Sandaling nag-isip pa si Jake kung bababa para kumain. Tiningnan niya uli ang text ni Diana na sinabing ready na ang hapunan. Mag-a-alas ocho na at buong hapon din siyang naglinis ng kuwarto at nag-reaarange ng mga gamit. She just showered and was thinking she'd have a snack later.Kahit hindi siya madalas sumasabay sa dinner na ang mismong kapatid ay hindi na siya niyayaya, wala pa ring palya sa pagpapaalala sa kanya sina Annabel at ang mga Padilla. Madalas ay nakalagay pa sa text kung ano ang nakahain, na parang bata siya na madaling maengganyo.
But she's mostly kept to herself for the past couple of years. Hindi naman lumayo ang loob niya sa mga kasama sa bahay, pero madalas ay tahimik lang siya at mas gustong mag-isa, na naintindihan at nirerespeto naman ng mga ito.
Her sister resents her for it though, and has often called her out for being selfish. Totoo naman, pero wala na iyong epekto sa kanya, nasanay na siya. Mas komportable na rin siya sa pag-iisa kaya medyo nagtataka siya sa sarili ngayon kung bakit sasalo siya sa hapunan.
We made pancit with lots of veggies,Jake. Your favorite! And those spring rolls with ground meat. Yum! Get your cute butt here, we're waiting.
Iyon ang text ni Diana, na tinuruan niyang magluto ng ilang Filipino dishes dati. Nag-reply lang siya ng smiley at thumb up emoji hago tumayo na at binuksan ang pinto. Palapit pa lang siya sa hagdan ay naamoy na niya ang pagkain, naririnig ang tawanan sa kusina. Noon niya narajdaman ang gutom. Mabilis na bumana siya, at si Diana din ang unang nakakita sa kanya.
"Told you, pancit has power!" nakangising sabi nito sa ibang kasalo nila.
Itinuro ni Annabel McLean ang puwesto sa tabi nito. "Sit down, honey, and I'll fill this plate for you." Bago pa siya nakaupo ay tinanbakan na ng nakatatandang babae ng pagkain ang plato niya. May pancit, may lumpia at fried chicken strips. Nakatingin at nakangiti ang lahat sa kanya, pero hindi abot sa mga mata.
Wala ang asawa ni Annabel, pati ang asawa ni Leila. Wala din ang ate niya at si Aldous. Eatlier, just as soon as they stepped out of where they had lunch, Jessiah received a call from her sister. Nagka-seizure daw si Aldous sa pinuntahang lunch party kasama ang kambal at pinapupunta sila doon para sunduin ang mga bata.
Within several minutes ay nakarating sila sa bahay ng kaklase ng kambal. Naabutan nilang gising na pero nanghihina pa si Aldous habang inilululan ng paranedics sa 911 truck. Ang ate niya ang sumama dito, habang si Jessiah ang pinag-drive ng sasakyan ng mag-asawa para sumunod sa hospital. Sila ni Alf ang kumuha sa kambal na parehong tahimik lang pero kita ang pag-aalala.
Pagdating sa bahay kanina ay kinuha agad sa kanya nina Annabel at Leila ang mga bata at sinabing magpahinga na siya. Parang pati sa kanya ay nag-aalala ang mga ito, bagay na nakasanayan na niyang makita sa mga kasama sa bahay. Ngayon ay mukhang okay na ang mga pamangkin, na parehong curious na nakamasid sa kanya.
"Guys, can we just eat already? I'm really here, I'll finish my food here, okay?" Kumagat siya sa lumpia na medyo mainit at malutong pa. Ano kaya ang paboritong pagkain ni...
Natigilan siya, bakit ba iyon ang naisip niya? Jessiah said earlier during lunch that he's not picky with food, that he'd eat everything that's served to him.
"Did you know that Jessiah's favorite food is lumpia? Uncle Tony bought some for him earlier, and for mommy and gramps and daddy if he's okay to eat. Jessiah also loves any kind of adobo. You should cook that yummy adobo you made for our birthday last year! The sweet spicy one with coconut milk? It's sooo good! Jessiah will just be like, all heart eyes for you! Can you imagine him with heart eyes?"
Nakatitig lang siya kay Keira na dere-derecho sa mga sinasabi habang pinipili ng tinidor ang mga gulay sa pancit nito. Tinapos nito ang litanya na nangingislap ang mga mata bago isinubo ang mga gulay.
"Jessiah is such a cool doctor! Did you know that he's researching the cure for cancer? He said he and his doctor friends want to make medicines for cancer that even poor people can buy. Awesome, right?" nangingislap din ang mga mata ni Knox na sunud-sunod ang kagat sa lumpia.
"Alright, kids. We'll talk about Jessiah later. Let Jake finish her food first, okay?" masuyong saway ni Annabel sa mga apo.
"Bagay kayo, Tita Jake!" ayaw paawat na dagdag ni Keira,bago tumingin sa mga kasama sa mesa. "I meant they look good together!"
"Puwede mo siyang boyfriend, Tita Jake! So, you're not so sad anymore," sang-ayon ng kakambal nito.
"Tama! He's very good looking!"
"And he's nice and our pets like him!"
"And don't you think it's nice to have a doctor boyfriend, tita? He said he's a nuy-row-lo-giz?"
"No, it's nyu-yor-lo-giz?"
"Whatever! He said they deal with... If you're sick and your spine hurts... and muscles and nerves and brain! Didn't you say your brain hurts sometimes, Tita Jake? When you have these nightmares?"
Oh, my God... Napainom agad siya ng tubig kahit nakaka-dalawang subo pa lang ng pancit.
Napansin siguro ni Knox ang panic niya kaya nagtaas ito ng isang kamay. "We didn't tell him about you, promise! But we asked him a lot of questions this morning when he was checking on daddy and he explained everything. He's really nice, he should be a Science teacher!"
"Knox, Keira," tawag uli niAnnabel sa dalawa. "Jake needs to eat, okay? Let her eat first then you can tell her about Jessiah, okay? Promise?"
Sabay pang tumango ang dalawa na hijdi na siya kimulit. Apologetic na tinapik siya ni Annabel sa braso, na nginitian niya. Napunta na sa pagkain ang usapan hanggang matapos sila at magkakatulong na nagligpit.
Nang makitang niyayaya na ni Annabel ang dalawang bata papunta sa kuwarto ng mga ito, sandaling nag-isip siya bago sumunod. Bahagyang tumaas ang kilay ng nakatatandang babae nang mapansing nakasunod siya pero nang bahagyang ngumiti siya ay napatango ito.
"They'll brush their teeth first, then watch TV or read or play for a bit before a warm shower. I'll just get fresh towels,"
Marahang tumango lang siya bago sinundan ang mga bata sa banyo, na nagkanya-kanyang puwesto sa sink. Sumandal siya sa pinto at iginala ang tingin sa malawak na kuwartong hindi niya maalala kung kailan huling napasok. She also can't recall the last time she's really been with the kids, or anyone from this house for more than a few minutes.
Bakit siya nandito?
BINABASA MO ANG
Forget You Later (PREVIEW / Sample Chapters Only)
General FictionOnce, there was a man who'd do anything to remember, and a woman who wanted so much to forget. ~•~❤~•~ Dr. Jessiah Cabrera is in New Orleans for a year-long assignment, and that's where he intended to focus all his time and attention. Pero sa unang...