A girl whose life has been miserable since she was five years old, left to live with her aunt growing up.
---
Lilith Gray Mendoza, the girl who doesn't fear death. Maybe it was the trauma left to her during the incident years ago where she lost her...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lilith's POV
I went out of my last class with almost one eye left open. College na ako pero hindi na ako nakaalis dito sa all-girls college. Mostly, I can't get away from theology.
"Gray, pupunta ka ba mamaya?" Nabalik lang ako sa ulirat nang lumitaw si Indie sa tabi ko. Isa pa 'to, hindi na nawala sa paningin ko mula grade school. She's everywhere. Well, at least I have someone I know for too long in this hell hole.
"Wala akong maalala na pupuntahan mamaya," sagot ko. Humikab hikab pa ako. Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang matulog pagtapos na pagtapos ng araw na 'to.
"It's Perpetua's birthday celebration. Tayo lang kaya ang friends non," pangungumbinse pa sa akin ni Indie. Napairap ako at napabuntong hininga.
"If only her unholy attitude is as holy as her name, she would've made other friends." Nauna na ako maglakad kay Indie at kinawayan siya. "Titignan ko kung gising ako mamaya."
"Lilith Gray!"
Speaking of the devil, she showed herself up. Kumakaway kaway pa si Perpetua habang papasalubong sa akin sabay inirapan ang nakabungguan dahil sa hindi niya pagtingin sa daan.
"You're coming with me!" Ani niya sabay ikinawit ang kamay sa akin.