Melissa's POV

102 8 3
                                    

Araling panlipunan ang Subject namin nun at umalis ang teacher namin. nag-iwan lang sya ng visual aids na kokopyahin namin. Sobrang dami pa nga eh, sakop ang buong Board.


Biglang pumunta si Ann sa room namin at pinapalabas ako, may sasabihin daw siya. ayoko lumabas dahil nga sa ang dami ng pinapakopya samin kaya sabi ko pumasok nalang siya.


Pero ayaw niya pumasok kasi tumakas lang daw siya sa Klase nila at baka daw magtagal pa sya pag pumasok sya.


Nagulat ako nang bigla syang sumigaw ng "Kinuha sakin ni Lance ang Number mo!!"


Napatigil ako sa pagsulat at napatingin sa bintana at nakita ko na tuma-takbo na si Ann pababa. Pabalik sa room nyo..


Napuno ng tilian ang mga kaklase ko dahil alam nila na may gusto ako sayo, tapos sinigaw pa ni Ann na.. Teka! Totoo ba 'yon?


Hindi ako maka-paniwala, napansin mo na rin ba ako sa wakas?! Hindi ko na mapigilan ang pag-ngiti ko.


Pagkauwi ko sa bahay.. naka-bantay lang ako lagi sa cellphone ko, baka kasi magtext ka


Nagpa-load na rin ako para kung sakali na magtext ka, mare-replayan agad kita at hindi ka mainip.


May nagtext sakin ng gabi na yun mismo! Unknown number!


"Ikaw na ba 'to?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at may parte sa akin na uma-asang sana ikaw yun.


Binasa ko ang text..


"Hi :-)"

Isang salita pero malaki ang epekto sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa Dibdib ko dahil pakiramdam ko, sasabog na 'to sa sobrang saya at kilig.


Matagal ko tinitigan ang text na yun..


Kaso Naalala kita.. baka mainip ka, kaya nag isip agad ako ng irereply sayo


Napag-pasyahan kong "Sino 'to?" Ang ireply ko, para hindi masyadong halata na ina-abangan ko ang text mo, para kunyari wala akong alam.


Ang bilis ng tibok ng puso ko.


Pa'no pag hindi pala ikaw yung nagtext? Bumagsak ang balikat ko sa naisip ko na yun.

Pero Pa'no kung ikaw pala? Binibigyan ko ng pag-asa ang sarili ko. Positive dapat!


Hindi ko alam gagawin ko nun.


Ang tagal mo magreply. Nakatulog ka na ata nun? Hanggang sa madaling araw na at nag-pasya na akong matulog ay wala pa ring reply na galing sayo..


Puyat ako Pero kahit ganun ganado ako magaral at gumawa ng mga assignments ko..


Hanggang kinabukasan. Ang ganda ng gising ko, lagi naman eh! Basta naiisip ko na makikita kita araw araw ginaganahan ako sa lahat ng bagay. Gumising, mag-aral, basta! Sa lahat ng Bagay!


Hindi ka parin nagre-reply :-(


Pero okay lang. Baka nag-aral ka.. ayoko maging istorbo sa 'yo kaya hindi na Ako ulit nag text.




Vacant time namin nun ng tingnan ko ang cellphone ko, may nagtext!


"Hi :-) sorry late ang reply ko, btw si Lance 'to :-)"

Untold GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon