Third Person's POV
Maagang nagising si Heneral Zeiron at nag-ensayo gamit ang espada. Ito ang kadalasan niyang ginagawa kapag may iniisip.
Ilang saglit pa lang ay napatagilid ang heneral ng mapansin ang atake gamit ang espada. Nang makita niya ang may hawak sa espada ay napangiti siya.
Mabilis siyang sumugod kay Heneral Haileir na mabilis namang naisangga ang espada at tumalon saka pinatamaan ang balikat ng lalaki na siya namang mabilis na nasangga ng huli.
Mangha nalang na nanunuod ang tatlong personal na tagasunod ng mag-asawa habang pinapanood ang galing ng dalawa sa pakikipaglaban.
Magkasabay na nagtutukan ng kanilang mga espada ang dalawa habang parang hindi naman pinagpapawisan sa naging mahigpit na duwelo.
Ngunit nabaling nila ang atensyon sa isang tagahatid ng mensahe na tumakbo papasok na may dalang masamang balita.
"Report! Heneral Zeiron, Heneral Haileir. Masamang balita po, may nakita ang mga scout sa border ng palibot ng Emperyo na napakaraming mga kawal mula sa kaharian ng Yiantin. Anim na magkaibang kampo po ang nakapalibot sa buong Emperyo. At isang araw nalang bago makatapak ang buong troops ng Yiantin sa border."
"Report! Your Highness! Pinapatawag ka ng Mahal na Emperor! Kasama na si Heneral Zeiron."
Nagkatinginan ang dalawa at wala ng sinayang na panahon para magtungo sa palasyo. Pero bago pa man makaalis ay tinignan ni heneral Haileir ang kanyang kanang kamay para ipabatid ang utos dito na siyang ikinatango lang nito.
Pagdating nila sa Librarius hall ng Emperor ay agad sila yumukod.
"Anong gagawin mo Haileir?" Mas sumeryoso ang aura ng heneral ng marinig ang kanyang pangalan na minsan lang ginagawa ng Emperor.
"Uunahin natin ang digmaan dito mismo sa loob ng Emperyo. Nakakuha ako ng impormasyon na nakipag-sabwatan ang ilang may matataas na ranggo ng court sa Kaharian ng Yiantin. Segurado akong dito sila unang aatake sa loob habang papalapit naman ang kasundaluhan ng kaharian ng Yiantin." Nagulat ang heneral Zeiron at ang Emperor sa narinig. Alam nilang darating ang panahon na magtataksil ang ilan sa mga opisyal ng palasyo. Pero hindi nila inakalang ganito kaaga.
"Report!"
"Kamahalan! Nagkakagulo na sa labas! Ang punong ministro kasama ang prince of cavalry ay may dalang napakaraming mga kawal!"
"Report!"
"Kamahalan! Hawak na ng punong ministro ang Empress at ang dalawang prinsipe."
"Kamahalan kailangan po kitang dalhin sa ligtas na lugar. Patungo na dito ang mga kawal ng mga taksil!"
Napangisi naman si heneral Haileir. Alam niyang ngayon isasagawa ng kalaban ang pagsakop sa palasyo. Ito ang isa sa dahilan kung bakit nagpakita siya sa pulong nung nakaraang araw.
Mabuti nalang at nakahanda na ang lahat. Ginamit ng Heneral ang Emperor's Badge para mapadali ang lahat na walang nakakaalam ni kahit ang mga nalalapit sa kanya.
"Mahal kong kapatid, sumama ka kay Eunuch Alon. Siya na ang bahala sa iyo. At kami naman ang bahala dito." Walang pag-aalinlangang sumunod ang Emperor sa utos ng kapatid at umalis na.
"Anong plano?" Saad ng kanina pang tahimik na si Heneral Zeiron. Ngumiti lang ang asawa niya.
"Salubungin ang mga taksil." Ngiting sambit nito at lumabas na sa hall.
Pagdating nila sa harap ng Qiyang Pavillion ay nakasalubong nila ang napakaraming kawal sa pangunguna ng prince of cavalry na si Sekem.
"Kamusta ka prinsesang Hail? Inaalagaan ka ba ng heneral na ito?" Ngising saad nito sa kanila. Alam ng heneral Haileir na may gusto ang naturang lalaki sa kanya.

BINABASA MO ANG
Coalesce of Two Generals [Completed]
Short StoryTo kill one's power is essential for a true Ruler. Two great leaders who's force to let fate play it's game. A historical short story [It is based on Chinese historical stories.] Date started: Oct 16, 2020 Date ended: Nov 07, 2020