Melissa's POV

65 7 1
                                    

Naalala ko na.. yung autograph notebook ni Ann!

Pa'no mo nasabi na hindi ikaw yung tipo ko? Eh lahat nga ng yun, Ikaw!

Maka-Diyos, sa tuwing nakikita kita sa simbahan, seryoso at taimtim kang nagdadasal.

Gentleman, nakita kita dati sa canteen.. tinulungan mo yung tindera na buhatin yung dala nya.

May Pangarap sa Buhay, na kwento sakin ni Ann na nag-share ka daw sa klase nyo.. gusto mo daw maging Business Man. At tutuparin mo daw yun!

May respeto at mahal ang Magulang, nakwento rin sakin si Ann, ina-asar ka daw ng mga kaibigan mo na Mama's Boy kasi nag text ang Mama mo ng I Love you sayo at nag reply ka daw ng I Love you too. Natatawa pa nga si Ann kapag kinukwento yun eh, pero para sakin.. nakakatuwa yun para sa isang babae, Minsan nalang sa mga Lalaki ang gumagawa ng ganun.

Yan nalang ang natatandaan ko sa mga sinulat ko doon, pa'no mo nasabi na hindi ikaw ang tipo ko?

Untold GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon