Chapter 4

22 5 0
                                    

Third Person's POV

Dumaan ang ilang araw at dumating na ang grupo ng dalawang Heneral sa Emperyo. Nagkanya-kanyang ruta na sila, si heneral Zeiron ay uuwi muna sa manor niya bago pupunta sa palasyo upang mag-ulat ng kaganapan sa border na binabantayan niya.

Habang ang heneral Haileir naman ay nagtungo na sa loob ng palasyo.

Lumipas ang apat na araw at dumating na rin ang pinakahinihintay ng lahat. Ang kasal ng dalawang Heneral.

Heneral Haileir

Kakatapos pa lang ng seremonya ng kasal. Si Zeiron ay hinila na ng mga kalalakihan upang mag-inuman. Ako naman ay dinala na sa isang silid kung saan matatagpuan ang bridal chamber. Dito ko hihintayin ang asawa ko para gampanan ang mga huling bahagi ng seremonya, ang tinatawag na consummation night.

Nang makaalis ang lahat ng mga alipin na siyang nagdala sa akin sa bridal chamber ay agad kong tinanggal ang head dress at covering veil. Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Alam kong masamang pangitain daw ang tanggalin ito na hindi ang lalaki ang magtatanggal dahil ang ibig sabihin lanh niyo ay hindi bukal ang loob na makikinig ang babae sa opinyon ng lalaki.

Tsk. Paki ko ba sa mga pangitain na iyon. Isa akong heneral at iba ang paniniwala ko.

Sinisimulan ko ng suklayin ang buhok ko ng makarinig ako ng yabag ng isang lasing. Napasobra ata ang paglasing nila kay Zeiron. Tss.

Ng buksan niya ang pinto ay pasuray-suray ito. Pero ng maisarado na niya ang pinto ay umayos ito ng tayo. Nagpapanggap lang pala itong lasing.

"Tss. Hindi mo na ako hinintay na siyang magtanggal ng mga yan." Anito sa suot kong covering veil.

"Gagawin pa ba natin ang dalawang kulang sa ritwal?" Deretsa kong tanong dito.

"Hindi ko alam."

"Hindi ko inakalang may bagay ka pa rin palang hindi alam sa buhay."  Kaya tumayo ako at kinuha ang dalawang maliit na baso saka inipisan ng alak at ibinigay sa kanya ang isa. At sabay naming ininom ang mga ito. Natapos na namin ang isa sa dalawang natitirang ritwal.

Walang pasabing humiga ako sa higaan at nauna ng matulog. Talaga lang naman kasing napagod ako sa mga ginawang seremonya ng kasal.

Hindi ko na pinansin ang titig niya.

Heneral Zeiron

Buong buhay ko, ngayon ko lang naramdamang hindi malaman kung ano ang gagawin. Hindi din naman ako marunong magpakita ng totoong nararamdaman.

Sa huli ay napagdesisyunan kong humiga nalang sa tabi niya pagkatapos kong mahipan ang mga lampara. Lalo na at maaga pa kami bukas para batiin ang Emperor at Empress sa loob ng palasyo.

Napatingin ako kay Haileir ng makitang may inilahad itong dagger. Nagising pala siya. O mas magandang sabihin na lagi siyang alerto sa panganib sa paligid.

Nagtangohan kami bago nagsikanya-kanya ng mapupwestuhan.

Agad kong ginilitan ang assassin na dumaan sa bintana at binato ng lalagyan ng bulaklak ang isa na tumalon sa gawi ko.

Pano ba nakapasok ang mga ito? At bakit ako ang laging pinupuntirya nila. Sino ba ang nag-utos sa kanila? Hindi kaya ang Emperor? O di kaya ay ang babae mismong kasama ko dito sa silid? Hindi imposibleng tama ang mga hinala ko.

Napatingin naman ako sa gawi ni Haileir at napapahanga nalang sa taglay niyang galing.

Napadaing naman ako ng matamaan ako ng isa sa mga assassin. Hindi kasi nagpopokus sa kalaban eh. Tsk!

"Wag ka kasing tumingin sa hindi mo kalaban." Nakangising sambit ni Haileir pagkatapos batuhin ng dagger ang assasing nakatama sa akin.

Pero nginitian ko lang siya na siyang nakapagpailing sa kanya. Kakaibang babae talaga.

Hindi nagtagal ay dumating sila Shinoda kasama ang kanang kamay ni Haileir at tinulungan kami sa mga ito.  Ilang saglit pa nga ay natapos na naming maubos ang mga ito.

Inenspeksyon ni Haileir ang mga ito. At napailing nalang. Wala siyang nakitang clue dito.

"Heneral Haileir." Tawag ni Jin sa babae. Tumango lang ito at umalis kasama ang kanang kamay.

Pinalinis ko nalang ang mga nagkalat na katawan sa mga kanang kamay ko. Hindi ko parin maisip kung ano ang dahilan at sinasalakay ako ng mga assassin.

Heneral Haileir

"Sa tingin mo, sino ang nagpadala sa mga sumasalakay kay Heneral Zeiron?" Ani ko kay Jin.

"Sa tingin ko ay may koneksyon ka dito." Komento niya. Tumango din ako. May kilala akong tao na gusto akong maangkin at ang Emperyo. Pero hindi ko pa ito napapatunayan. Kailangan kong mag-imbestiga.

"Sekreto mong imbestigahan ang lalaking iyon. Pati na rin ang iba pang opisyal ng Emperyo. Imbestigahan mo ulit silang lahat." Utos ko.

"Masusunod po." Aniya saka yumuko at umalis na. Bumalik naman ako sa bridal chamber at nakitang malinis na ito. Ilang tauhan kaya ang inutusan niyang maglinis dito? Napailing nalang ako at napatingin kay Zino na may dalang Imperial Physician.

"Greetings your royal highness." Ani ng doctor na nakayuko kasama ni Zino.

"You may rise." Mautoridad kong saad na siyang sinunod naman ng dalawa.

"Kailangan ko na pong gamutin ang Heneral, your Highness." Umiling lang ako.

"Ako na ang bahalang gumamot sa kanya. Ibigay niyo nalang ang mga kakailanganin ko." Tumango lang ito at hindi na nagreklamo.

Nang makaalis ang dalawa ay kinuha ko na ang gamot at panglinis ng sugat saka lumapit kay Zeiron na nakaupo sa gilid ng kama.

Tinanggal ko ang damit niya pang-itaas dahil nasa bandang gilid siya natamaan. Hindi ko na pinansin ang paninitig niya at sinimulan ng linisin ang sugat niya na siyang kanyang ikinadaing.

Heneral Zeiron

Pagkatapos niyang linisin ang sugat ko ay kukunin niya na sana ang gamot na nakalagay sa likod niya ng bigla ko siyang hilahin at halikan.

Tumugon naman siya. Pero ng maisipan ko ng laliman ang paghalik, bigla niya hinawakan ang sugat ko dahilan na mapalayo ako sa kanya.

Bumungad naman sa akin ang nakangisi niya labi. Saka umiling at kinuha ang gamot at sinimulan itong gamutin pagkatapos malinisan ulit.

"Hindi oras para diyan, magpagaling ka muna." Anito saka kumindat na siyang kinamangha ko saka napatawa. Kakaiba talaga.





















[A/N: naka base ang wedding ceremony nila sa traditional Chinese wedding. ]

Coalesce of Two Generals [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon