"Jack! Jack!" bumalik ako sa ulirat nang biglang magsalita ang cellphone ko.
"Ah Hello sino ito?" tugon ko, dahil naka unknown number lang ito.
"Kanina ka pa hindi nagsasalita, ako ito si Rain!" halos sumakit ang tenga ko dahil sa sigaw ni ate. Kahit sa call pa 'yan.
"Sorry ate, ba't ka pala napatawag?" tanong ko sa kan'ya. Hasyt ano ba ang nangyayari sa 'kin.
"Bukas pala pupunta sina mama d'yan Bibisitahin ka raw." tugon nito.
"Tapos?" pabalang na sagot ko.
"Anong tapos, tapos! Gaga, syempre mag ayos ka rin d'yan para hindi ka mapagalitan pag bibisita d'yan!"inis na sigaw nito, tinawanan ko lang naman ito.
"Oo na ate, paalam na mututulog na ako." saka inasar pa ito bago babaan.
Alas syete pa lang nang gabi ay nakahiga na ako. Bigla akong inantok nang hindi ko alam feeling ko sobrang pagod ko ngayon kahit maghapon lang akong nakahilata.
Tumingin muna ako sa bintana saka naisipang bumaba muna saglit dahil sa uhaw. "Sjjajajansnjxbskkka."
"Ano ba 'yan!" napakamot ako sa ulo dahil sa nagkalat na dugo sa sahig.
"Kanino naman kaya itong dugo, ang lansa pa naman." inis na sambit ko saka ito pinunasan.
Kumuha na ako ng tubig sa ref nang may kung anong yumakap sa 'kin galing sa likuran.
"Rhian, ikaw ba iyan? " nakangiting sambit ko.
"Yes Jack." tugon nito saka humigpit pa sa pagyakap.
"I miss you love." wala sa sariling sambit ko rito. Damn, i really miss her.
"I miss you too." tugon nito saka ginugulo ang buhok kahit nasa likuran ko pa ito.
"Matulog na tayo mahal" biglang tumulo ang luha ko nang unting-unti itong kumakawala sa pagyakap.
Agad kong pinunasan ang luhang pabagsak pa lamang nang mapagtantong patay na ito, isang buwan pa lang ang nakakaraan.
"Sana ako ang namatay at hindi ikaw," mahinang sambit ko sa tumingin sa pinto kung saan, nakikita ko ang ka luluwa nitong nakangiti lang sa 'kin.
𝙱𝚈: 𝑱𝑨𝒀𝑨𝑵𝑵𝑬𝑬𝑬𝑬𝑬_
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryI just going to publish it here, all of my one shot story.