Chapter 3- Attacked

3 0 0
                                    

Chapter 3

Nagising ako sa na nasa loob na ako ng clinic. Nakapalibot pa sa akin ang lahat ng taga Supreviola including our professors.


"What happened Lucy?"
Tanong ni Professor Kron sa akin. Umiling ako dahil wala akong ma alala sa nangyari.





"Nakita ka nilang walang malay. Ano ba ang nangyari Lucy?"
Tanong na naman ni Professor Jugle. Sa totoo lang nagugulohan ako dahil wala talaga akong maalala.



"They're starting. I want you to inform everyone to train harder than usual. Mabuti ng maging handa"
Biglang tumayo si Professor Logan at nawala sa ere.



"Starting tomorrow ay mas magiging intense ang inyong physical subjects"
Sabi naman ni Professor Kron. Napapikit yung ibang kasama ko sa sinabi nya.



Oh no. This is bad.

Really bad!
Nabasa ko ang isip ni Thelma saka ngumiti siya sa akin.






"Could someone explain to me what is happening?"
Di ko na napigilan ang sarili ko kasi grabe na talaga to. Ni hindi pa nga ako naturuan sa history ng paaralang ito at kung ano ano pa. Hindi ko pa alam ang skills ko aside sa mind reading sabi nila.







"You need to rest for now Lucy. Don't stress yourself"
Sabi ni Venus at sinenyasan ang lahat na lumabas muna.




I can't. Hindi ako mapakali sa ganito. Pakiramdam ko ay nanganganib ang buhay ko dito. Ang buhay naming lahat.





Hinintay ko lang silang makaalis lahat para maka alis din ako dito. Gabi na kaya wala ng studyante pa ang naglalakad sa hallway. Bawal na kasing lumabas pag bed time na.





Kinakabahan ako sa ginagawa ko pero talagang gusto kong malaman ang mga nangyayari kaya pumunta ako sa library. Di ko namalayan na napunta na pala ako sa dark section. Sabi ni Thelma sa akin bawal daw akong pumunta dito kasi napakalakas ng mga mahika ang nakapalibot sa section ng library na to.





Matigas na kung matigas ang ulo ko basta ay pumasok ako at nagtitingin sa mga aklat ng biglang may bumagsak sa sahig dahilan para mapasigaw ako. Buti nalang at hindi ganon kalakas kaya siguro walang nakarinig.






"Dark Magic Awaits"
Yan yung nasa cover page ng libro. Napakaluma na nito at inalikabok na.





"Potangina!"
Agad akong napatakip sa bibig ko nung bigla na lamang itong bumukas at may kung anong itim na usok ang lumabas.





Shit! Dapat pala talaga ako nakinig kay Thelma. Napapikit ako sa sobrang takot hanggang sa naramdaman ko nalang na may kamay ang humipo sa aking noo.






"You're not allowed to enter here"
Walang ganang sambit ni Prima sa akin. Nakapagtataka rin ang biglaang pagsulpot nya dito gayon man ay nasa pinakadulong bahagi na ito ng library.






"What are you doing here?"
Tanong ko pabalik sa kanya. Hawak nya na pala yung libro.






"I'm here to find something that's out of your business!"
Kahit kailan napaka straight forward nya talaga.







"Prima, I want to know the secrets behind this massive attacks of the Aurors."
Di sya nakagalaw agad sa sinabi ko. Nagulat nga rin ako sa lumabas sa bibig ko eh.






Sweet BraveryWhere stories live. Discover now