CHAPTER:34♧ tension ♧

233 11 0
                                    

HEY Y'ALL! sorry kung ngayon lang ulit naka update, modules ugh! And typos and  grammatical error ahead!

MBMHM

THIRD PERSON's POV

Tanghaling tapat na at hindi parin nagigising ang mag asawa walang ni isang namutawi na ingay matapos iyon' sabihin ni Alexandra, pumasok sila ng kwarto at walang pasabing ibinaba ni Alexander ang asawa at humiga hinayaan nalang din ni Alexandra dahil alam nitong may tama na ang asawa. Tumayo sya at nag bihis ng pantulog at dahil galing sya sa tulog bago pumuntang beach ay hindi pa sya dinadalaw ng antok. Pumunta sya sa study table at binuksan ang laptop

May mga kinulikot sya dun at pasado 6:00 na sya natapos, matapos nun' ay saka lamang sya naka ramdam ng antok.

Isinara nya ang laptop nya at tumayo sa silya, humiga sya sa tabi ng kanyang asawa at pinagkakatitigan ito hanggang sa mag sawa, nagpakawala ito ng buntong hininga saka iling iling na nag kumot at natulog.

Ang ibang guest naman ay umuwi na kaagad dahil na rin sa trabaho at gawain sa kani-kanilang lugar, ngunit ang mga malalapit nilang kaibigan at syempre ang pamilya nang bawat isa nanatili, sabay kumain ng agahan ang lahat at napag-kwentohan ang posibleng dahilan kung bakit hindi naka sabay sa kanila ang bagong kasal.

Naging casual lamang ang agahan ng lahat at matapos non' nagpa-alam ang bawat isa na bumalik muna sa kani-kaniyang mga kwarto dahil magbibihis at gagala

Di kalaunay kunot noong nagising si Aeezer, normal na gising iyon sa kanya. Normal na gumising ito na kunot ang noo. "Damn that drink" sapo sapo ang noo nito na naka sandal sa headboard ng kama.

Dumapo ang tingin nya sa mala dyosang babaeng naka higa sa gilid nya, matangos na ilong,  mahahabang pilik mata at mala-pinkish na sigurado syang malambot na labi ba naman ang una nya makikita sa bawat umagang gigising sya, ngunit sa halip ay mapangiti ay napakawala sya ng buntong hininga.

Ilang minuto nya' pang tinitigan ang asawa nya at saka napag pasyahang tumayo na.

Si Alexandra naman ay ibinoka ang mga mata matapos umalis si Aeezer, nagising sya nang dumaing si aeezer dahil sa sakit ng ulo ngunit hindi nya pinahalatang gising na sya.

Umupo sya at sumandal sa headboard ng kama saka nya niyakap ang mga papa.

"Why is this happening to me?" Bulong nya sa kanyang sarili at bumuntong hininga.

Di kalaunay tumayo na rin ito at pumasok sa banyo, matapos maligo at mag sipilyo ay pumunta sya sa walk in closet at naghanap ng mai-dadamit. Pinili nya ang Plain White Stylish Halter Sleeveless Crop Top inilagay nya sa kama iyon at umupo sa silya, kinuha nya ang tuwalya na nakabalot sa buhok at saka sinimulang i-blower ang buhok, panay ang buntong hininga nito na naka-tingin sa repleksyon nya sa harapan.

Matapos ang ilang minuto ay natapos syang mag blower, nag lagay sya ng sunblock sa katawan at saka sinimulang ayosan ang sarili at nag bihis.

Lahat ng nadadaanan nya ay napapalingon sa kaniya, dahil nga tanghaling tapat na ay marami nang turista ang dumayo (hindi na exclusive ang lugar) lahat ng iyon ay napapatingin sa kanya, para syang dyosa na naglalakad na walang paki-alam sa presensya ng mga nanduon, casual lamang sya naglakad patungo sa restaurant at saka umupo sa silya, dun na nya naisip na tawagan ang mga kaibigan. May lumapit na waiter at nag order sya, ilang minuto ang nag daan at mas una pang dumating ang mga kaibigan nya kesa sa inorder nito.

Umupo ang apat na may naglalarong ngiti sa labi.

"Hmmm"panimula ni keythe na may nakakatuksong tinig "seems like our bride here just woke up huh?" Wika ni Keythe na ngayon ay naka upo na.

Mafia Boss Meets His MatchWhere stories live. Discover now