CHAPTER 27

297 22 13
                                    

----

Tumayo na ako't nilapitan siya

"Ihahatid na kita sa inyo, bale sa likuran molang ako pipwesto habang naglalakad tayo para ng sa ganun hindi nila makita yang tagos mo." Suhestyon ko

Lumiwanag naman ang kanyang mukha sa narinig na agad ding napalitan ng blangkong ekspresyon

"Eh? Pano kung hinahanap kana ng parent's mo? At nung mga kaibigan mo." Aniya

Umiling ako't ginulo ang buhok niya

"Tulog na sina Dad, yung mga kaibigan ko naman. Hayaan mo na yun! Matatanda na sila." Sabi ko sabay ngiti

Ngumiti rin siya pabalik, saka ko nasiya inalalayang makababa ng kubo

At gaya nga ng sinabi ko, nasa likuran niya lang ako, wapakels sa mga taong nagsasabi na clingy daw akong jowa o masyadong possesive dahil sa halos dinidikit ko na ang aking katawan kay maymay, mga siraulo e pilit kolang namang tinatakpan yung tagos baka kako may manuksong mga asong gala
--__--

----

Pagdating naming sakanilang bahay agad na sinabi ni maymay kina lola Ludy na dinatnan siya

"Lolaaa.. may dalaw po ako!" Maktol pa ni may

Napalingon naman saakin ang dalawang matanda kaya ako napalunok ng laway

"O' may dalaw ka nga, o ba't hindi mo papasukin?" said her granny reffering to me na hindi ata nagets yung sinabi ni may

Bagsak balikat namang napangiwi si may sa matanda

"Lola hindi po dalaw as--in tao! Dalaw po as in dugo, Dinudugo na naman po ako, dinatnan ako kani-kanina lang tapos----" ani may habang pilit na may hinahanap sakanyang maliit na cabinet

"Tapos wala pala akong Napkiiiiin! *cry* waaaah! Lola Ludy wala po akong Pads! Pa'no na ako ngayon?" Para siyang bata

Nag-alala ako kaya nilapitan ko si Lola Ludy, napabuntong hininga pa ako upang humanda sa aking itatanong

"Uhmm Lola Ludy?" Pasimula ko

Sinulyapan niya naman ako habang inaantay ang susunod ko pang sasabihin

"Kayo po? May extra po ba kayong napkin?" Seryoso kong tanong sa matanda

Kunot noo niya akong tinapunan ng tingin

"Napkin? Anong gagawin ko dun?" Balik niyang tanong

"Eh, para po sa period niyo lola" sagot ko

Na biglang ikinainis ng matanda't napisil ako sa tagiliran

"Aray!" Daing ko habang si maymay yung kanina'y umiiyak ngayon ay ang laki at lakas ng Halakhak

Ang sakit, parang si maymay lang din pala tong lola niya

"Siraulong batang to! Sa tanda kong to sa tingin mo dinadatnan pa ako?!" Asik ng matanda

Nagpipigil naman ng tawa si lolo joe, at ng aakma na naman akong pirisin ng matanda'y patakbo na akong lumabas ng bahay at sa may pintuan nalamang nina maymay pumwesto malayo kay lola Ludy

"Sira ka talaga Donny *pigil ang tawa* bat mo kasi yun tinanong kay lola?" Ani may na ngayon ay nasa malapitan ko na

Tumingkayad siya ng konti para bumulong

"Mag pasalamat ka dinantan ako kung hindi, baka nagkasala na tayo." She wishper

Sumang-ayon ako dahil tama nga naman siya, mabuti nalang at hindi natuloy jusko! Dapat siguro mas maglaan pa ako ng madaming oras sa pagbabasa ng mga libro tungkol sa kung paano mas macocontrol pa ang sarili sa mga urges nakakatakot e'

[MAYDON ]"The Girl I've Once Met" BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon