Author's Note:Sweet as Sugar
Cold as Ice
Hurt me once
I'll kill you twice
Lupet ng line ni Sapphire!! \(*0*)/
~~~~~~~~
SAPPHIRE 'S POV
Wala na akong nakilala. Basta alam ko kasama ko ang gangmates ko at nandito kame sa underground para pumatay.
Wala na. Ramdam kong unti unti na akong nilalamon ng galit sa loob ko. Alam kong di dapat pero pagbibigyan ko muna ang demonyo sa loob ko. Tutal matagal nang panahon nung pinalabas ko sya as a legendary gangster. Simula kase nung mag retired ako ibinaon ko na sya sa kasuluk-sulukang bahagi ng pagkatao ko. Pero ngayun .. mukang nakahanap sya ng butas para lumabas ulet.
May mga naaaninag akong bulto. Lalaki. Mga lalaki. Pero wala akong paki kung sino sila. Bulag ako ngayun para sa awa. Sawa na ata akong maawa eh. Kase tuwing naaawa ako nasasaktan ako ng sobra.
"Let's start this bullshit." -sabi ko sabay lapit sa pinuno ng grupo.
"Who are you?" -galit na sabi nung lalakeng leader. Tss. Muntik na akong matawa. Ako? Di nya kilala?
"Ako ang kamatayan mo." -sabi ko habang nakangisi. Naramdaman ko namang susuntukin nya na ako sa muka pero pinigil ko lang yun gamit ang isang kamay ko. Ngayun hawak ko na ang kamao nya.
"You know what? Your smell is so familiar. Hmm.. what's your name?" -tanong ko. Pero di nya ako sinagot. Iniumang nya naman ng kanyang isang kamay para isuntok saken. Di ako nakailag or should I say... hindi ko talaga inilagan.
"Di na masama..." -pang aasar ko sa kanya. Naramdaman ko naring nagsimula nang makipaglaban ang gangmates ko.
"Umayos ka nga!" -bulyaw saken nung lalake. Okay..
"Your wish is my command." -sabi ko sabay suntok sa muka nya.
"Ugh! Shit!" -sabi nya sabay dura ng dugo. Tss. Nasabe ko ba sa inyong 3x ang lakas ko kesa sa lalake?
"Oh kala ko ba gusto mong magseryoso ako?" -sabi ko sabay hila sa kanya patayo. Kahet matangkad sya saken eh tinayo ko lang syang parang sako ng bulak.
Agad ko syang sinuntok sa muka, tyan, tagiliran lahat ng pwedeng patamaan. At ang pinaka paborito ko ..
Devil Punch.. yun ay ang kombinasyon ko ng suntok sa muka at dibdib. Paniguradong tulog o di kaya eh patay ang nakakatanggap nun saken. Nakadepende yun sa kung pano tatanggapin ng katawan mo ang tira. Kung mahina ka patay ka. Kung malakas ka naman tulog ka lang. Pero ang lalakeng kaharap ko eh ni di naman nakatulog. Nakahawak lang sya sa dibdib nya tapos di ko makita ang muka nya. Kahet wala syang maskara di ko makita ang muka nya. Yan ang epekto ng pag nawawala ako sa sarili ko. Wala akong makilala.
Tatayo pa sana sya pero pinilipit ko na yung braso nya sabay hampas sa batok. Pero bago pa sya makatulog eh nagsalita sya....
"I love you... baby ko." - bulong nya na nagpagising sa diwa ko.
"Aaaaaahhhh!!!!!" -sigaw ko sabay hawak sa ulo ko. Natigil sila sa paglalaban at napatingin sakin.
"Aaaaaaahhh.!!!!! Tama na!!!" -sigaw ko. Para kaseng may humihigop ng lakas ko.
"Royal Nightmare... ayos ka lang?" -narinig kong sabi ni Joey.
Umiling ako at sumigaw ulet.
"Aaaaahhh... tama na.. ayoko na!!" -sigaw ko at maya maya naramdaman kong may bagay na tumusok saken at unti unti akong nanghina pero bago ako mawalan ng malay eh...
"Rogue..."
Then everthing turns black.
