Melissa's Pov

66 4 1
                                    

Nakaupo ako nun dahil konti palang naman ang tao dahil malapit na mag umpisa ang play ng biglang nagtilian ang mga kaklase ko na kasama ko magbantay ng booth..

Tumakbo si Mae at nagulat ako nung pagbalik nya ay kasama ka na nya.

Pinaupo ka nya sa tabi ko at kukunan daw nila tayo ng Litrato.

Namawis ang kamay ko, at para akong tuod na hindi makagalaw.

Pinagdikit nila tayo at nakaramdam ako ng Kuryente nung nagdikit ang mga braso natin, yun yung unang beses na nagkadikit tayo.

Pagkatapos nun ay nagpaalam ka na sakin

Hindi ako makasagot kaya tango nalang ang nagawa ko..

Nung mga oras na yun nakalimutan ko ang pangako ko sa sarili ko.. nakalimutan ko na titigilan na pala kita.. nakalimutan ko na pipigilan ko na..

Untold GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon