Chapter 2- Aurors

3 0 0
                                    

Chapter 2

Maaga akong nagising dahil di ako nakatulog ng maayos kagabi dahil na rin sa excitement at sa kaba dahil ngayon na ang araw na babalik kami sa mundo ko para mag imbestiga.




I never imagined myself before becoming a police or detective. But I think I'm becoming one. How ironic. I used to hate this kind of job pero ngayon sobrang excited ko lang talaga.





"Aga natin ah?"
Kakagising lang ni Sid. Gulo gulo pa ang buhok niya.






"Excited lang ako kasi first mission ko to. Gusto ko na ring makabalik sa mundo ko"
Dahil nga sobrang excited ko nagayos na ako at naligo para fresh na fresh. Paglabas ko ng banyo tapos na si Sid.





"Mauna na ako sa inyo. Don't get too excited Lucy. Mga walang hiya yang kasama mo"
Sabi ni Sid bago tuluyang lumabas. What did she mean mga walang hiya?




Lumabas na ako ng dorm para kumain kasi nagutom na ako. Naabutan ko ang grupo nila Sid dun sa dining hall namin.




"Good morning Lucy. Mag isa ka lang ata ah?"
Bungad ni Gale sa akin. Siya kasi ang unang nakakita sa akin paparating.





"Bruha yung mga kasama ni Lucy eh"
Natawa si Klaus sa sinabi ni Sid.






"Dapat kasi ako yung andun at hindi si Lucy engot mo naman kasi Sid!"
At binatukan nya si Sid na rumesulta sa pagpapatayan nilang dalawa.



"Pagpasensyahan mo na lang sila Lucy. Mga may saltik kasi sa utak lahat ng nasa cluster nato hihi"
Ani Clay if I'm not mistaken. Siya yung shy type sa grupo namin or siguro di ko pa lang sya ganon ka kilala. Akala ko nung una isa rin syang newbie hindi naman pala.





"Ang cute nga nilang tignan eh"
Napailing lang si Clay sa sinabi ni ko. Yung parang mga nasa movie na nag aaway ang babae at lalaki tapos sila ang magkakatuluyan diba ang cute lang hehe.





"Trust me you don't wanna see them fighting kasi talagang madadamay at madadamay kayo sa pagpapatayan nila"
Pansin ko nga. Walang ni isa ang gustong pigilan silang dalawa eh. Nagsusuntokan na sila. Bilib din ako kay Sid kasi ka babaeng tao ang lakas makipag basag ulo.





"She's born that way"
Napatakip ako sa bibig ko nung marealise kong naririnig pala nila yung iniisip ko.





Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa dorm namin. Gising na si Prima at nakahanda na rin sya para sa pagalis namin mamaya. Naka curls ang kanyang mahaba at straight na buhok. Talagang nag ayos siya para sa misyong ito.



"Samahan mo muna akong mag breakfast Lucy"
Malamig niyang sabi nya sa akin kaya naman sumunod kaagad ako sa kanya.

Hindi ko inaakala na ang napaka sexy na katawan ni Prima ay napakatakaw nya palang babae.


"I should take that as a compliment"
Napatili ako sa kailaliman ng aking isipan. Shet! Palagi ko nalang talagang nakakalimutan na pwede nilang marinig ang aking iniisip.


I tried to look at Prima's eyes at nabasa ko ang kanyang inisip. Sabi nya lang naman 'thank you'



"Pasensya ka na Prima. Hindi pa kasi talaga ako sanay sa mga nangyayari ngayon. Talagang naninibago pa ako"
Pag amin ko sa kanya. Talaga namang hindi pa lubos na mag sink in sa akin ang mga bagay bagay na nangyayari dito.


Sweet BraveryWhere stories live. Discover now