CHAPTER 20

302 18 3
                                    

"Sa susunod pang myerkules." Maikli kong sagot pinagmamasdan ang magiging reaksyon ni may

Nilingon niya ako't pilit na ngumiti

"Ahh, Anong year ka na ba sa highschool Donny?" Muli niyang tanong

"Firstyear college na ako may, engeeniring ang kursong tinitake ko, ako kasi yung next heir ng mga pangilinan sa sarili naming kompanya oneday, pagkatapos kong mag-aral ng engeeniring mag aaral pakong ulit ng business, eh ikaw ba? Nag-aaral ka pa ba?" Tugon ko

Napayuko siya sa tanong ko't kalaunay muli ring tumingin saakin

"Oo, secondyear college, business din yung kinuha ko dahil plano ko talagang mag negosyo pagkatapos kong mag-aral alam mo na." Aniya

Napangiti naman ako sa sinabi niya, atleast nag-aaral parin siya kahit pa hirap sila sa buhay.

Nakakabilib.

Sabi ko saaking isipan.

"Sa tingin mo Donny, paglipas kaya ng panahon at di mo na ako makita? Magugustuhan moparin kaya ako? Magbabago kaya yang nararamdaman mo? Magkakagusto ka sa iba.. Tapos ako o ikaw makakalimutan na? Sa tingin molang naman.."

tanong niya saka muling umiwas ng tingin

Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam kung ano ang mangyayari kinabukasan o sa susunod pang mga araw..

"Siguro may, sa ngayon mas okay nayung isipin na muna natin kung ano ang meron tayo ngayon bago ang bukas, YOLO nga diba? You only live once so why not just enjoy the moment habang nadidito pa tayo sa kasalukuyang panahon." I positively said

Napangiti naman siya sa sinabi ko
And this time wala na yung lungkot sa kanyang mga mata.

Tumayo siya't sinilip sa munting bintana ng kubo kung umuulan paba.

"Mahabog pa ng kaunti sa labas, at Tumitila narin ang Ulan kahit papaano. Donny, umuwi na tayo."

Sabi niya habang nananatili paring nakatalikod saakin at nakasilip sa labas

"Sabay na tayo may."

Tumango siya sakin saka nagpatiuna nang bumaba ng Kubo

"Kita nalang tayo ulit pag may time na ako, bukas magiging busy na naman kasi ako. Wag ka naring sumama saking magbenta baka kasi kung ano ano na namang gimik ang maisipan mo makabenta kalang." Aniya sabay ismid sa hulihang sinabi

Natatawa nalamang ako habang patuloy siyang pinakatigigan

"Sige, pero hahatid na muna kita sainyo, kahit sa tapat lang ng bahay ninyo." Suhestyon ko na kanya namang pinaunlakan

--

At ng masigurado ko ng nakapasok nasiya sakanila, saka naman ako nagsimula ng naglakad patungong Resthouse

Ngayon lang ako nakaramdam ng lamig dulot ng matinding ulan kanina kaya patakbo ko nang tinungo ang Resthouse dahil yung Ulan, nagbabadya na namang bumuhos

Mukhang may bagyo yata.

Sa isip ko
Hindi pa kasi ako nakakapanood ng news mula pagdating namin dito kaya di ko alam kung ano na ba balita sa weather forecast..

---

Pagkapasok ko palang sa pintuan ng Resthouse ay agad na akong sinalubong ni Aling kusing ng Bathrobe at saka towel, Agad ko iyong isinuot saka ako nagtungong kusina upang uminom ng mainit na tubig ng bigla----ng

"SURPRISE!!!!"

O__________O

What the hell are they doing here..?

"Dune! I've missed you!" Salubong saakin ni Shash, patakbo pa itong lumapit saakin upang mayakap ako

"Bro!" Bati naman saakin nina Chester at Ezikel

Napangiti naman akong napayakap sakanila

I missed this two, mga kababata ko kasi sila at matatalik ko naring kaibigan

"Hey there handsome!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses

And as expected sina Anna at Marie iyon, mga kaklase ko sa Artschool nung highschool sa States, both of them are Filipina-American kaya naman parehong malalakas ang karisma nila dahil sa mga natatangi nilang ganda

Alam kong pareho din silang may gusto saakin, and i respect that because they're my friends, at isa pa mature naman din silang mag-isip at hindi ipinipilit ang mga sarili nila kaya para sakin okay lang yun.

"Hey son!" Dinig kong tawag ni Dad galing saaking Likuran kakalabas lang nila ni mom galing sakanilang kwarto. nagsilabasan narin ang lahat

Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita si Stacy na family friend namin kasama si Miggy na pinsan ko anak ni tito Christopher isa pa sa mga kapatid nina dad na di nakasama saamin dahil sa sakanya na muna iniwan ni Dad ang company while we are away for the meantime.

Masaya akong sinalubong silang lahat
Beso doon, Highfive dito ganun lang.

At ng matapos na ang pagbabatian ng lahat, iginiya kami nina Dad sa Dining Areas kung saan nakahanda ang napakaraming Pagkain

Parang may birthday lang yung dating ah.

"C'mon kids sitdown and let's eat."

What kids Dad, i already kiss a girl and you still call us a kids? Err.

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Dad

"Tito Anthony! we're no longer kids! We can even make a baby on our own alrea----" ani Miggy ng bigla siyang Paglakihan ng mata ni Tita Sharon kaya di niya natapos ang dapat na sasabihin

"Not infront of the food migs." Sabi ni Tita sharon na may halong pagbabanta.

Nagtawanan nalamang ang lahat dahil sa takot na ekspresyon ni Miggy

Yan kasi.. XD

Itinuon ko nalamang ang aking pansin sa pagkain ng di kalauna'y bigla akong may napagtanto.

Napasulyap ako kay Dad na mismong nasa harapan kolang din nakaupo

"Anyway Dad, bakit po sila nandito?" I ask out of curiousty

"What do you mean bakit bro? Aren't you happy na nandito kami ??" Tanong ni Ezikel na may halong pagtatampo, kunwari ngalang..

Umiling ako't muling nagsalita

"No. I'm just asking coz im confused, nothingelse." Sagot ko

Tumango naman siya't muli ng itinuon ang pansin sa pagkain

"Well, Son. Remember the firstday we we're here? Nung inoobserbahan kita, at parang hindi ka masaya na para bang napilitan kalang kaya ka sumama saamin dito, at that exact day in the morning i contacted your friends and cousins one by one via zoom.. asking them to maybe come over here para ng sa ganun hindi na kita makitang lutang sa sarili at palaging mag-isa." Mahaba niyang litanya

Tanging buntong hininga nalamang ang naisagot ko sa mahabang litanya ni Dad

Alam kong iniisip lang ni Dad kung saan ako magiging masaya, pero yung facts na mahihirapan na akong tumakas dito't makipagkita kay may?

Sobrang laking problema.

Yumuko nalang ako't kumain. Saka ko nalamang iisipin ang pagtakas pag Tapos na tong araw na tong napaka EpicFail. ¬__¬

[MAYDON ]"The Girl I've Once Met" BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon