The Letter

335 14 3
                                    

Andito ako nakatago habang nakatingin sayo.


Unti-unting kumakawala ang hikbi sa bibig ko. Tinakpan ko ng panyo ang bibig ko para walang maka-pansin sakin.


Ayoko sanang pumunta dito, pero ito na ang huli. Pangako.. Ito na ang huli.


Gusto lang talaga kita makita..  


Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagta-tago dito habang naka-tingin parin sa 'yo.. patuloy parin ang pag-agos ng luha ko..


Luha na hindi ko magawang pigilan..


Hindi ko alam kung may nakapansin na ba sakin o pinag-titinginan na ako. Wala na kong Paki-alam!


"Iha?" Napatingin ako sa Babaeng nagsalita sa likod ko..


"Ayaw mo ba syang lapitan?" Tanong sakin ng Babae na may-edad na. 


"Wag na po.. " sagot ko at tumingin ulit sa 'yo at naguunahan na naman sa pagtulo ang luha 'ko


"Tama nga ang Anak ko.. Maganda ka nga sa Personal.." napatingin ako sa Babaeng kausap ko ng naka kunot ang noo dahil sa mga sinabi niya


"N-nanay po kayo ni Lance?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


"Oo, Ikaw si Melissa diba?" naka-ngiting tanong sakin ng Mama mo.


Hindi ako makapaniwala na kilala ako ng Mama mo.


Kinu-kwento mo ba ako sa kanya? Ano namang sina-sabi mo sakanya tungkol sa 'kin?


"O-opo, ako po." Nahihiyang sagot ko kaya yumuko nalang ako.


"Eto oh.." inabot sakin ng mama mo ang isang papel at isang notebook. Anong gagawin ko sa mga 'to?


Binuklat ko ang papel at isa itong sulat?


"P-para po saan 'to?" Tanong ko sa mama mo.


"Unahin mong basahin ang nasa notebook, Diary nya yan." Malamang si Ikaw Lance ang tinutukoy ng Mama mo.


Diary? Nagda-diary ka pala?


"Baka po magalit sya? " sino ba naman ang may gustong maka-basa ng Diary nya diba?


"Matagal na sakin yan.. pati yung sulat.. hindi nya naman hinahanap"


Tumingin ulit ako sa sulat.. sulat kamay mo 'to..


"Sa palagay ko, gusto nya rin na mabasa mo 'yan.. sinulat nya 'yan para mabasa mo.." tumingin ako sa notebook at sa isang liham na nakapatong dito


Hinawakan ng mama mo ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya


"Basahin mo ah.. at sana bukas.. magkita ulit tayo.." tumango nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko




Umuwi na ako at dumiretso sa kwarto ko..


Naka-tingin lang ako sa diary at sulat mo


Babasahin ko ba?


Kinakabahan ako.. hindi ko alam kung bakit


"Sa palagay ko, gusto nya rin na mabasa mo yan.. sinulat nya yan para mabasa mo.."


Naalala ko ang sinabi ng Mama mo at napansin ko nalang na binu-buklat ko na pala ang diary mo..

Untold GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon