Chapter 8

12 3 6
                                    

Zava's POV

"HOYYYYY GISING NA PO MAHAL NA PRINSESAAAA! YOHOOOOO!!!!" sigaw si Madei sa tenga ko

Hindi ko siya pinansin, natulog ulit ako pero kasi parang nahihilo ako! paano ba naman kase! tumalon talon pa ang bruhilda sa kama ko! para akong tangang lumilipad eh wala namang pakpak

"ANO BA MADEI! NAKUUU KAPAG IPINAGPATULOY PO YAN TATAMAAN KA TALAGA SAKIN!" sigaw ko

"aba't sumasabat ka pa, late na tayo oy!"

Biglang nag sink in sakin, late? wait, LATEEEE?!

Tumayo ako, kinuha ko ang bag at akmang lalabas na ng kwarto ko ng magsalita si Asia

"Yuck kadiri ha! papasok kang may laway pa sa gilid ng labi mo? Tas naka panty pa?"

AY PUCHA OO NGA PALA HINDI PA AKO NALILIGOOO!!$;&/&;&.&/&;&;;&/"!;$

Hindi na ako nagsayang ng oras at dali daling naligo. Nakuuuuuu! I've never been late in everything! OMG ano bang pinaggagawa ko?! "Bat ba kasi ako natulog ng 5 am, eh 7 am class ko! Ambobo mo Zava!!!" galit kong sabi sa sarili
"eh kase naman po, hindi ka makatulog dahil iniisip mo parin ang nangyari kahapon gaga ka!" sagot ko rin sa sarili

"Hoy ano ba Zahava Camille Costa! ano bang oras ka dapat maligo? isang oras? marami ka bang dumi at napakatagal mo diyan?" sigaw sa labas ni Madei

"Oo na lalabas na punyeta ka" sigaw ko rin

Pagkalabas ko dali dali akong nagbihis at nag prepara. Naku! naku! naku! Zahava Camille for the first time na late ka! at sa klase pa!

As we arrived, dali dali kaming pumasok sa gate at pupunta na sana ng room ng may makabangga kami, edi sino pa? Yung Zebra na yon, hay ang aga aga ha wala ako sa mood, na late pa nga ako, mukha pa nang zebra na yan makikita ko! wag niya lang talaga ako kausapin masasapak ko yan

"Ooooh, late bitches" panimula niya

"Hindi, hindi kami late, dumating kami ng 8 tapos nagstart ang klase ay 7:10. Oo, hindi kami late sa lagay na yan" pambabara ko, tumatawa pa nga sila Madei at Asia

"So bobo nyo naman, eh halata namang late kayo! kaya nga 8 kayo dumating pero 7 ang start ng klase diba?" sabi niya

"OMGGGG! DONT TELL ME "SARCASM" DOESN'T EXIST IN YOUR WORLD? San ka ba nakatira? sa pluto?" singit ni Asia

"pluto? wala na yun diba? bobo mo!" pakikipagtalo niya pa

"Kaya nga, wala na. Kaya kung ayaw mong mawala rin, tumabi ka sa daraanan namin at baka masapak kita." seryosong angil ni Asia

"Ooooh i'm scared. Look oh! I'm shivering huhu" sabay tawa niya

Pero kalaunan tumigil rin ng makitang seryoso si Asia at Ako. Pero si Madei? ayun nagpipigil ng tawa.

"Nako kung ako sayo tumabi ka nalang Zebra, at may isang walang tulog dito. Baka sumunod ka pa sa pluto, mawala ka rin hehe" with what Madei said, nakitaan ko ng takot at galit si Zebra, at tumabi para padaanin kami.

Nang maka pasok kami, wala pang teacher.

"Pst hoy? bat wala pang teacher?" tanong ni Madei sa nerd naming kaklase. Ang bruha di man lang gumalang, kitang nagbabasa ang tao eh!

"ah-h e-eh hehe a-ako ba k—ka—usap mo?" turo niya sa sarili

"Hindi, yung pader kausap ko. Sumasagot kasi yang pader eh. Hi pader? Sumagot ka naman para nakong tanga dito nagsasalita mag isa oh" walang kwentang sagot ni Madei

"Oh sorry. Uhh, e-ehh o-oo k-k-kanina pa w-walang teacherrr. M-may meeting daw" tango lang ang naging sagot ni Madei at umupo na.

"para siyang kambing laging naka uhh ehh hehe" nandidiring sabi ni Madei

Smart BitchWhere stories live. Discover now