Melissa's POV

112 4 3
                                    

Hawak ko ang isang puting lobo na sabay sabay namin bibitawan..

Pagbinitawan ko 'to kailangan ko ng tanggapin na wala ka na..

Lance, nakiki-usap ako.. please, isama mo yung sakit na nararamdaman ko dito sa lobo na 'to..

Miss na miss na kita.

"I Love you.. I love you every day. And
now I will miss you every
day. " sabay ng pag-bitaw ko sa lobo ay pag patak ng luha ko..

Hindi ko alam pero.. naka-ramdam ako ng gaan.

Gumaan ang paki-ramdam ko

"Iha.. tara na?" Tanong mama mo sakin

"Sige po Tita, mauna na po kayo.. kailangan nyo pa pong magpahinga. Dito lang po ako :-)" ayoko pang umuwi.

Gusto pa kitang ma kasama

"Sigurado ka ba? " mababakas ang pag-aalala sa boses ng Mama mo

"Opo.. Ingat po kayo pauwi" sabi ko at ngumiti

"Sige.. Ikaw rin :-)" nakipag beso sya sakin at umalis na..

Hindi ko alam kung ilang oras na ako dito.. nakatitig lang sa Lapida kung saan nakasulat ang pangalan mo

In Loving Memory of
Lance Villegas
Born: September 15, 19xx
Died: April 10, 20xx

Naka-tingin lang ako hindi na umi-iyak..

Maya maya pa ay may aninong lumitaw kaya nag-angat ako ng tingin..

Parang kilala ko sya?

Lumipat sya sa tabi ko at umupo rin sa tabi ko, naka-harap sayo

Naka-tingin lang ako sa kanya, inaalala ko kung san ko ba nakita tong tao na katabi ko

"Hindi na ako umabot.. kauuwi ko lang kasi.." bakit nagpapaliwag sya? Sino ba 'to? Kilala mo ba sya?

"Kilala ba kita?" Tanong ko sa.. kaibigan mo, siguro?

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung sino ba 'to kaya tinanong ko na

"Hindi mo ako kilala? " hindi makapaniwalang tanong nya

"Sorry.. pero hindi eh.."

"Ako si Larry.. barkada ako ni Lance." Sagot nya. Kaya pala, kaibigan mo nga!

"Ahh.." Yan nalang ang tanging nasabi ko

"Hindi mo parin maalala? Ako yung nag-gigitara nung hinarana ka nya.. "

Ahh.. kaya pala.

Naaalala ko na, tumingin ulit ako sayo at nilapag nya na ang dala nyang bulaklak sa puntod mo

Umupo sya sa tabi ko..

Natahimik kaming dalawa.

"Hayy.. Ako dapat gumagawa sayo ng mga bagay na yun eh" Bulong nya na dinig na dinig ko, kaya napatingin ako sa kanya..

"Ha?" Tanong ko..

"W-wala.." sagot nya kaya pinabayaan ko nalang

"M-Melissa.." nauutal na tawag sakin ng kaibigan mo..

Bakit naman sya mauutal?

"Hmm?" Hindi parin ako tumitingin sa kanya

"Kumusta na?.. ahm.. m-may b-boyfriend ka na ba?" Tanong nya

Iling lang ang sagot ko dahil, Hindi ko alam kung okay na ako At wala akong boyfriend

Kasi nawala na yung taong gusto ko :-(

Nawala ka na :'(

"Ahh.. ahm.. pwede ba kitang i-invite kumain sa labas? Kung okay lang.." napatingin ako sa kaibigan mo ng sinabi nya yun..

Date ba yan?

"Bakit?" Tanong ko..

"Kasi gusto ko?" Alanganing tanong nya

"Gusto mo Ako?" Pagbibiro ko

"Oo-ay!" Napatakip sya ng bibig.

Nabigla ako sa sagot nya ⊙_⊙!, nagjo-joke lang naman ako

Nakatingin lang ako sa kanya kaya nag salita na sya

"O-oo? So, ano? Pwede? Date? Tomorrow night? " Tanong ng kaibigan mo..

"T-Teka.. bukas agad?"

Okay lang ba sayo na kaibigan mo ang i-date ko?

"Oo, Tomorrow is my birthday, and gusto ko i- celebrate ang birthday ko kasama ka.. " naka-ngiting sabi nya sa akin

Papayag ba ako?

"Yun na siguro Ang Best Birthday ever, kung papayag ka.." Dagdag pa nya..

"Pwede ba ako humingi ng pabor sayo?"

"Ano po yun?"

"Alam ko mahal mo ang Anak ko pero.. Wag mo sanang isama sa Anak ko ang puso mo " sabi ng Mama mo..

"Ano Pong ibig nyong sabihin?"

"Mag mahal ka ng iba.. wag lang ang Anak ko.."

Naalala ko ang sabi ng Mama mo..

Ngumiti ako kay Larry at tumango.. :-)

mas lalong lumaki ang ngiti nya dahil sa sagot ko :-)

Siguro.. ito yun :-)

Ito yung reason ni God kung bakit ka nya kinuha..

Kung bakit kita nakilala..

Siguro..

Untold GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon