Chapter Nine

67 11 1
                                    


Pakiramdam ni Jessiah ay literal na nawawala siya pagtapak sa loob ng malaking park na iyon. Ilang oras lang ang mayroon siya kanina para mare-orient ang sarili at makapaghanda mula sa limang oras na tulog sa hospital.

Nag-alarm ang cellphone niya kaninang alas cuatro ng umaga. Muntik pang malaglag ang journal na nasa tabi ng unan sa sofa bed na hinigaan niya. Agad niya iyong binasa, kasunod ang medical chart na nagpabangon sa kanya.

That's when he realized he's in a hospital suite and his patient -- well, he was more than fine. Stable ang lahat ng vitals, walang lagnat o seizure o kahit anong adverse effect at nalampasan na ang kritikal na twelve hours matapos ang treatment.

Ang mas nakakapag-alala ay ang tingin ng asawa nito sa kanya, na parang malungkot na nag-aalala habang iniaabot ang papercup ng hot milk tea at kahon ng donuts. At four-thirty in the morning, Ate Jo already seemed to know what to do, how to deal with the still semi-disoriented amnesiac that was her husband's specialist.

"Okay ka lang, Jessiah? Nakatulog ka naman ng ayos?" tanong nito bago sumimsim sa hawak na paper cup, which smelled of some strong coffee blend.

"Okay lang, ate. Salamat," he was grateful she didn-t ask if he knew who she was, or the man on the bed, where they are and what they're doing in this cold, sterile room. Pero hindi rin maitatago ang lungkot at panghihinayang sa tingin nito sa kanya. "Okay lang ako, ate," ngumiti siya. "May kaunting tests lang uli kay Aldous tapos maghahanda ako para umalis saglit. I'll be out before seven and back here before ten, in time for a follow up check before we go home. Habang wala ako, Dr. Conner will be here to --"

"Yes, alam ko 'yung meeting with Doctor Conner," nakataas ang isang kilay na putol ni Ate Jo sa sasabihin niya. "Pero hindi ko alam na may plano ka pala this morning?" curious na minasdan siya nito.

Nag-init ang pisngi niya. "I'm meeting Jake... Um, for a run. Sa Audobon. Three to five lapses daw sa loop du'n so mga forty-five to an hour and a half siguro 'yun kaya by ten ay --"

"Jake, as in Jacqueline, my sister?" nangunot amg noo ng babae.

Napakurap siya, nangati ang kamay na buklatin ang journal o tingnan ang pictures sa gallery ng cellphone niya. Binasa niya lang kasi ang huling journal entry kagabi at ang text ni Jake na nagpapaalala kung saang banda sa park sila magkikita. "Y-yes, your sister," he smiled sheepishly. Why was Ate Jo looking at him this way? Parang nanunukso na may ibang ibig sabihin ang tingin at ngiti.

"Huh, that's weird," napatango ito. But good.... Really good." pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "O siya, sige na, gawin mo na ang mga dapat mong gawin. And oh, you'll shower, di ba? Don't shave muna. Bagay sa iyo ang may kaunting shadow and I think Jake will like it." napangisi ito.


He blinked. "Really?"

"Really," tinapik siya ni Ate Jo sa braso. "Tingnan mo ang reaction niya sa iyo mamaya."

Sa ngayon, hindi siya sigurado kung makikita ba niya ang reaction ni Jake dahil hindi pa niya alam kung saang direksyon papunta. He's seeing some sort of shelter for rest rooms, a gazebo, a playground, paved footpaths, lots and lots of trees... which way do I go? Tatlong daan ang nasa harap niya. Ang sabi ni Jake sa text kanina lang, magkikita daw sila sa tapat ng dulo ng lagoon malapit sa entrance ng golf course. Where the hll is th--

Napaigtad siya nang mag-vibrate ang cellphone na nasa inner pocker ng suot niyang manipis na gray jacket. May text galing kay Jake:

I'm assuming you parked near the Exposition Street entrance since galing ka sa hospital. Tawid ka sa playground, derecho lang until you see the lagoon. I'm right across, warming up under an old tree. Nasaan ka na?

Forget You Later (PREVIEW / Sample Chapters Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon