Chapter Six

52 15 0
                                    


Napaigtad siya nang marinig ang pagri-ring ng cordless phone sa desk sa tabi ng kama. Napatingin siya doon, at iniisip pa lang na sagutin pero agad dimg lumabas ng banyo ang dalawang bata na tapos na pala.

"That's mommy! She said she will call!" excited na sabi ni Knox na naupo sa kama katabi ng kakambal na inilagay sa speaker mode ang tawag, bago tumingin sa kanya.

"Hi, mommy! Kassma namin dito si Tita Jake!"

"Really?" hindi makapaniwala ang kapatid niya. "Himala!"

"Hi, Ate," hinila niya ang upuan sa desk at doon pumuwesto.

"Hello, Jacqueline! Kumain ka ba? Nag-pancit sila. At lumpia,"

Napangiwi siya. "Kumain, Ate. Masarap ang luto nila." Kahit hindi nakikita ang kapatid ay alam niyang nakataas ang kilay nito.

"That's good. Anyway, okay na si Aldous, pero kailangan lang munang mag-stsy dito for observation then he'll have a series of tests tomorrow, to prepare him for the new treatment. We're hoping that was the last time he'll ever have a seizure,"

Napatingin siya sa dalawang bata na matamang nakikinig. The twins are barely seven, but they already seem to understand what was going on with their father.

"Daddy's here, he ate half a lumpia and some pancit." narinig niyang sabi ng Ate Jo niya, na sinundan ng medyo paos na boses ni Aldous.

"Jake, I knew pancit would lure you put of your cave," biro nito bago ang pangalan ng mga anak naman ang tinawag. "You both knew I was going to he fine, right? Because I'm a bad ass like that?"

"Yes, super daddy!" sabay na sagot ng dalawang bata.

"But Doctor Jessiah wants to tell you something... Listen to him, okay?" Bago pa nakasagot ang mga pamangkin niya ay naipasa ma kay Jessiah ang cellphome.

"Hey, Keira. Hey, Knox -"

"Tita Jake is here!" paalala ni Keira.

Jessiah chuckled. "Um, yes, I was getting to that. Hey, Jake,"

Wala namang iba sa pagbanggit ni Jessiah sa pangalan niya, pero may kung ano sa boses nito na sa di niya matukoy na dahilan ay parang... Why am I... what the hell is this?

Tiny pinpricks of heat seemed to have travelled up her meck, her cheeks, as something stirred within her stomach. Jessiah said her name as if he was feeling it, tasting it in his mouth, and he liked it.

Napalunok siya, hindi maintindihan ang sarili. "Hi, Doc... uh, Jessiah," she bit her tongue.

"Hindi muna kami makakauwi, baka bukas pa ng hapon o gabi," may pag-aalinlangan sa boses nito. "Kaya buti na lang at sinasamahan mo sila ngayon."

Napakurap siya, hindi alam kung ano ang ire-react sa narimig. Jessiah was obviously clueless, pero hindi rin niya alam kung dapat niyang itama ang assumption nito na mabuti siyang tita na may pakialam at inaalagaan ang mga pamangkin.

"Anyway, Keira? Knox?"

Agad inilapit ng magkapatid ang mga mukha sa cordless phone. Jessiah cleared his throat. "I told you earlier about what your super dad was sick of, right? You remember?"

Sabay na tumango ang dalawa. "Yes, he's got this nasty thing in his brain. And it's stuck there and its's ugly and bad and making him sick!"

Napatingin siya sa dalawa, na parehong nangungunot ang noo.

"Yes,that's right. And I'm going to tell you now how we will fight it. You have to know so you will understand if ever super dad gets sick again ,alright? And that's a big if... Because we will do everything so he won't get sick again, until we finally kick that nasty, ugly tumor out of his brain, okay?"

The twin raised their fists. "Yes!"

What followed had Jake glued to her seat, as Jessiah told the kids about their dad's condition and treatment as if he was retellijg a fairy tale that featured characters from the Marvel Universe. May ilang medical terms, may ilang tanong ang mga pamangkin niya na madali nitong nasagot, hanggang sa matapos ang 'kuwento' na parehong nakangiti at parang excited pa ang mga bata, habang namamasa na ang mga mata niya sa luha.

Nasaan siya sa nakalipas na taong may pinagdadaanan ang mga taong sa loob ng halos isang dekada ay naging pamilya na niya? Ganoon ba siya ka-makasarili? These people needed her, and yet she couldn't even be bothered to join them for a meal.

"Ooohh, Doctor, I think you made our Tita Jake cry!" puna ni Keira.

Suminghot siya. "I'm not crying,"

"Action ang kuwento ko, hindi drama. Hindi ako ang nagpaiyak sa kanya," natatawajg sabi ni Jessiah pero may pag-aalala din sa boses nang tanungin siya. "Right, Jake?"

Napatango siya kahit hindi nakikita ng kausap. "Right,"

"Good," he said. "Well, I need to go to the lab. Mag-rest na kayo, okay?" narining niyang ibinalik nito sa kapatid niya ang phone,na nagpaalam din sa mga bata kasama ng asawa bago sinabing i-off na ang speaker at kakausapin siya. Noon niya napansin si Annabel na nakangiting nakatingin sa kanila, dala ang mga tuwalya at pamalit na damit.

Sumenyas ito sa mga bata na maliligo na. "You stay here and talk to Joanna. You may just leave when you're done,okay?"

Ngumiti lang siya bago binalikan ang kapatid na may kung anong sinasabi sa asawa bago siya kinausap. "He's something else, isn't he?"

Sandaling inisip niya kung sino ang tinutukoy nito bago tumango. "Yeah... Um, sorry uli sa nangyari kagabi, ate. Nawala talaga sa isip ko na may inaasahan tayong darating," nakagat niya ang labi. "Hindi pa yata ako talaga nakakapag-sorry sa kanya but I will..."

Bumuntung-hininga ang nasa kabilang linya. "Yeah, dapat lang, Jake. It's heen years, do you still have nightmares? Do you still experience panic attacks? Jessiah used to deal with those kind of things nefore he focused on research. Siguro, dapat mo rin siyang kausapin. Hindi puwedeng ganyan ka lagi. You're a part of this family, Jake. And you have friends and colleagues who care for you. We miss you..."

Napayuko siya. "I'm trying, ate..." Pero kahit siya ay hindi kumbinsido sa sinabi.

"Well, Jake. Try harder." her sister sighed again. "Sige na, magpahinga ka na. Thank you sa pagsama mo sa mga bata," Iyon lang at tinapos na ng kapatid ang tawag. Hindi pa rin niya gaanong maintindihan kung bakit at paanong mangyayari ss kanya ang mga ito ngayon. Masyado siyang nasanay na mag-isa kahit nasa loob ng isang bahay na may kasamang magulo, maingay at masayahing pamilya; sa trabahomg araw-araw ay humaharap siya sa mga tao - pero sa loob ng nakalipas na mga taon ay parang hindi pa rin siya nakakabalik.

She'd be surrounded by people but she's like a ghost, a spirit. She's not sure if she can go back, or if she'd want to.

Forget You Later (PREVIEW / Sample Chapters Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon