Chapter 1- Clusters

9 0 0
                                    

Chapter 1

Kinabukasan, sobrang tagal kong nagising. Pagising ko wala na si Sid sa loob ng silid namin at tanging si Prima at ako nalang. Di ako nagdalawang isip na gisingin siya.




"Prima wake up! We're late for today's class"
Nag hihysterical kong sigaw kasi unang araw ko palang dito late na naman ako.





"Shut the fuck up!"
Sigaw niya sa akin. Nagulat ako pero agad ring nakabawi. Di ko nalang siya ginulo pa at nag ayos nalang ako sa sarili ko.





Di ko alam kung saan ang room namin ngayon buti nalang at naabotan pa ako ni Prima kaya sabay kami kahit na di kami nagiimikan dalawa.




"And why are you late Ms. Mendez?"
Kinakabahan ako sa mga titig na binibigay ng professor namin. Nagulat din ako kasi puro taga Supreviola lang talaga ang nandito. Exclusive ba itong cluster na to?






Sasagot na sana ako nung biglang nagsalita sa Prima.




"She's new here. Kung di ko pa sya naabotan malamang ay wala pa sya ngayon dito"
Nagulat ako sa ginawa ni Prima. Parang wala lang sa kanyang sagutin ang professor sa harap namin.





"I expect you have the map Ms. Mendez"
Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi alam kung anong sasabihin.





"Paano mo naman magagamit ang mapa kung napakahirap ng mga pasikot sikot dito and besides that map isn't the normal map you'll see. I expect you knew it Professor"
May diin sa bawat katagang binitawan ni Prima lalo na yung salitang 'expect'





Wala ng nagawa pa si Professor at nailing nalang kaya umupo na ako sa tabi ni Venus. Napakalaking ngiti ang iginawad nya sa akin. Unang subject namin ngayon ay about healing. Akala ko history kasi yun yung nakasulat sa schedule. Wala naman kasi akong healing na subject.





"Who wants to try?"
Napatingin si Professor Jugle sa akin kaya nag iwas ako ng tingin. I don't even know what the heck is happening here. Ni wala pa nga akong alam na skills ko eh.






"Why don't you try to do it Lucy?"
Nakataas ang kilay na tinignan ako ni Professor Jugle.






I was looking for a help but no one responded for the last minute ay nagsalita na si Prima. Ramdam ko lang ang gusto niyang pagbawi sa akin dahil sa ginawa nya kanina.






"Excuse me Professor Jugle, you're supposed to teach the newbies not ask them directly especially if they knew nothing about the wizarding world. And aside from that only Healers like you and Thelma can really do great healing and besides it's history class as far as I've remembered"
Nakita kong nag thumbs up yung supladong lalaki.








Wala akong alam sa nangyayari sa paligid ko. Wala akong maintindihan sa sinasabi nilang healing na yan. Sa sobrang inis siguro ni Professor Jugle ay di na nya naigilan ang sarili niyang bigla nalang mawala ng parang bula.






"This happens all the time when Prima tries to steal the class. Masyadong mababa ang pasensya ni Professor Jugle"
Sabi ni Venus sa akin na nakangiti. Ano ba ang nangyayari dito?





"Class dismissed!"
Huling sigaw ni Prima bago nagsilabasan sa classroom ang lahat. Sumunod na din ako kesa naman maiwan ako dun wala akong magawa.







"Hi Lucy, I'm Thelma. May I ask for your consent to go with me to the library?"
Sa itsura niya palang alam na alam mo talagang may pag ka nerd siya. Tumango lang ako at hinila na ako ni Thelma papuntang library.







Sweet BraveryWhere stories live. Discover now