lang siya sa akin saglit saka tumango at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos naming mananghalian ay nagkanya-kanya na kami. Kahit nabigyan kami ng apat na buwang pamamahinga ay hindi ibig-sabihin na makakapag papahinga na kami sa mga report mula sa bawat border ng nasasakupan ng Emperyo na hawak namin. Dahil tungkulin naming bigyang pansin ang mga ulat militaryo kahit gaano man ito kaliit.
At kailangan ko ring bigyan ng notice ang Financial Department dito sa palasyo para alalayan ang siyudad ng Sairh para sa mga naging pinsala ng digmaan.
Gabi na ng pumasok ako sa loob ng aming silid at hindi ko pa nakita si Zeiron. Baka hindi pa siya tapos sa gawain niya sa sariling study room.
May kanya kanyang study area kasi kaming dalawa na pinagawa dahil magkahiwalay naman kami ng gawain.
Saka ko lang naalala na ngayong araw nga pala ang huling pagtanggal ng benda niya sa katawan. Seguradong ang ilan sa naging peklat ay nawala na sa katawan niya. May naimbento kasing gamot ang mga physician na nakakapag papawala ng mga peklat sa katawan na siyang kadalasan na ginagamit ng mga kagaya namin pagkatapos ng digmaan. At yun ang ginamit ko para mawala ang mga bakas ng sugat niya sa katawan. Ang tao, kahit gaano pa kagaling makipaglaban , magkakapinsala parin sa digmaan.
Kakaalis lang ng mga aliping siyang kumuha ng mga pinaggamitan ko sa pagligo ng dumating si Zeiron. Kakatapos ko lang ring magbihis.
"Natapos mo na?" Ani ko dito.
"Hmmnn. Naparami kasi ang ulat ngayon mula sa bawat hukbo." Tumango lang ako at tinulungan siyang tanggalin ang damit na suot niya mula pa sa umagang pulong.
"Ngayon nga pala tatanggalin ang mga benda mo. May nararamdaman ka pa bang sakit?" Ani ko dito. Umiling naman siya. Kaya ginawa ko na ang dapat gawin dahil maaga pa ako bukas.
Kinuha ko ang langis na ibinigay sa akin ng Imperial physician na siyang dapat ko daw na ilagay sa parte kung saan may mga natitira pang mga maliit na peklat para mawala na ng lubusan ang mga ito.
Hindi ko nalang pinansin ang paminsan-minsang tingin na ibinibigay ni Zeiron sa akin habang tinatanggal ang mga benda. Ngunit habang linalagyan ko ng langis ang mga may iilang peklat pang bahagi sa katawan niya ay bigla nitong kinuha ang bote ng langis at inilagay sa gilid. Magtataka pa sana ako kung bakit ng bigla niya akong hilain at ipinaupo sa kandungan niya.
"Asawa na naman kita hindi ba?" Ngumisi naman ako. Mahirap nga talaga sa lalaki ang makapagpigil.
Magsasalita pa sana ako ng angkinin niya na ang mga labi ko. Wala naman akong magagawa dahil sa ilang araw na magkatabi kami, nahahalata kong pinipigilan niya ang sarili niya na galawin ako kahit alam niya namang asawa niya ang katabi.
Kaya sa tingin ko ay ngayong gabi mangyayari ang pinakahuling ritwal sa kasal. Ang Consummation.
BINABASA MO ANG
Coalesce of Two Generals [Completed]
Short StoryTo kill one's power is essential for a true Ruler. Two great leaders who's force to let fate play it's game. A historical short story [It is based on Chinese historical stories.] Date started: Oct 16, 2020 Date ended: Nov 07, 2020