Chapter 3

24 4 3
                                    

Zava POV.

Tatlong taon na ang lumipas simula noong binawian ng buhay ang aking pinakamamahal na lola. Ang sakit, 'di ko matanggap. Hindi ko maatim na tumingin sa kanya habang mahimbing na nakaratay sa kanyang mamahaling kabaong. At simula noong wala na sya naging mailap na ako sa mga tao kahit sa ina ko pa.

Ang totoo n'yan ay kinamumuhian ko siya, hindi lang ngayon sa nangyari ngunit simula noong mga panahong pinag-eensayo niya ako kahit hindi ko pa gaanong kaya sa mura kong edad at higit sa lahat ay yung mga panahong sinasagot niya si lola na parang hindi niya ina.

Nagalit talaga ako sa kanya. Nauunawaan ko naman yun ng dahil sa kanyang mga karanasan pero sa totoo lang ay talagang sumusobra na siya eh! Pati ako dinadamay.

Ganito talaga ako mag isip. Matured ba masyado? Well, tinuruan ako ng lola kong maging matured. Miss na miss ko na siya.

Simula noong naatake siya sa puso at namatay. Hindi nila ako makausap ng ayos at higit sa lahat ay hindi ko na silang magawang tratuhin at makipag-usap ng tama.

Nagulat nga sila mama at mga tauhan namin eh. Hindi na raw ako ngumingiti katulad noon. Alangan namang ngingiti ako sa kanila kung ang totoo ay nagagalit at nalulungkot ako. Sa ospital lang nila ako nakitang umiyak ng umiyak noon at natakot pa nga sila sa akin eh, dahil daw Wala daw akong kaemo-emosyon at higit sa lahat ay masama raw ang aking mga tingin.

Sino bang hindi malulungkot? Ang lola ko lang naman ang pinakamalapit sa akin eh! Binawi pa, asteg talaga. Siya lang ang palaging nandyan sa tabi ko kapag nasasaktan at nahihirapan na ako sa pag-eensayo na yan. Pero bakit baaaaa!!!! Gusto ko na namang umiyak!

Ito namang ina ko, iyak ng iyak pa siya noon at kahit hanggang ngayon. Minsan nga sa gabi naririnig ko mga hagulhol niya. Buti sana nakatutulong iyang iyak nya upang maibalik ang lola ko. Dagdag ingay lang sya. Akalain niyong, halos hindi na nga niya tratuhin na ina si lola noon pero ngayon kung maka-iyak parang tanga. Ewan ko ba sa kanya.

Oo, naiintindihan ko naman ang pinagdaanan niya. Pero palagi namang pinaiintindi ng lola ko ang mga ginawa niya noon upang mailigtas lang sya. Pero tigas ng bungo ni mommy! Though, naawa ako sa kanya, pero mas naaawa ako sa lola ko dahil noong malapit na siya mamatay sila nagkaayos.

"Zava, baby? Kumain kana anak." Sabi ni daddy. Tipid lang akong ngumiti sa kanya pero wala paring emosyon at dumiritso sa kitchen. Pagod ako sa lahat, at lalong lalo na ang umiyak sa mga araw na wala akong masasandalan. Iwan ka ba naman ng pinakamamahal mo.

Ganyan ang trato ko sa aking daddy. Okay naman kami. Pero noon yun, kasi I got disappointed. Noong mga panahong kinakailangan ko sya at pinakiusapang makiusap siya kay mommy na itigil muna ang aking ensayo dahil nahihirapan ako.

"Sorry anak Wala akong magagawa, I'm sorry I can't do anything to keep you from feeling what you're feeling right now. I'm sorry if mahina si daddy, hindi talaga mapipigilan ni daddy ang mommy mo anak. Pero gagawa ng paraan si daddy, okay?"

Yaannnnn! Hindi ko pa nalilimutan mga sinasabi niya. Ngunit nasaan ba siya noon? Ay oo nga pala, nandoon sila sa Europe kasama niya ang nag-iisa kong nakababatang kapatid. Isang taon lang ang agwat niya sa akin at 10 yrs. old na sya ngayon.

Nandito sila ngayon sa Pilipinas dahil death anniversary ni lola at kagagaling lang namin sa sementeryo muntik na nga akong umiyak eh.

After eating, I went to my room to prepare myself, because today's the start of my training. At sa company na namin ako mag-tetraining, simula ngayon. Malaki ang company namin at malaki rin ang mga spaces, may underground din. Ngayon palang ako makapag-train doon dahil ngayon lang pumayag si mommy sa gusto ko, pero nakapunta na ako doon but that was two years ago.

Smart BitchWhere stories live. Discover now