"Jake," marahang tinapik siya ni Jessiah sa pisngi, pagkatapos ay dinama ang kanyang leeg at noo, ang kanyang pulso. "Ang lamig mo, nahihilo ka ba? Kaya mo bang tumayo?"
"Jessiah? Jake! What happened?" nag-aalalang tanong nina Ate Jo at Aldous na hindi nila narinig na paakyat pala.
"She was sleepwalking. Saktong palabas ako ng kuwarto habang palapit siya sa hagdan," paliwanag ni Jessiah na maingat na inaalalayan siya patayo.
"At ano ito?" nangungunot ang noong itinuro ni Ate Jo ang ibaha ng mata ng doktor. "Napa'no ka? May pasa!"
"Huh?" he winced. "Masama yata ang panaginip niya. She hit me when I blocked her way to the stairs and pulled her here. Hindi naman masakit, ate. Hindi ko nga maramdaman,"
Humigpit ang hawak niya sa braso ni Jessiah. "I'm sorry," sinubukan niyang tumayo pero parang jelly ang tuhod niya. Dama pa rin niya ang pagod dala ng pagtakbo sa panaginip. "Shit," she muttered when her legs shook, then gasped when she felt herself being lifted. In seconds, she was off the floor, in Jessiah's arms, and with her face against the soft, mild-scented fabric covering his chest.
Gusto niyang magprotesta pero alam niyang hindi rin niya kayang bumalik sa kuwarto ng mag-isa.
"We'll check if you're in shock or if you had any injury, okay?" masuyong sabi ng doktor na nagsimula nang maglakad papunta sa kuwarto niya.
"Do you need anything, Jake? Tubig? Kumain ka ba kanina?"
"Tubig lang, ate. Salamat," mahinang sagot niya.
"I'll get it! What else?"pagbo-boluntaryo ni Aldous.
"Tea and some crackers, in case she's nauseaous. Thanks, man," sabi ni Jessiah bago sila pumasok sa kuwarto niya, kung saan napahinto ito. "Shit, nahulog ka sa kama? Nasa carpet ang isang unan mo, pati case ng eyeglasses and cellphone. Malapit na ding mahulog sa nightstand ang lamp..."
Napangiwi siya. "I'm not sure," narinig niyang bumuntung-hininga si Ate Jo at inayos ang mga nahulog na gamit bago siya maingat na inihiga ni Jessiah sa kama. Napapikit siya nang marahang ilagay nito ang ulo niya sa unan, sa maingat na pag-alis nito ng kamay na nakasapo doon, sa marahang pagsuklay ng mga daliri nito sa kanyang buhok.
"I hope you're not about to sleep yet. Siguro pagkatapos nating ma-check kung okay ka lang talaga?"
Napadilat siya at sinalubong ang tingin ni Jessiah. Halos isang buwan pa lang niya itong nakikilala pero sa lahat ng kasama sa bahay ay ito lang talaga ang nakakausap niya. Dapat ay naiinis siya na parang balewala dito ang minsan ay pagtataray niya o hindi nito nakikitang mas gusto niyang mag-isa?
But she just found herself slowly warming up to him and appreciating even the way he would say 'Hi' or 'Good morning'. Always with that smile and that light in his eyes... And always with that awed expression, like he's always seeing her for the first time.
"Huwag mo 'kong tingnan ng ganyan, Jake. Ate Jo is here, nako-conscious ako..." He smiled sheepishly. Narinig niyang mahinang natawa si Ate Jo.
Nag-init ang pisngi niya. Paano ba niya ito tingnan? "S-sorry." Pero hindi niya inalis ang tingin kay Jessiah. How can anyone not look at him, though?
Ilang segundong minasdan siya nito bago tumingin kay Ate Jo. "Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa kuwarto." tatayo na sana ito pero pinigilan ng kapatid niya.
"Ako na. Green hag, di ba?" Nakangiting tanong nito. Tumango lang si Jessiah at muling naupo para pagmasdan siya.
"How are you feeling right now, Jake? 'Yung totoo. Delikado ang nangyari kanina. You could've hurt yourself."
BINABASA MO ANG
Forget You Later (PREVIEW / Sample Chapters Only)
General FictionOnce, there was a man who'd do anything to remember, and a woman who wanted so much to forget. ~•~❤~•~ Dr. Jessiah Cabrera is in New Orleans for a year-long assignment, and that's where he intended to focus all his time and attention. Pero sa unang...