Chapter Eight

48 11 3
                                    


Quick summary of things I learned about Jacqueline 'Jake' Magat this week:

She wasn't always a loner. Sabi ni Ate Jo at Diana, since a few years ago lang daw pero hindi sinabi kung bakit... O baka nasabi pero hindi ko lang maalala.

She always seems surprised whenever I talk to her. I didn't get the vibe that she doesn't want to talk to me, peto nasanay na sigurog hinahayaan siyang manahimik at mag-isa.

Mas gusto nyang mag-isa. Hindi ko pa siya nakakasabay mag-dinner. Parang madalas ay napipilitan lang siyang sumabay sa breakfast.

She's got sad, haunted eyes. Eyes that seem to carry so much pain and guilt and loneliness. One day, I'd like to find out why. She can't he this way forever. She has to live a better life at some point.

She doesn't seem to mind my 'intrusion', o baka tino-tolerate lang dahil bisita ako. Minsan, tinataasan ng kilay, pero hindi naman natatarayan. Halatang nawi-weird-an siya sa akin. Understandable.

And... What else? God, I hope I didn't miss anything! Or I'd be even weirder the next time I see her. Sana kaya kong tandaan ang bawat araw simula nang makilala ko siya pero hindi ko alam kung posible pa iyon...

And was it even worth it to keep trying to get to know someone I'd have to struggle to remember ever meeting the next morning? Hindi ba dapat pigilan ko na hangga't maaga, anyway, one week pa lang naman?

Kaya ko pa sigurong umiwas, since sa journal na ito lang naman naka-depende ang bawat detalyeng alam ko tungkol sa kanya. Dito lang ako humuhugot ng ala-ala, dito ko lang nahahanap ang sagot kung bakit sa bawat araw ay ganoon na lang ang kagustuhan kong kilalanin siya, kung bakit bawat gabi at kahit iilang oras sa nagdaang araw ko lang siya nakasama ay mas maraming tungkol sa kanya sa mga naisusulat ko...

Frustrated na bumuntung-hininga si Jessiah habang hawak ang ballpen at nakatitig sa nakabukas na pahina ng journal. Biyernes at kasusulat lang niya ng bagong entry, excited pa siya kanina pero parang na-deflate dahil alam na makakalimutan niya ang malilinaw at buhay na imahe ng araw na ito bukas.

Jake made breakfast earlier this morning. Tapsilog and banana bread. Everything was so good but what he'll remember was her smile and the soarkle in her eyes when she saw him getting a second serving of fried rice.

He smiled sheepishly. "Ang sarap, eh. Sakto lang ang timpla."

"Talaga? Ngayon lang uli ako nagluto nyan. Kain pa," si Jake mismo ang nagsalin ng sinangag sa plato niya.

"Masarap talagang magluto si Jake, pero kailangang dasalan para sipagin." nangingiting sabi ni Ate Jo. Nag-thumb up si Aldous na puno pa ang bibig.

Silang apat na lang ang natira sa bahay dahil maagang umalis para sa trabaho o school ang iba, at nagpunta naman sa farmer's market sina Annabel at Leila. Hindi muna pumasok sa trabaho si Aldous dahil kailangang magpahinga bilang paghahanda sa treatment session bukas.

"Kung ganito na kasarap ang tapsilog mo, I can just imagine what you can do with other dishes," kumuha siya ng ilang piraso pa ng malambot na home made tapa.

Napailing si Jake. "Imagine-in mo na lang dahil malamang matatagalan pa bago ko maisipang magluto ulit." Medyo humina ang boses nito sa huling sinabi na parang may naalala.

"Bakit ka nga ba sinipag ngayon?" tanong ni Ate Jo.

Minasdan ito ni Jake, nangungunot ang noo. Noon parang may naalala ang bahae at napatango lang. Napayuko na si Jake at hindi na muling kumibo, naging abala na sa kung anong iniisip. He wondered what was up, but he's not sure he's earned the right to ask, just yet.

Ngayon ay iniisip niya kung dapat pa ba siyang magtanong? Dapat pa ba niyang alamin ang marami pang bagay tungkol sa babaeng sa tuwing makikita niya sa bawat araw ay parang iyon lagi ang una?

Naiiling na tumayo siya at lumabas ng kuwarto, derecho sa hagdan pababa. Just for this night, he needed a drink. Maybe a glass of wine, or a beer, at para din makatulog na siya. Past nine pa lang pero gusto na niyang magpahinga dahil tiyak na toxic sila bukas sa hospital.

So, I probably won't see her until Sunday. Baka makatulong iyon para mas madali ang desisyon niyang huwag nang pagtuunan masyado ng pansin si Jake.

Pero hindi yata iyon magiging madali. Nasa kusina ito at kausap sina Diana at Alfonso, na napangiti nang makita siya.

"Hey, it's our hot doctor! Jake, I think we just found your new running buddy!" Excited na sabi ni Alfonso. Nangunot ang noo niya, inisip agad kung may nabanggit ba siya na gusto niyang tumakbo kahit na nag-e-exercise naman araw-araw pagkatapos ng checkup kay Aldous.

"Dude, you asked us twice already where's the best place to run on weekends! Remember?" untag ni Diana.

He blinked. Huh, maybe he did? "Um, yes. Sorry, kinda preoccupied with tomorrow's duty."

"Jake here runs every other Sunday at Audobon!" tukoy ni Alf sa malaking park sa halos labas lang ng neighborhood nila, na ang dulo ay Mississippi River.

Napatingin siya kay Jake na tumango lang.

"Yeah, I'm running this Sunday. There's a paved loop inside the park. Almost two miles. I do three to five lapses. I usually start at seven," umangat ang isang kilay nito at sinalubong ang tingin niya, parang naghahamon.

What, was that a challenge or was she trying to stop me? But why?

Hell, he wanted to know why! Of course he'll do it! "Two miles, three to five lapses, Audobon Park at seven in the morning this Sunday. Okay, game!"

Tinitigan siya ni Jake, hindi makapaniwala. Palipat-lipat naman sa kanilang dalawa ang tingin nina Alfonso at Diana.

"Okay, Doc." parang alinlangan nang sabi ni Jake, pero hindi inaalis ang tingin sa kanya. "This Sunday morning then,"

And just like that, his earlier resolve was forgotten. Hindi na kailangang matulog o lumipas ang magdamag para makalimot siya. Hindi rin siya makakatulog agad pagbalik sa kuwarto dahil kaiangan nya muna uling magsulat...

At tungkol uli iyon kay Jake.

Forget You Later (PREVIEW / Sample Chapters Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon