Chapter 5- Different races

3 0 0
                                    

Chapter 5

Lucy, sumama ka na sa amin at siguradong ikaw ang magiging pinakamakapangyarihang nilalang sa lupang ito!

Lucy dear, come with us. I'll assure you'll know everything about you.

Whether you'll like it or not soon sasama ka rin sa amin

"Lucy are you okay?"
Napabalikwas ako sa kama pag gising ko. That's just a freaking nightmare!

Kinikilabotan ako sa masamang panaginip ko. Hindi ko namalayan na sobrang basa ko na na pala. Para akong naligo sa sobrang dami ng pawis ko.

"Lucy! Okay ka lang ba? Kanina pa kita ginigising"
Magulo pa ang buhok ni Sid. She looked worried.

"I'm not. Ang sama ng panaginip ko"
Sabi ko. Gustohin ko mang sabihin sa kanya yung nakita ko ay hindi rin lumalabas sa bibig ko.

"Ano ba kasi ang panaginip mo? Mukhang takot na takot ka kasi kanina. Tignan mo oh ang basa basa mo pa"
Pinunasan ni Sid ang pawis kong hindi parin magsitigil kakalabas.

"I will be fine Sid. Matulog na tayo ulit"
Sabi ko sa kanya. Isa lang naman iyong panaginip. Nagbihis muna ako bago natulog muli.

"My god Lucy we're late!!"
Kinakabahang sambit ni Greta at kinaladkad pa ako patakbo. Ngayon na kasi yung sinasabi ni Professor Newt na physical training daw.

Hingal na hingal kami nung dumating kami ni Greta sa field. Eh pano ba kasi ang layo kaya ng tinakbo kami. Galing kaming 4th floor may maraming pasikot sikot pa.

"Late comers 20 jogs"
Gusto kong maghimatay bigla sa sinabi ni Professor Newt. 20 talaga? Sa laki ng firld nato? Isang hectarya ata ito eh!

"Kaya ayaw na ayaw kong ma late pag si Professor Newt"
Hinawakan ako ni Greta sa braso at nagsimula na kaming magtatakbo. Apat kaming late. Si Prima na walang imik at si Ven na parang sanay na sanay na kasi panay kwento siya ng kung ano ano.


"Hahaha! Alam niyo ba kanina Hahaha! Pumunta ako sa Aniherbo Hahahah!"


"Pota ka Ven! Tumawa ka nalang wag ka nalang mag salita!"
Pambabara naman ni Prima sa kanya.



"Hindi sure na to Hahaha! Eto na kasi yung sasabihin ko eh! Si Brina dun sa Aniherbo cluster may gusto pala dun sa shokoy na Clay HAHAHAHAHA!"



"Pinagtulongan kasi siyang pa aminin nila Diego at Vernon kaya napa amin HAHAHAHAHA"


"HAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHAH"

Nakitawa na rin si Greta. Ako lang yung op dito. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa pinagsasabi ni Ven eh.



"Ay oo nga pala op si Lucy hehe. Si Brina yung pinakapanget na nilalang dito sorry for the word pero yun talaga ang pinaka accurate to describe her"
Nagkibit balikat lang si Venus at binilisang tumakbo para habolin si Prima.



"Isang gnome si Brina. Meaning isang nilalang na may mga makukunot na balat basta ewan ko ba kung paano siya e dedescribe na hindi sinasabing panget sya"
Akward na ngumiti si Greta sa akin at tumakbo na rin upang masundan sina Venus.




Gnome? Ano yun? May iba iba bang nilalang dito? Ang dami ko pang hindi nalalaman dito ah!




"Time out muna guys!"
Sigaw ko. Hindi ko na talaga kaya. Pangalawang ikot palang namin to pero pakiramdam ko any seconds from now ay mahihimatay na naman ako.



Sweet BraveryWhere stories live. Discover now