Melissa's POV

57 4 1
                                    

Masaya ka? Masaya ka nung Prom natin kasi nakasayaw mo Ako?

Samantalang ako, ang lungkot lungkot ko pagkatapos mo ako isayaw..

Nakaupo ako nun sa gilid habang kumakain ng bigla kang lumapit sakin..

Matagal bago rumihistro sa utak ko ang nangyayari.. kaya matagal din bago ko abutin ang kamay mo

Para akong Prinsesa sa paraan ng pag-hawak mo sa kamay ko. Ingat na Ingat ka..

Nung makarating na tayo sa gitna, nilagay mo ang kamay ko sa balikat mo at ang iyo naman sa bewang ko..

Napatingin ka sa kaliwa at nakita mo ang Ex mo na si Marianne, nag-ngitian kayo sa harap ko

Hintayin mo ko ah? Isasayaw kita.. sabi mo kay Marianne.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi mo..

Hindi pa tayo umaabot ng tatlong minuto may iba ka nang gustong isayaw..

Gusto ko sabihin sayo noon na Sige puntahan mo na sya, isayaw mo na sya.. Wag mo na syang pag-hantayin :-(

Pero pinili kong maging maka-sarili kahit konting minuto lang.. mahawakan man lang kita ng matagal..

Dahil alam ko.. dahil nararamdaman ko noon, na yun na ang Huli.

At hindi nga ako nagkamali

Untold GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon