Chapter 7- Friendship

3 0 0
                                    

Chapter 6

Nagising ako sa di pamilyar na kwarto. Hindi naman kasi ito ang nakagisnan ko tuwing gumigising ako sa umaga.



Ano to? Nasaan ako? Bakit ang daming nakasabit sa akin. Naka cast pa ang kanang braso ko.




Isa isa kong tinanggal ang wire na nakakabit sa katawan ko. Ang sakit ng katawan ko. Hindi naman ako ganon ka lala ang nangyari sa akin kahapon ah?

"Kamusta ang pakiramdam mo?"
May dalang mga prutas si Branch. Hinubad niya muna ang jacket niya bago umupo.





"Busy silang lahat sa pag didisenyo para sa founders. Ako lang yung walang ginagawa sa ngayon. I came here to check on you. Kumain ka muna"
Natulala ako kay Branch. Ngayon niya lang kasi ako kinausap ng ganito ka rami. Hindi naman siya yung typical cold hearted prince na hindi talaga ngumingiti pero may pagkacold lang talaga siya.



"Prima told us everything"
Panimula ni Branch. Nakatingin lang ako sa kanya habang naghihintay sa sunod na sasabihin niya.


"Andun na rin sa lab si Professor Lira. They're doing some studies"
Hinihilot ni Branch ang sintido niya na para bang nag iinisip.

"For our safety mas pinatibay nila ang ating security and naglagay na rin ng mga pangontrang spell sa lahat ng nasasakupan ng Alcansus"
Tango lang ang tangin sagot ko kay Branch. Maya maya lang ay iniwan na rin ako ni Branch kasi siya raw ang sasalubong sa mga bisita.

Magisa na naman ako dito sa hospital. Naghihintay ng milagro. Dinig na dinig ko dito ang boses ni Professor Logan na binabati ang mga bisita namin.

Mag aalas sais na pala ngunit hindi parin bumalik dito ang mga kasama ko. Kita kita ko rin sa bintana ang nagagandahang mga fireworks sa langit.

Palagi ko ng naririnig ang katagang iyon pero hindi parin ma wala wala sa isip ko ang gustong iparating ni Professor Lira. Kusang nag pabalik balik sa utak ko ang nangyari kahapon.

Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa iyon? Gusto kong malaman kung bakit sinabi niya yun sa amin? Sino ang nagko kontrol sa kanya bakit ganon siya umasta?

Napakadami kong tanong na sa ngayon ay napakahirap ring sagutin.

"Gusto mong lumabas?"
Change of heart? Biglang naging mabait si Prima sa akin eh. May dala siyang mga pagkain.


"You still don't like me?"
Natigilan si Prima at inis akong tinapunan ng tingin.

"I never liked you in the first place. You misunderstood some things"
Paalis na sana siya pero agad ko siyang hinawakan sa kamay.

"Thank you"
Sabi ko bago ko siya binitawan. Akala ko aalis na siya pero hindi pala. Umupo siya sa kama ko at kumain. Pinanuod ko lang siyang kumain. Mukhang enjoy na enjoy sya eh.


"Kung ayaw mong kumain uubosin ko to"
Inubos nya talaga yung dala niya. Shocks Prima!




"Prima dear!! May bagong crush ako"
Nagsitakbohan papasok sina Thelma, Greta, Sid at Gale. Agad na yumakap si Sid kay Prima.




"Get off me Sid! Nakakadiri ka. Pake ko sa crush mo kung sakin naman yan makikipag date!"
Natawa kaming lahat sa reaksyon ni Sid. Agad itong napabitaw at napairap.







I'm happy that they're comfortable around me. Ako rin naman comportble din akong kasama sila. I'm at ease and safe.




"Lucy bakit ka pa may cast? I already mend your broken arm"
Tinangal ko yung cast at wala naman pala talagang bali yung buto ko. Thanks to Thelma.



Sweet BraveryWhere stories live. Discover now