~~~~~~~~~
ARTEMIS'S POVNa-track kong nasa underground si Sapphire. Kaya dali dali akong nagpunta sa underground. Ramdam kong nawawala na sya sa sarili nya. Alam ko rin kung bakit. Nasasaktan na naman kase sya. Tss.. lagi nalang sya ang nasasaktan. Tapos may gana pa silang kamuhian si Sapphire na kung tutuusin ay mas nasasaktan at nagdurusa. Alam kong kahit pinapakita nyang manhid sya eh nasa likod pa rin nun ang Sapphire na nasasaktan at laging nagpaparaya. Di ko alam kung pano nya nakakayanan yun. Mahal na mahal ko sya at the same time bilib ako sa tapang at lakas ng loob nya. Ako kase mahina ako. Kahit ako ang Mafia Queen... mahina ako. May kahinaan parin ako. Di ko parin kase makalimutan ang taong nanakit saken ng sobra. Mahal ko pa rin sya. Kaya mahina ako. Sya ang kahinaan ko.
Nandito na kame ni Yukie sa underground. Sa likod kame dumaan para di nila kame makita. Nakita namen si Sapphire na binubugbog si Rogue ng todo. Alam kong di na nya alam ang ginagawa nya pero hinayaan ko lang iparamdam nya sa iba ang hirap at sakit na nararanasan nya. Kahet konti lang.
Pero nagulat ako nang maya maya eh tumigil sya at nagsisigaw. Pano nya nalabanan yun? Pano nya nakontrol? Ang alam ko kase.. di titigil ang demonyo sa loob nya hangga't di nakikitang patay na ang biktima. Pero buhay pa si Rogue.
"Anung gagawen natin Art?" -tanong bigla ni Yukie saken.
"Wag ka munang makialam dyan." -mataray kong sabi.
"Hahayaan mong mamatay sa sakit yang kapatid mo?" -sabi ni Yukie. Oo.. alam kong hinihigop ng demonyo ang lakas nito dahil nilabanan ni Sapphire yung pwersa. Tss. Pakialamera talaga itong babaeng toh. -__-
"Sige na nga.. patamaan mo sya ng pangpatulog." -sabi ko. Agad naman syang kumilos at pinana si Sapphire.
Nang makitang tulog na ito eh agad namin syang nilapitan. Nagtinginan samen yung mga gangmates nila Sapphire at Rogue kaya agad kong sinenyasan si Yukie na patulugin at palitan ng alaala ang mga ito.
"Lahat ba ng ala-ala nila aalisin ko?" -tanong saken ni Yukie. Matapos nyang matulugin ang mga gangmates.
"Tanga! Bakit mo buburahin lahat? Edi di na nakauwi yan sa bahay nila? Boba." -mataray kong sabi kay Yukie. Inirapan nya lang ako.
"Eh ano nga? Ano manghuhula lang ako ganun?" -sabi ni Yukie. Pambihira! Kung hindi ko lang talaga kaibigan yang babaeng yan kanina ko pa napatay yan.
"Yung part na dumating tayo." -sabi ko nalang sabay buhat sa walang malay na si Sapphire.
"Okay.." -sabi nya. Ako naman dumiretso na sa kotse at isinakay si Sapphire.
~~~~~~~~
SOMEONE'S POV
Nakatanaw lang ako sa palabas na sila Artemis at Sapphire.
Wag kang mag-alala Sapphire.. malapit na tayong magkita. Malapit na malapit na.
********************
Author's Note: Holo! Bugbog sarado si Fafa Rogue!! Wawa naman.
Teka.. sino kaya ang nagsasalita sa Someone's POV?? any idea? Hehehe..
Next Chapter: Befriend your Enemy
BINABASA MO ANG
Red Haired Princess: SAPPHIRE (Completed)
RandomSi Sapphire at Amethyst ay praternal twins. Pareho silang nagmahal sa iisang lalake Pero isa ang nasaktan sa pagpili ng lalakeng iyun. Dahil sa lalakeng yun nasira ang magandang samahan ng kambal. Dahil dun napilitang lumayo ang isa. Nagdaan ang mar...