Dune's POV
Sa di kalayua'y tinawag naman ako ni Dad para kumain kaya't dali-dali na akong tumungo sa resthouse
"C'mon let's eat nagluto si Nana kusing ng pagkain, i also ask to cook your favorite pork sinigang. Pansin ko kasi na mula kanina wala kang imik, baka na miss molang yung manila?" Ani Dad
I drawed a smile on my face when i saw his concern face, aww my Dad really is the best dad ever. I hug him tight para maparamdam ko sakanyang okay lang ako.
"I'm okay dad, Let's eat." I insisted
"Yeah" he replied.
Saka kami sabay ng nagtungo sa Hapagkainan, Bumungad naman saamin ang masayang kwentuhan nina Mom at ng iba pa sa Pangilinan Fam habang sabay-sabay na kumakain sa malaki at mahabang mesa. Napahinto naman sila sa pag-kikwentuhan ng mapansin ang aming prisensya
"Oh guys, c'mon and join us! O Ihjo Dune halikana dito sa tabi ni Tito Gary mo and you Honey dito sakin, Bilis na, naku sige kayo uubusin namin tong Sinigang ni Nana kusing! Ang sarap pa naman!"
Ani Momna may halong pangungutya pa sa huling mga katagang kanyang sinabi
Nagtawanan naman ang lahat maging kami ni Dad saka kami lumapit at nagsipag-upo narin saaming mga upuan.
@afterNgLunch
Nagdecide na ang iba maligo sa Dagat, while i decided to just take a walk sa maikling isla ng Camiguin, may nakita akong kaunting taniman ng Sunflower at ang ganda sa mata kaya naisipan kong mas lalong lumapit pa roon para makuhanan ko ng picture, para sa memory goals natin.
Kinapa ko ang aking Cellphone saaking Bulsa saka ko hinanap ang Camera para makunan ng litrato ang magandang Tanawin gawa ng Dilaw na dilaw na sunflower.
1shot
2shots... And More
<Click>"Ay kabayo!"
Naibulalas ng kung sinoman, dahilan para malaglag ko ang aking hawak na cellphone.
"Dang!" Inis kong tugon
"Hala ka! Nahulog dong? Naku pasensya na ha? Nagulat ba kita?
Kunot-noo kosiyang tinignan ngunit agad din namang nawala ang kunot na iyon ng mamukhaan ko kung sino ang nagsalita
"Ikaw?" Gulat kong tugon
Hindi ko nasiya gaano pang pinansin bagkus kinuha ko nalamang ang Cellphone na nalaglag dahil sa biglaan niyang pagsulpot
Tatalikod na sana ako upang umalis ng biglang
"Teka!" Aniya
I stop.
"Huy teka lang napaka snabero mo naman!" Aniya ng makalapit na sakin
"H-hindi naman, nagulat lang kase ako." Sagot ko na mukhang di niya ata pinaniwalaan
"Sus! Ang sabihin mo snabero kalang talaga! Osya eto oh" sabi niya sabay abot ng isang sunflower mula sa likuran niya
Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya,
did she just pick that flower over there? What if mahuli siya ng may ari? Tapos sakin niya yan ibinibigay at ako ang napagbintangan?
"Set up ba to?" Taka kong tanong
Tinaasan niya naman ako ng kilay
"Set up? Bakit?"
"Binibigay mo sakin yan para ako ang mapagbintangang nagnakaw niyan dun sa Pinagkunan mo?" Diretsyahan kong tugon
Natawa siya sa sinabi ko ngunit kalaunay agad ring napalitan ng inis ang kanyang mukha
"Grabe man ka uy! Kinuha koyan dun dahil gusto koyang ibigay sayo! Souvenir ba! Galing sakin ayaw mo nun? At tyaka yang sunflower nayan saamin yan okay? Grabe ka naman makapanghusga!"
sabi niya saka padabog akong tinalikuran
"T-teka!"
Muli niya akong hinarap
"Bakit?"
Napakamot pako ng ulo dahil sa kahihiyan
bumuntonghininga na muna ako bago ako muling nagsalita"Y-yung sunflower?"
Sabi ko ng may pag-aalinlangan na baka hindi niya na ibigay pa yung sunflower dahil sa tinuran ko kani-kanina lang
Nagulat nalamang ako ng bigla siyang lumapit at iniabot saakin ang bulaklak ng may napakatamis na mga ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin saakin
Agad ko namang kinuha iyon at nagpatiuna ng maglakad palayo upang di niya mahalata ang pamumula ng pisngi ko.

BINABASA MO ANG
[MAYDON ]"The Girl I've Once Met" BOOK 1
Fanfiction--- [DISCLAIMER] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead...