His Letter

70 5 1
                                    


March 20, 20xxx

Melissa,

Hindi ko alam kung bakit ko ito sinusulat. Kung bakit ako nagsusulat ng ganito.. Siguro, kasi may gusto akong sabihin sayo.. pero 'di ko magawang sabihin, kaya dinaan ko nalang sa sulat.

Madaling Araw na pero hindi parin Ako makatulog, Ini-isip parin kita.. yung ngiti mo kanina habang hawak hawak mo yung Diploma mo, Tandang tanda ko pa. Sobrang Proud Ako sayo, Top 1 ka sa klase nyo. Bukod sa maganda ka na, matalino ka pa..

Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit nami-miss kita lagi, bakit concerned ako sayo, bakit kailangan kita. Pero

sinasagot naman ako ng puso ko. Isa at Simple lang daw ang dahilan kung bakit. Kasi mahal kita... Oo, Mahal kita. Mahal na mahal. Natatakot ako sabihin sayo kasi natatakot ako na baka i-reject mo ako at hindi ko kaya yun. Nabigla ako dati kaya nai-sigaw ko na mahal kita, nabigla ako kaya tumakbo ako.. Hindi pa ko handa kung ire-reject mo man ako. Kaya tumakbo Ako :-( Simula nung malaman ko na may gusto ka sakin, hindi na ako nagka-gusto sa Iba. Wala na kong ibang babae na gusto.. Ikaw lang :-)

Aalis na Ako.. Pinapa-sunod na ako ni Papa sa kanya sa America. sa America na daw Ako magco-college, dun ako kukuha ng Business Course. Kailangan ko munang ayusin Ang sarili ko bago Ako umamin sayo, para wala ka nang rason para i-reject ako.. at sana kapag bumalik Ako, wala ka pang nahahanap na Iba.

Mahal kita at hindi Ako magsasawang ulit ulitin yun. Pag balik ko sasabihin ko na yan sayo! Uulit ulitin ko yan sayo! Na Mahal na Mahal kita! Basta hantayin mo lang Ako.. Sana mabasa mo 'to, pero sana kapag nabasa mo 'to umalis na ako.

Hindi na ako maggu-Goodbye sayo, babalikan naman kita eh :-)

-Lance

Post script: Hantayin mo ko ah? I Love You :-*

Untold GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon