Chapter One

111 15 0
                                    


I can hear him, but I can't see him. I don't know where he is. Yet I kept running. Sinusundan ko lang kung saan maaring manggaling ang boses niya. Hindi puwedeng malayo iyon, o sa isang lugar na tago. Parang ang lapit niya, eh. Kaya patuloy lang ako sa pagtakbo.

I know I'll get to him in time. "Matt? Matt!" humihingal na tawag ko habang nakahawak sa holster ang isang kamay. Parang maze ang mga eskinitang dinadaanan ko. "Matt, just keep talking please, I'm coming to get you!" medyo nagpa-panic nang sabi ko nang sandaling huminto para kalmahin ang paghinga ko. Parang sasabog na ang dibdib ko sa magkakahalong pagod, kaba at takot.

"Jake, I'm right here. Jake, where are you?"

His voice sounded so faraway and desperate now, and it seemed to echo and surround me. Iginala ko ang tingin sa kapaligirang halos hindi ko naman makita sa sobrang dilim. Why was it so dark? There's a half moon out tonight!

Huminga ako ng malalim at binilisan na lang ang lakad this time para ma-conserve kahit papaano ang lakas ko. Pero sa bawat hakbang ay parang nanghihina na rin ako, bumibigay ang mga binti at nanginginig ang mga tuhod. I took in lungfuls of air. "Matt? I'm here! Stay where you are! I swear I'll get you. Please!" I pleaded more to the heavens than the man I've been calling out to.

I'll be there, I promise.

Hindi na iyon lumabas sa bibig ko. Parang pati pagsasalita ay hindi ko na rin kaya.

O dahil sumabay iyon at nalunod sa magkakasunod na putok ng baril?

Oh, God! "Matt!" halos madapa na ako nang muling tumakbo. Dumadagundong na ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Matt please be okay, please...

Suddenly, it was no longer dark, and I can see him. Nakatayo si Matt may sampung metro marahil ang layo sa akin, parang naghihintay. Binilisan ko ang lakad. "Thank God, you're - - " my voice got caught in my throat when I got nearer, and really saw him. Matt was looking at me alright, but with such profound sadness and resignation that went straight to my gut. One side of that handsome face was bloody, as was his shoulder and chest.

Parang may malamig na kamay na humawak at pumiga sa puso ko. Humakbang uli ako para tuluyang makalapit pero noon biglang bumagsak sa lupa si Matt, kasabay ang muling paglatag ng dilim...

~•~❤~•~

Jake felt herself slowly being pulled in a downward spiral. She knew in her mind she was fighting it, but her limbs seemed too weak to resist. Parang hinahayaan na lang niya kung ano man ang mangyari, kung saan siya dalhin. Bahala na, okay lang siguro. She's been like a dead person walking for the past two years anyway.

Pero kung kailan tanggap na niya ang nakatakdang mangyari ay saka naman may humila sa kanya. Para siyang nalulunod na muling dinala paitaas sa tubig, sa ibabaw ng malawak na karagatan, at hanging muling pumuno sa baga niya. It waa cold. Unbearably cold. But she's alive. She's back.

She opened her eyes. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Ang lamig ng kapaligiran. At wala siya sa dagat. What the hell?

She blinked. There's the ceiling fan which wasn't on at the moment because it's been a most unusual and very cold winter in New Orleans. She's in her queen bed, not some sandy shore.

Knitted sweater na nakaaibabaw sa t-shirt, jogging pants at medyas ang suot niya at hindi uniform. Hindi rin gaanong madilim. Bukas ang lamp sa kanan niya. Bahagya ding bukas amg bintana at kita ang liwanag mula sa... wait, bakit maliwanag?

Napabangon siya. Pasado alas doce ng hatinggabi. May naririnig siyang mahinang tunog ng sasakyan. Who could be coming in at this hour? Bago siya matulog ay alam niyang narito na lahat ang mga residente ng estate. Agad gumana ang instinct niyang palaging magbantay kung may nakaambang panganib. Tumayo siya at napamura nang makaramdam ng kaunting pagkahilo. Huminga siya ng malalim, bago binuksan ang isang drawer sa nightstand at kinuha ang isang maliit na boteng plastic doon.

Ilang sandaling tinitigan niya iyon bago binuksan at kumuha ng isang puting tableta. Kinapa niya ang tsinelas sa sahig at isinuot iyon, bago binuksan ang isa pang drawer at inilabas mula sa holster ang baril niya.

She unlocked it as she walked to her door. Her grip on it was tight as she descended the stairs. Tumitindi ang kaba at pagka-alerto niya sa bawat hakbang. May narinig siyang pagbukas-sara ng pinto ng sasakyan, mga boses na hindi niya mawari kung saan galing. Madilim sa first floor nang makababa siya. Wala ding ilaw sa hallway kung saan naroon ang magkatapat na kuwarto ng Ate Joanne niya at ng asawa nitong si Aldous at ng kambal niyang pamangkin, pati ng mga magulang ni Aldous. Tulog na ang lahat so sino ang nasa labas?

Mahigpit ang hawak sa bari na nakaturo paibaba na dumerecho siya sa kusina. Nagsalin siya ng malamig na tubig sa mug at isinubo ang hawak na tableta. Alerto pa rin siya kahit uminom, at muntik masamid nang marinig ang pagbukas ng pinto sa side porch.

Ibinaba niya ang mug sa counter. Ang corner light lang ang bukas sa kusina pero sapat na ang liwanag niyon para makita niya kung sino o ano man ang papasok. Huminga siya ng malalim. Bumukas nang tuluyan ang pinto. Itinaas at itinuro niya ang baril sa pumasok.

A tall, lean, lanky figure with broad shoulders. Grey jacket, dark jeans and sneakers. And hands that immediately went up.

He gasped, eyes fixed on her gun. "I... I'm not..." napalunok ito.

Humakbang siya palapit, nakatutok pa rin ang baril sa dibdib ng bagong dating. "Move!" Itinuro niya ang tapat ng ilaw. "Move or I'll fucking shoot!"

He was heaving. Sa baril talaga nakatutok ang tingin ng lalaki. Parang takot na takot. What the hell? This wasn't what she was expecting from an intruder! Halata ang panginginig ng lalaki nang humakbang ito paatras sa tapat ng ilaw. Marahang sumunod siya dito. "Now, who are--"

Siya naman ang mahinang napasinghap sa nakita. She expected someone sinister and utterly vile, not this tall, innocent angel who looked like he was about to pass out. Parang hindi na ito gumagalaw sa kinatatayuan, at parang anumang segundp ay hihimatayin. He was pale, wide eyed, shaking, looking right at her with fright... and beautiful.

What the ...? Napansin pa niya iyon? Pero hindi rin niya mapigilang pagmasdan ang kaharap. His jaw could cut glass, the angles of his face cast shadows on his features that made him look both ethereal and dangerous.

His eyes were deep set. His Roman nose and full lips complemented the rest of his face. He could be a vampire or prince or both. He was taking in lungfuls of air, breathing raggedly out of fear but still, there was something sensual and inviting in the way his chest rose and fell with each intake. He was magnificent.

And she doesn't know why she just spent minutes assessing his appearance. "Who are you?" mahinang tanong niya.

"I'm... I'm unarmed, I p-promise, " he breathed, his voice still unbelievably sexy even if - what on earth, sexy? Nananaginip pa rin ba siya?

" Please," pakiusap ng lalaki. "C-can you -"

"Jake! What the hell! Ibaba mo nga :yan!"

"Jesus Christ, Jake! Put that thing away!"

Forget You Later (PREVIEW / Sample Chapters Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon