Chapter 4- Illusions

4 0 0
                                    

Chapter 4

Gaya nga ng sinabi ni Ven sa akin ay matinding bakbakan ang nagaganap ngayon. Andito kami sa field habang pinag pa partner kami para may kalaban kami.

Si Gale ang kalaban ko kaya alam kong mahihirapan ako kasi kaya niyang mag teleport. Hindi ko sya maiisahan ng ganon ganon na lang.

Hindi ko rin naman magagamit tong mind control thing ko kasi hindi ako makatingin sa mga mata ni Gale mamaya dahil alam kong isa sa gagawing attake ni Gale ang pag teleport kung saan saan.



"Ang unang magpapakitang gilas ay si Klaus at Venus"
Matigas na sabi ni Professor Newt. Sobrang gwapo nya talaga.





"Gaga matutunaw na si Prof niyan"
Nabalik ako sa realidad nung sikohin ako ni Gale.


Naka pwesto na sila Klaus at Ven. Nalaman ko na kaya palang makipag usap ni Klaus sa mga patay at gamitin niya iyon. Napaka laking advantage iyon para sa kanya.


Unang sumugod si Ven na nag anyong lobo. Agad namang nakailag si Klaus at bigla nalang napahinto si Ven at bumalik sa kanyang ayong tao ma umiiyak. Ano yun? Bakit ganon?

"He's blessed with illusions. Ginamit ni Klaus ang weakness ni Ven kaya ganon"
Sabi ni Prima sa akin na nasa tabi ko. Napa nga nga rin si Gale sa narinig niya.

"Grabe naman pala ng kapangyarihan ni Klaus. Sigurado akong wala ng makakatalo kay Klaus"
Nailing lang si Prima sa sinabi ko at di na pinansin. Bakit ba? Nakakamangha kaya yun.

"Mostly Klaus was very prone to self destruction dahil sa kapangyarihan nya. Hindi biro ang kapangyarihang meron si Klaus"
Biglang sabat ni Clay sa likod namin.


"Venusian! Huwag kang magpapadala sa emosyon mo!"
Sigaw ni Professor Newt. Nakakatakot naman pala tong si Professor Newt. Hinila nya patayo si Venus at pinaupo.



"Listen class! You have to train your mind not to be weak or else madali kayong magamit ng mga aurors. They can linked into your minds and blow you up. Understood?! Next Branch and Clay!"
Tumayo na si Branch sa gitna habang si Clay naman ay halatang kinakabahan.


"Anong kayang gawin ni Branch at Clay?"
Tanong ko kay Prima pero di na niya ako sinagot. Instead she stood up at umalis bigla. Napaka moody niya talaga. Parang bipolar lang. Ngayon mabait. Mamaya naman biglang hindi namamansin.

Clay just cloned himself. Tatlong Clay ang nasa harapan namin ngayon. Cool! Nagsimula ng sumugod si Clay but Branch is to fast. I guess his ability is referring to speed. Parang si Flash lang. Minsan napupuruhan ni Clay si Branch but most of the time si Branch ang palaging nakaka score kay Clay. He did not even utter a word nung na corner sya ni Clay at natapon siya sa ere. Ang sakit kaya nun ah.

I know you can read minds at alam ko rin na matatalo mo ako mamaya kaya dahan dahan lang tayo Lucy I can still manipulate the future.

Napalingon ako kay Gale na nakangiti sa akin. Yun na nga? Yun na talaga ang ability ko.

"How did you know?"
Nagkibit balikat lang si Gale at tumayo na dahil kami na ang tinawag. I tried to look in her eyes pero talagang iniiwasan niya ako. Now I don't know what attack to use.

I was just looking at her nung bigla siyang nawala and just a seconds later napadaing na ako sa sahig. Ang sakit nun!

"Lucy! Okay ka lang?"
Sigaw ni Gale at nagsilapitan na sila. Aray ko! Sobrang sakit ng ulo ko. Ang sakit ng pagkapatid ni Gale sa akin tumama ulo ko sa sahig.


Sweet BraveryWhere stories live. Discover now